XII.
-Xyla-
"Xyla Peach Montero! Buksan mo 'tong pintuan kung ayaw mong-----"
"Sige, ano?! Gigibain mo?!" Sigaw ko mula sa kwarto ko.
"Hindi. Kung ayaw mong ako na mismo ang magbukas." Sagot nya saka kinalabog pa ang pintuan ko. Naman. 'No akala nya sa pintuan na 'yan?
"Makakalabog ka eh 'no? 'Kala mo gawa sa diamond?" Inis kong sabi saka sya pinagbuksan. Bumalik ako sa kama ko saka nahiga ulit.
"Sensya naman. Anyway, ba't ang aga mo 'ata ngayon?" Tanong nya pero umirap lang ako. Pinapaalala lang nya sa 'kin 'yong nangyari kanina.
"Kasi maaga rin akong umuuwi noon." Walang gana kong sagot.
"Magseryoso ka nga." Irita nyang sabi.
"Saan? Sa Math? Next time na lang." Tugon ko.
"Xyla, isa.." Pagbabanta nya pero wala talaga ako sa mood makipag-usap.
"Korek! Alangan namang Xyla dalawa 'di ba? Matakot ka kung may doppel-----"
"Leshe ka rin 'no? Sasagot ka nang maayos o itatapon kita sa bintana?!" Singhal nya. Bumuntong-hininga ako saka pumikit. Matutulog na lang ako. Baka mapatay ko pa ang hudas na 'yon sa panaginip ko.
"Balik ka na lang bukas. Matutulog ako." Sabi ko at nakaramdam na lang ako ng isang malakas na batok.
"Aray! Okay ka rin eh 'no? Ulo ko pa talaga ang pinunterya mo! Pa'no kung mabaog ang brain cells ko at 'di na gumana?! Pa'no ako gagraduate?!" Singhal ko sa kanya. Nag-peace sign lang sya.
"Sorry. Ikaw kasi eh! Magkwento ka na dali!" Umirap lang ako saka sinimulang magkwento para tantanan na nya ako.
"'Di nga?! Sinabi nya 'yon?!!" Pasigaw nyang tanong with maching wide eyes pa.
"Tss. Ang sarap nyang ilunod sa pool namin." Inis kong sagot.
"Ang kaso wala kayong pool. 'Wag kang mag-alala. I feel you!" Sabi nya saka tinapik-tapik ang likod ko. Napahiga na lang ako ulit.
"'Di ko na kaya ang ugali nya. Ibang level ang kasungitan nya. Hiyang-hiya na nga is Satanas sa kanya eh." Mapait kong sabi saka bumuntong-hininga.
"Hay naku! Ba't ka pa kasi nasali sa BDT na 'yan? Ayan tuloy, nagdurusa ka dahil sa gwapong nilalang na 'yon." Napairap tuloy ako sa sinabi nya. Gwapo? Oo nga. Pero 'pag ugali na ang usapan, naku, next topic please!
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanfictionXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...