Y/N POV
Pagkatapos naming kumain ay ipinakita ni Maria ang kanyang buong bahay at mga muwebles. Sunod sunod na rin kami.
"Alam mo ang ganda parin niya" sabi ni Paco habang naglalakad kami sa garden ni Maria.
"Ikaw kasi... Kung di ka pa nagloko edi kayo sana mag mamay-ari rin nitong bahay" biro ko
"At kung hindi ka pa natakot edi kayo sana ang may tatlong anak ni Ferdinand" balik niyang pag biro. Loko talaga to.
At una na din siyang naglakad.
"Baliw talaga" patawa ni Ferdinand. Nabigla ako. Akala ko andun siya sa unahan kasabay ng iba naming mga kaibigan.
"Uy, ano ka ba. Nabigla mo ako dun ha" sabi ko
"Sorry hahaha. Kamusta ka na pala? Di na tayo nag usap nung huling handaan. Mukhang na busy ka ata"
"Oo nga eh, hindi nga naman kinakailangan pa maghanda talaga pero okay naman ako. Medyo at ease na dito na ako magpapalagi"
"Balita ko rin nga. Magpapatayo na kayo ni Paco ng clinic sa San Fernando. Malapit lang din sa San Juan"
"Oo nga eh, malapit na din matapos. Dun sa baba yung clinic tapos sa taas yung titirahan ko"
"Ohh talaga? Convenient siya ha" sabi niya
"Alam mo hindi ka nagbago. Parang hindi ka tumatanda" dagdag niya
"Bola ka nanaman. Magkapatid talaga kayo ni Paco"
"Hindi nga, ang ganda mo parin. Marunong ka na din magtalog ngayon. Iyan lang ata ang nagbago"
"Sus, ikaw nga natupad mo na mga pangarap mo. Abogado ka na , topnotcher pa. Tapos ngayon congressman na. Nakakamangha ka talaga"
Ferdinand POV
Habang ipinapakita ni Maria ang kaniyang malaking garden ay sumunod na din kaming naglalakad ni Y/N. Kami yung nasa pinaka likod.
Namiss ko tong ganito. Naglalakad kami pero sa tabing dagat.
Mahilig kasi si Y/N sa dagat. Kada linggo, kahit isang araw ay gusto niya talagang pumunta doon kaya sinasamahan ko na rin siya.
*flashback*
"Gusto mo sigurong tumira sa may tabing dagat ano?" tanong ko kay Y/N
"Siyempre naman pero only if you're there" sabi niya habang nakangiti
*end of flashback*
"Punta ka ha?" sabi ni Y/N.
"Oo pupunta ako sa blessing ng clinic niyo" sagot ko
"Oh ano ba kayong dalawa? Anong pinag uusapan ninyo diyan?" pasigaw ni Maria.
Ang layo na pala namin sa kanila kaya sumunod na kami