"BABBBYYY!!"
ayan na. tinatawag na ako ni tanda! kahit kelan talaga ang ingay ng bungaga netong lalakeng to pero pag nasa school akala mo kung sinong gwapo. Shy type daw siya eh. At saka para Mysterious Type daw siya -.-
"Ayan napo ama!"
sagot ko kay Sky atsaka bumaba na.
Hindi man lang nahiya kay mommy at daddy. Sabagay sanay nang mga yun.
"Tsk. Baby ka pa talaga kahit kailan. Ang tagal mo! Tita oh!"
-___- Close sila ni mommy infairness. Sino ba namang hindi eh almost 9 years na ang pagkakaibigan namin.
"Ewan ko sayo! Tanda!"
Tinawanan niya lang ako kaya inirapan ko. Buti nga. syempre ako din may tawag sa kanya.
And wait muna ako nga pala si Rainelle Santiago. 15 years old. Nag aaral sa HY University. 4th year highschool!
At ang panget na lalake naman kanina ay si John Sky Villanueva. Pero joke lang siyempre. Ang gwapo kaya ni tanda. Dami ngang nagkacrush dun eh. 19 years old. 4th year college and sa HY University din nag aaral.
Bata pa lang kami noon eh magkaibigan na kami ni Sky. At simula noon baby na talaga ang tawag nun sakin. Noong una nung bata pa kami okay lang. Pero hindi na kasi ako baby ngayon no *pout*
"Di daw siya baby pero nag pout! HAHAHAHA!" -____- yan tuloy. Nasabi ko na ang last part.
Hinampas ko siya ng dala kong libro.
"Sira ka talaga! Pabayaan mo nga ako! TANDA! TANDA! TANDA!"
hindi din naman ako magpapatalo no *chin up* Malakas ata to!
"Oo na! Baby! HAHAHAHAHA!"
sabi niya at tumawa ng tumawa. May hawak sa tiyan effect pa -____-
"Aurgh! Diyan ka na nga!"
walk out mode. Kunwari nagtatampo ako. Susuyuin ako neto eh.
Nakarating na kasi kami sa school. Naglakad kami kasi malapit lang naman.
"Hahaha! Hah! Tampo na si baby oh. Sorry na baby ko! Libre nalang kita mamaya. Bye baby! Sunduin kita ha! Labyuuu!"
sabi niya na naging dahilan upang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
Ewan ko ba pero kahit na araw araw niyang ginagawa yan, kinikilig parin ako.
Mas lalo tuloy akong nainlove.
Oo nainlove ako sa tandang yun. Hindi namam kasi siya mahirap mahalin. Sa totoo nga eh nakakainlove siya sobra.
Sa totoo lang kahit ganyan si tanda ang sweet nun sobra. Pag may sakit ako 24 hours niya akong binabantayan, pag may nahihirapan akong subject, instant teacher ko yan. Tagahatid at tagasundo. Tagapagligtas. Andyan sa lagi pag kailangan ko siya. He's like my kuya, my father, my boyfriend, my hero. Kaya nga ako nahulog sa kanya.
Tapos inaaway niya ang mga manliligaw ko tinanong ko siya kung bakit ayaw niya na may manligaw sakin. nag assume naman ako na baka mahal niya rin ako pero ano ang sagot niya?!
Kasi baby pa daw ako at bawal pa daw mag boyfriend. -____- langhiya talaga ang tandang yun! Akala ko pa naman mahal niya din ako. Ganyan lagi sagot niya eh.
Kasi Baby Ka Pa. Hhayy naku. Hindi nman ako baby ah. Im already 15 for petes sake! Hhaaay bahala na nga.-----
Pumasok na ako sa class ko. Wala pa naman si sir. buti na lang.
"nakasimangot ka na naman baby Rain? pfft. hahahaha"
BINABASA MO ANG
Kasi Baby Ka Pa (one shot)
Short Story"Hoy tanda?!" "Bakit baby?" thats our endearment. ang sweet no?