XI.

2.3K 127 21
                                    

XI.

 

-Thea-

 

"Booooo!!" Panggugulat ko kay Xyla na kanina pa palinga-linga sa paligid. Daig pa nya ang baliw sa kanto.

"P***hamnida mo!!" Sigaw nya saka ako tiningnan nang masama. Aray naman! Nanggulat nga lang ako eh mumurahin pa nya ako.

"Grabe ka naman Xyla! Laki ng kasalanan ko eh 'no? Makapagmura ka!" Sigaw ko sa kanya. Umirap naman sya saka nameywang. -_- Pramis hindi maganda ang balakang nya. Mukhang coke in can ang shape ng katawan ni Xyla. Dagdagan mo pa na puro loose ang blouse nya.

 

"Tss. 'Di naman kasi nakasaad sa Saligang Batas ng Plipinas na gulatin mo ako. 'Di naman kasali sa formula ng Ellipse ang panggugulat. 'Di naman sinabi ng research teacher natin na manggulat ka. In short, walang nag-utos sa 'yo na gulatin ako kaya sobrang deserve mo ang mura ko!!" Sigaw nya kaya nanlaki naman ang mata ko.

"Xyla, waaaaaah!! Ang haba nung sinabi mo! To think na nasa school tayo!!" Tuwang-tuwa kong sabi saka nagtatatalon. Naka-poker face lang sya saka umirap.

"Tara na! Balita ko may praktis kayo ngayong 4 pm. 3:50 na." Aya ko sa kanya. Nanlulumo naman nya akong tiningnan saka umiling. Heto na naman 'tong babaing 'to.

"Pupunta ka dun sa ayaw at sa gusto mo. Kakaladkarin talaga kita Xyla." Pagbabanta ko sa kanya pero patuloy sya sa pag-iling.

"Kung ang ugali ni Jungkook ang pinoproblema mo, may solusyon ako dyan. Punta ka sa rooftop saka ka tumalon. Xyla! 'Di mo mababago ang ugali nun kaya pakamatay ka na lang kung 'di mo talaga ma-take si Jungkook." Sabi ko at akmang maglalakad sya papunta sa direksyon kung saan makikita ang rooftop pero hinigit ko ang kamay nya saka sya kinaladkad papunta sa dancing room. Para akong naghahatid ng kindergarten eh -_-

"Waaah Thea, pass muna ako ngayon. Ayaw ko munang pumunta dun." Pagmamakaawa nya habang naglalakad kami pero hindi ko sya pinansin.

"Tumigil ka Xyla. Conquer your fear kaya pumasok ka na." Sabi ko saka binuksan ang pinto. Ayaw pa sana nyang pumasok pero itinulak ko sya saka isinara 'yong pinto. Good luck ^__^.

-Xyla-

O__O!!

-______-.

T______T. 'Yan lang ang reaksyon ko nang makapasok ako sa loob ng dancing room. Juice colored! Ang bilis nyo naman 'atang magbigay ng parusa? Parang kahapon lang ako ng gabi nagkasala eh na-deliver nyo na agad ang punishment ko? T___T

Ba't ang aga nya rito? Ba't ang aga ko rin?

Tumingin sya sa 'kin saka ngumisi. Waaaah!! Nakakahiya! Kunin nyo po ako! Baka mismong ang kahihiyan ko ang pumatay sa 'kin.

Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon