Atat sa LoveLife

51 5 3
                                    

JXD: Haha Dedicated sa mga atat jan sa Love Life XD I want to say na huwag habulin si Love, kasi kung gagawin mo yun baka madapa ka edi masasaktan ka diba!? Relax okay!? Si Love ang lalapit sayo, just stay put ka lang sa kinalalagyan mo, Dadating din yan. :")
Chu~ ♥

***

To: MhaL cKo <3

Jacob, GuxTo cKo nHua makiPqbReaK,,,mAsy4Do kaN4 kcng ma4lamiq sa Ackin. 4yoCko m4n wasaKn anq pUzo peo k4iLanqan eih, cQuro hndi taLaq4 Tau p4R4 sa izA't -iza.

*Sen!

JXD: sa mga hirap basahin ang jeje eto na po. ( Jacob, gusto ko na makipagbreak,, masyado kana kasing malamig sa akin. Ayoko man wasakin ang puso mo pero kailangan eh, siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa.)

Siguro pwede na yan. Gusto ko na talagang makipagbreak sa kanya eh. Masyado kasi siyang boring ka text. Naging syota ko lang yan last month. Nagkakilala kami sa mga Clan ko. Ayun niligawan niya ako. Sakto break na kami nag ex nun, one weak lang sinagot ko na siya. Hindi ko akaling boring din pala siya.

Love?! Pwe! Hindi ko pa yan nararamdaman, pero sabi sa akin nila ate masarap daw. Para ka daw na sa cloud nine?! Eh gaano kasarap yun?! Kasing sarap ba yun ng cloud nine na chocolate???

Tsaka pag inlove ka din daw, sabi ulit ng ate ko. Pag naghoholding hands daw kayo, may kuryenteng dumadaloy sa kawatan mo? Bakit may extention ba yung kamay niyo!?

Sabi ulit ng ate ko, kahit anong nakakaturn off daw yung mga sinasabi ng mga tao sa paligid mo, wala lang sayo. Ano yun? Bulag lang?! Parang love is Blind? Siguro??? Kasi ako, pag may narinig lang naikakapanget sa syota ko, BREAK AGAD. Oo ganon ako! 14 palang naman kasi ako.

Eto pa, sabi ulit ng ate ko. Pag nakakatinginan daw kayo may spark-spark chuchu na ewan nalumalabas? Tsaka sa tuwing mag kikita kayo, may slowmo ang nagaganap??

Marami pa sa akin sinabi sila ate. Karamihan ang kocorny! Pero meron namang ibang nakakakilig. Iniisip ko, sana ganun nalang ako. Na meron sa akin ganun ang gagawin. Kaya pagkatapos sabihin nila ate yun. Sumali-sali ako sa mga clan. Nag papaganda, at kung ano-ano pa. Para magkalove life. Hindi naman ako nabigo dahil nag kakaboyfriend din ako.

Ang kaso, ni isa wala akong naramdaman na pagkainlove sa kanila. Well siguro puppy love? O infatuation lang siguro?

Yung sabi-sabi nilang. 'Napamahal narin sa akin yan.' Siguro ang meaning lang sa akin o sa ibang kagaya ko. 'Naging mahalaga lang sa akin yan.' Yun lang wala ng iba.

Yung pagbebreak ko kanina hindi naman ako naiyak o nasaktan. Ahmm.. Konti lang siguro. May mga time na papaiyak ako sa pagbebreak up. Pero isang gabi lang siguro hindi katulad nila ate, nung nasaktan siya sa ex niya isang linggo siyang nakakulong sa kwarto niya. Pagkalabas niya naman dun halatang nasasaktan parin siya. Ganun siguro masaktan ang taong nagmamahal ng husto. Yung binubuhos mo na yung pagmamahal sa kanya. Yung wala kanang ititira para sayo. Yun yung masakit eh. Kaya siguro takot akong masaktan ng husto. Kaya din siguro nagsyosyota ako two month lang talaga ang tatagal sa akin.

Hindi lang naman ako sa cellphone, facebook,twitter,google,youtube,yahoo,skype nagkakasyota. May mga nasyota na akong nasa school din. Yung bang nakikita ko naman mukha niya araw araw, pero may something parin kasing naiilang ako. Yung bang mag-uusap kayo, pero pa stranger lang ang peg niyo. Pero kung makapag usap sa text o chat parang wala nang bukas.

Ganun ako eh. Siguro atat lang talaga akong mag kalove life. Kahit marami na akong naging boyfriend feeling ko hindi sila nag exist sa buhay ko.

Ang boboy friend ko lang siguro is yung para makisunod lang sa uso. Ganun yun sa akin. Marami na akong nababasa o naririnig na cheesy line, pick up line, hugot line,bitch line, ultimo land line ng kapit bahay. Gasgas na sa akin. Pero meron namang mga lines na natatamaan ako. Katulad nalang nito. Hmmm.. I think ngayun lang din nag text. Mga GM ng clan ko.

***

Love isn't something you find.
.
But
.
Love something finds you.

Gud" Hapon sa lahat
GotWoke_from Himalayan
SNR/SLR""intindi lgg's

Gii Txt :))
Grp.#Mhie
#BebeQoe is <33

***

Yan, parang ganyan natamaan ako. Hindi kasama yung huli ha!

Masyado kasi din akong atat eh. Buti hindi pa umaabot sa puntong nasasaktan na ako ng sobra.

Kaya ang motto ko nalang sa sarili ko ay: 'Where is Love? There is Life.'

Bigla ulit may nag text sa akin..

Tsss.. Yung makulit na naman na nangliligaw sa akin.

***

From: Suitor #8 (marami kasi akong mangliligaw, kaya mainggit kayo!)

Pssst.. Uyy Kailan mHo Bua acKo saSagutin? :( Miss kCho na Txt Mho.

#MissNaKita
#ParamdamPlzz

***

(Pssst.. Uy kailan mo ba ako sasagutin? :( miss ko na text mo.)

Tsk! Sagutin ko na nga. Wala naman din akong boyfriend eh, tsaka hindi naman siya rebound ko, hindi naman ako masyadong nasaktan dun sa ex ko. Kaya para sa akin hindi yun panakip butas tsaka, Hindi naman alam nung mangliligaw ko na kakabreak ko lang. Duuhh!!? di ko nga kilala 'tonh mangliligaw ko eh.

Osya, off muna ako. May sasagutin na kasi ako.

One Shot Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon