Chapter 7

481 20 2
                                    

Ferdinand POV

Kami na ay umuwi at sa amin na rin nagpalipas ng gabi si Paco.

"Akala ko ba kasal na si Y/N?" takang tanong ko kay Paco.

"Sinong nagsabi?" sagot naman niya

"May nagsabi sa akin"

"Wala ah, kasi ang alam kong huling nobyo niya ay ikaw" aalis na sana siya nang..

"Teka, bat mo ba naitanong?" dagdag niya

"Wala, nagtatanong lang?"

"Bakit iba yung pagtatanong mo?"

Ang kulit nitong si Paco, di ba pwedeng nagtatanong lang?

"Nako Ferdinand wag mong sabihing...'

"Hindi ah? Nagtatanong lang talaga. Matulog ka na nga!"

Tumawa siya't sinabing "Tama nga pala, may pagtitipon kina Maria bukas. Sama ka? Baka andun din si Y/N" tukso niya sakin

"Baliw! Pag narinig ni Imelda yang mga pinagsasabi mo, sinasabi ko sayo"

"Sige na nga, pasok na ko sa kwarto at baka naman may gagawin pa kayo ni Imelda"

Baliw talaga. Kung ano- ano nalang ang sinasabi.

Y/N POV

"Alam mo bang kinuha akong family doctor ni Imelda?" paunang sabi ko kay Rosa

"Talaga? Tapos? Ano naman sabi mo?"

"Hindi naman ako makatanggi siyempre sabi ko oo"

"Talaga lang namang siguraduhin mong walang away o disgrasyang mangyayari jan sa kasunduang yan" banta niya

"Grabe ka naman. Magiging doctor lang naman ako. Di naman ako mamamalagi sa kanila"

"Pano naman kung may mga galawan itong si Sir Ferdinand sayo?"

"Anong galawan ba yang pinagsasabi mo? Kasal na yung tao. May tatlong anak na"

"Ewan ko nalang talaga pero di naman din masamang mag isip ng mga maaaring mangyari diba?"

"Oo nga pala. Sabi ni Paco sa aking kanina na may pagtititpon kayo bukas kina Maria? Hinahanap ka niya kanina pero parang kausap mo ata tatay mo nun" dagdag niya.

Pagtapos naming mag usap ay kanya kanya na din kaming nagligpit bago kami matulog. 

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon