Dedicated to: senyora_athena
Chapter 1
All night, I practice to wear a make-up. Napakaraming video sa YouTube ang pinanood ko para lang maging magaling.
Alam ko naman na hindi ka magiging magaling kapag isang gabi ka lang nag-practice. I still have a long way to go. Mahabang daan pa ang lalakarin ko para lang makapunta sa patutunguhan ko.
Sa isang gabing pag-pa-practice ko ay alam ko namang hindi naging perpekto ang resulta. But I am satisfied. I am satisfied with my look. I am already content with my make-up all over my face. Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae noong nakita ko ang sarili sa salamin.
A smile slowly crept on my lips. Pinagpaguran ko 'to. Anong oras na akong natulog kagabi para lang dito.
Nakayuko ang ulo kong umalis ng bahay, hindi na nag-atubiling umalis. Ni hindi man lang nagpaalam. Pero napatigil ako sa paglalakad sa harap ng pinto nang tawagin ako ni Mama.
"Yesha!" sigaw niya.
Tumahimik ang dalawa kong kapatid mula sa pagtatalo. Ang pagkalansing ng mga kutsara sa pinggan ay biglang naglaho. Wala akong ibang narinig kung hindi ang pagsasalita lang ng reporter sa nakabukas na TV.
Parang may tumubong sa aking paa dahil sa biglaang pagtigil. Hindi na ako nagpatuloy sa paglabas ng bahay at napatigil sa aking kinatatayuan. I clasped the both of my hand and stand there stiffly. Hindi ko na sila nilingon.
"Papasok na ako Mama! Baka late na ako sa klase," marahan kong wika.
"Ha? Pero hindi ka pa kumakain, anak! Anong oras pa lang naman. Mag-breakfast ka muna!"
I bit my lower lip to stifle a smile. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Ate.
"Nagmamadali ka? Excited ka ba dahil muse ka na ngayon at baka mag-iiba ang pakikitungo ng mga classmates mo sa'yo? Aba'y asa ka pa! Hindi magbabago iyon dahil pangit ka pa rin!" Sinabayan niya pa iyon ng malakas na pagtawa.
"Ellise!" rinig kong sigaw ni Mama.
Napapikit ako. I can only imagine my ate rolling her eyes with her bitch face look. I sighed heavily. "Una na ako, Ma."
Nakayuko ako, nakalugay ang mahaba kong buhok kaya naging silbi ito para hindi makita ang aking mukha. Sa jeep nga ay tinitingnan ako ng mga tao dahil para raw akong multo, hindi na makita ang mukha dahil sa mahabang buhok na nakatabon dito.
Pagkarating ko sa gate ng school namin ay nakangiti ako habang ang guard ay nakatitig sa akin nang maigi, nakakunot ang nuo habang pinagmamasdan ako. Mas lumapad pa ang ngiting ibinigay ko sa kaniya.
"Miss? Wala pa pong sinabi ang Principal na may activity ngayon. Hindi pa po kami tumatanggap ng clown," aniya.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ng mga babaeng nakapila sa likod ko. Kumunot ang nuo ko.
"Ha? Manong, hindi po ako clown,"depensa ko at kinuha ang ID na nakalagay sa bulsa ko. Ipinakita ko iyon sa kaniya. "Estudyante po ako."
Bumaba ang tingin niya roon at bumalik ulit sa akin. Ilang beses niya iyong ginawa habang magkasalubong ang mga kilay, makikita ang lito na nakaukit sa kaniyang mukha. Napakamot siya sa kaniyang batok at bago niya ako pinapasok. Narinig ko pang may sinasabi niya kaya napahinga na lang ako nang malalim.
I am used to people staring at my ugly face, but this one is different.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa room ko ay nakita ko ang mga taong natitigilan habang nakatitig sa akin. Napangiti ako nang malapad habang hawak ang dalawang strap ng aking backpack. Hindi ko alam kung nagagandahan na ba sila sa akin o ano. The thought of them seeing me as a beautiful woman made me bit my lip.
BINABASA MO ANG
Bloodstain On Her Beauty
RandomA COLLABORATION SERIES [Triumphant Series #7] In Eyesha's life, beauty is her biggest insecurity. With a scar engraved on her face, can she endure all the pain that the society throws at her? The word beautiful wasn't in Eyesha's vocabulary. She's...