Chapter 23: Possessed

82 12 1
                                    


"Bakit? Ayaw mo ng eggy?" tanong ko kay Yandiel matapos niyang ibigay sa akin ang kalahati ng nilagang itlog sa lugaw niya.

Nagkibit-balikat lang siya, hindi ako pinansin at hinipan ang kinakain niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya na parang bata na kumakain. Hindi pa rin sumisikat ang araw ngunit kahel na ang langit. Nagsuot ako ng jacket dahil alam kong malamig nga sa ganitong oras.

"Nag-crave ka siguro sa lugaw. Next time, ayain mo uli ako," muli kong sabi.

"Wala naman na akong ibang aayain," he replied and looked at me. Weh?

Hindi ako sumagot at tumawa lang. Nasa hagdan kami ng entrance sa infirmary, kung saan nasa aming harapan ang kumikislap at payapang lagoon. Hindi ko alam ang aking nararamdaman, nakakalungkot ang paligid pero parang nagugustuhan ko ang ganitong pakiramdam, parang panaginip.

"You should buy one for your mother, it's delicious. Maaga pa naman."

"Nilutuan ko na siya kagabi nito. Mas masarap pa nga luto ko rito," mahinang sabi niya at nagmayabang pa. "Hindi ko nilalaga yung itlog, nilalagay ko na agad habang niluluto. Ganun kasi 'yon."

"Ah, ganun ba? Nagluluto kasi ako ng lugaw din sa'min, gawin ko garod 'yon," tumatango-tango na sabi ko. "Yung kapatid mo, ay? Maayos naman ba siya sa school?" tanong ko. Baka kasi binu-bully na siya dahil sa nangyari noon.

"Hindi naman inaapi 'yon sa school nila, kung apihin man siya, hindi niya naman papansinin. Kaya hindi rin ako masyadong nag-aalala sa batang 'yon. Hindi niya ako pinag-aalala."

I smiled ."She looks like a tough girl. She must be smart at school."

"She's their first honor."

"Wow, kagaling naman. Eh, ikaw? Anong nangyari sayo?"

Natigilan siya at sinimangutan ako, pinigilan kong tumawa. "Matalino ako... medyo. Ako yung nagtuturo kay Yena sa math, kung mo alam mo lang."

"Oo na, oo na!" Tumawa ako. "Buti nga matalino ka lang. Paano pa kaya kung dinagdagan mo ng sipag? Aba't, baka kabugin mo naman yung pinsan kong competitive."

Napangisi siya, nagre-reflect sa kanyang mga mata ang pagkislap ng malawak na lagoon sa aming harapan. "Matalino 'yon, yung kapatid ko. Kung hindi ko kayanin na makatapos, pag-tatapusin ko siya."

"Makakatapos ka ng pag-aaral. Ano ba naman 'yan, nasa second year na tayo. Kaunting ire na lang," sabi ko. "Malaki rin yung pangarap ng kapatid mo, yung mga barya na nahulog sa bag niya, ipon niya siguro 'yon. She's a sister who will never bring burden, I'm sure she is."

"Mmm." He nodded and smiled, I could see the greatest compassion in his eyes. "Why would someone accuse her for stealing someone she doesn't even desire. Because of me, they see my sister as a bad person."

Niyakap ko ang aking tuhod habang nakikinig kay Yandiel.

"I want to give her the future she deserves," he whispered. "Medyo tamad ako. Pero para sa kanila ni mama, nakikita ko kasi ang estado namin sa buhay, ang hirap, karaming pagtitiis. Ang hirap tingnan yung pamilya ko na gano'n, gusto ko silang ialis sa ganitong pamumuhay."

Yumuko siya at tumawa nang mahina, parang dinudurog ang puso ko. "Kaya gagawin ko talaga ang lahat, kahit magmukha akong kaawa-awa. Kahit anong sabihin sa akin ng tao, kawawa kasi yung kapatid ko, yung mama ko. Kawawa naman sila."

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I just listened to him opening up, I know he's been keeping this all by himself. He acts carefree, the one who doesn't care about his surroundings. I thank God for giving this man the courage to open up.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon