Chapter 12
Pabalik balik ko silang tinignan. Si Zyron, si Thea at pati na rin ang phone ko. Napalunok ako ng ilang beses bago ko sinagot ang tawag ni Patrick. Thea looked away but she didn't leave.
"P-patrick, napatawag ka?" Tanong ko at bigla nalang akong napatingin kay Zyron. He was looking at Thea, bothered.
"Denise, may nakalimutan kasi akong sabihin kanina. Actually, tungkol kay Thea. Pakisabi naman sa kanya na gusto ko siyang makausap. Ayoko kasing umalis ng may galit pa siya sakin." Rinig kong sabi ni Patrick sa kabilang linya. Tinignan ko naman si Thea nang umalis na siya sa tabi ko at naglakad papunta kay Zyron.
"S-sige Patrick, akong bahala." Tangi kong sambit at agad ko ng binaba ang telepono. He wants to talk with Thea, pano ko naman gagawin yun? Ah basta. Bahala na si Batman. Gusto ko rin naman magkaayos yung dalawang yun, para rin naman kay Thea 'to. Akala niya di ko pansin na affected pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Patrick. Siguro nga kailangan nila ng maayos na paguusap.
Tinignan ko sila Thea at Zyron na ngayon ay naguusap na. Mejo nagulat pako ng halikan ni Zyron si Thea sa noo niya, at ang sumunod ay niyakap niya ito.
Hay nako! Eto na naman. Naman! Nandyan na naman yung nararamdaman ko. Hindi dapat ako nagseselos eh, kasi maling mali 'tong nararamdaman ko. I really should stay clear with them. Thea needs Zyron to move on.
Hindi nako nag abalang magpaalam pa at umalis nako don.
Umuwi nako sa bahay at inisip ang gagawin at irarason ko para magkausap si Patrick at si Thea.
Nong gabing yon tinext ko si Thea na sabay kaming maglulunch sa Tea Cup Resto bukas kahit na hindi ako ang pupunta dun. Bahala na ako kung anong idadahilan ko at si Patrick sa diskarteng gagawin niya, mejo matigas din kasi si Thea kaya mejo sapilitan ang siguradong mangyayari dun.
Tinext ko na rin si Patrick tungkol don, tinanong ko nga kung bakit sila aalis pero di niya naman sinabi sakin. Gusto niyang si Thea daw muna ang unang makaalam, edi siya na! Pero sana maging okay na sila.
Halos mapatalon ako ng sunod sunod na tumunog ang phone ko.
Kinuha ko yun sa side table at tinignan kung sino ang nagtext.
Fr: Thea
Ok bespren. Libre mo ha? :D
At tinignan ko pa ang isang message.
Fr: Patrick
Thanks a lot Dennise! Maraming salamat talaga. :)
Napangiti ako na parang shunga. Sayang lang silang dalawa! Ang cute pa naman nila.
KINABUKASAN
Papunta ulit ako ngayon sa locker hallway ng campus. Yun talaga palagi kong ginagawa tuwing umaga pagdating ko ng school, iniwan ko muna dun yung dalawang librong mamaya pa naman gagamitin. Ang bigat kasi.
Laking pasasalamat ko naman ng wala yung mga echuserang mga chismosa doon. Pagkatapos kong ilagay ang mga libro eh dumeretso nako sa classroom. Nadatnan ko si Thea at si Zyron na naglalambingan doon sa sulok. Wow! Ang aga naman nila.
Umiwas ako ng tingin at umupo nalang sa tabi ni Thea. Mukhang di nila ako nakita so wapakels na din ako. Kahit na eh.. mejo awkward para sakin but i really have to accept it. Sana balang araw.
Mayamaya eh pumasok na si Prof.
LUNCH
This is it. Ano bang magandang idadahilan ko? Yung epektib. Sana walang sagabal.
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Fiksi RemajaThe worst pain in love is when your falling ALONE.