VIII.

2.4K 120 23
                                    

VIII.

 

-Xyla-

 

Nang makarating ako sa bahay, agad akong nagbihis saka humiga sa kama ko. Haaay. Nakakapagod ang araw na 'to. Nakakadami ng stressed cells ang lalaking 'yon. Ano bang problema nya sa 'kin? Ang init ng dugo nya sa 'kin eh! Well, the feeling is mutual naman eh kaya bahala sya dyan. Leshe sya! Papakitaan ko talaga ng totoong dancing skills ang Jungkook na 'yon!

-_-. Sino'ng niloko ko? Duh! As if namang makakasayaw ako. Forever na 'atang nakakadena 'tong bewang ko kaya 'di makakembot. Wala pa akong coordination sa katawan ko. 'Pag gumalaw ang paa ko, titigil ang mga kamay ko. At vice versa. Alam mo 'yon! Give chance to others ang peg nila!

Makatulog na nga lang. Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng pwedeng method para mapatay ang lalaking 'yon.

"Xyla! 'Nong nangyari kahapon? Balita ko eh nagkasagutan na naman kayo ni papa Jungkook!" Nakangiting bati ni Thea sa 'kin pagpasok ko ng room.

"Alam mo naman pala eh, nagtatanong ka pa." Sagot ko sabay irap. Umupo ako sa upuan ko na malapit lang sa bintana saka nangalumbaba.

"Hay naku! Kung alam mo lang, topic ka ng mga estudyante rito! Teh, napapasama ka na! Kesyo bruha ka raw, kesyo pinaglihi ka raw sa sama ng loob! Ghaad! Ang tatabil ng mga bunganga nila!" Pressured na sabi ni Thea. Sya pa talaga ang pressured sa 'ming dalawa. -_-

"Bayaan mo na sila. 'Di naman laway mo ang nauubos." Tugon ko saka nilibot ng tingin ang classroom. Halos lahat ng mga babaing kaklase ko ay panay ang irap sa 'kin. Irap lang mga atey! Mag-turn sana nang 720 degrees 'yang mata nyo at nang 'di na kayo makakita!

"Pabayaan? Haler! Reputasyon mo ang nakasalalay! Hoy! Tatakbo ka pa bilang president ng science club this coming August kaya kelangan mong makuha ang loob ng mga tao! C'mon Xyla! 'Wag ka na ngang makipag-away sa lalaking 'yon na ubod nang dami ang fans!" Sabi nya kaya napaisip ako. Medyo tama 'yong sinabi nya. I need to win in that election kaya kelangan kong makumbinsi ang mga putspang fans ng Jungkook na 'yan na mabait ako.

Dang it! Kelangan ko ba talagang makipagplastikan sa lalaking 'yon? For heaven's sake! 'Di ko masikmura ang pag-uugali nun! He's an arrogant jerk na anti sa mga taong 'di marunong sumayaw.

"Do I need to befriend him?" Nanlulumo kong sabi kay Thea kaya ngumiti naman sya nang malapad.

"Of course! 'Pag naging kaibigan mo sya, you'll become popular . 'Yan ang magiging puhunan mo sa election." Sagot nya kaya napabuntong-hininga ako.

---------

"Go Xyla! Kaya mo 'yan! Be a tupperware. Makipagplastikan ka! Pigilan mo 'yang mga war freak hormones mo! Gora! Kaya mo 'yan!" Seryosong sabi ni Thea habang naka-AJA sign pa. Umirap ako saka hinarap ang pinto ng dancing room.

'Di ko kayang pumasok sa loob nito. Sa ginawa ko ba naman kahapon. Ewan ko na lang kung makakatagal pa 'ko sa loob. Nakakahiya na nakakabanas! Jongina! 'Nong gagawin ko pagkapasok ko?!

Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon