My Note: Hi Guys! Sana magustuhan nyo to! Haha. Tas Please Like & Comment Kasi napakalaking bagay nun sakin. Enjoy reading!
Field Trip
By: Harmonic_Girl----------------.
"Okay Class, Excited na ba kayo tomorrow?" Tanong ni Maam Garcia na adviser namin.
Bukas na field trip namin Syempre excited ako aba! E once a year lang naman yun eh.
"Hoy Aaliyah!" Bulong sakin ni Tricia na katabi ko.
"Oh Bakit?" Sagot ko.
"Mag grocery tayo mamaya ng dadalin nating foods bukas!"
"Oo sige!" Sagot ko.
"Class please come to the AVR, may orientation para sa field trip tomorrow." Sabi ni Maam.
Naglakad ako agad papuntang CR. Syempre tatakas ako nakakabored lang yang mga ganyan.
"Hoy Aaliyah!" Sigaw ni Tricia. "Tatakas ka na naman! Nako pag ikaw talaga nahuli ni maam. Ikamamatay ko Aaliyah! Ikamamatay ko!" Dagdag nya.
" And the best drama queen award goes to: Tricia Cortez! Ang drama mo naman best! Sumama ka nalang! Halika! " Hinatak ko yung kamay nya mula sa pila.
"Taena ka Aaliyah sasama mo pa ako sa kalokohan mo! Pagtayo nahuli—" Hindi ko na sya pinatapos magsalita.
"Ano ikamamatay mo ulit?" Sabi ko.
"Hindi ikamamatay ng Crush mo!"
"Edi Makikilamay tayo."
Umupo kami sa tapat ng stage sa court. Walang mga teacher dahil nasa AVR nga. Mga basket ball Player lang ang nasa court kasi malapit na ang intrams.
"Speaking of Crush. Aaliyah! Ayun oh!" Sabi ni Trish sakin
Haaay.. si Kyle Sebastian. Classmate namin sya pero excuse muna sya kasi nga Player. Sikat, pogi at mabait lahat ata ng magandang katangian na ginawa ng diyos nasalo nyang lahat. Halos lahat ng babae patay na patay sa kanya, Parang ipinapamukha sakin na wala talaga akong pag asa sa kanya. Pero okay lang. Crush ko lang sya, Nothing more, Nothing Less. Kinokontrol ko ang feeling ko para sa kanya, kasi ayokong masaktan sa huli.
"Oh tapos?" Sabi ko kay Trish.
"Ay, Bitter? Di man lang kinilig?Girl nakatingin sya sayo!"
Napalingon ako kay kyle. Nakangiti nga sya. Tapos nakita kong kumindat sya.
"Pare tama na yang pacute mo dyan." Narinig kong sabi ni kuya Aaron. Sabay batok kay kyle. Tapos nagtawanan sila.
Kinilig nga ako dahil kumindat sya pero biglang nagtilian ang mga babae sa likod.
Napalingon ako sa kanila. Sila Carmen pala, no. 1 Sya sa listahan ng nagkakacrush kay Kyle.
Naisip ko na baka hindi naman ako ang tinignan ni Kyle at baka si Carmen yun."Hindi naman ako ang tinitignan nya . Si Carmen yun." Sabi ko kay Trish, sabay yuko.
"Akala mo lang." Pabulong na sabi ni Trish.
"Anong sabi mo?" Naguguluhang tanong ko.
"W-wala, Naiihi ako. Sige. Sandali lang." Sabi nya sabay alis agad.
Nakita kong umalis na sila Carmen, Kaya para akong tangang naka tunganga magisa sa stage. Nakayuko lang ako iniisip ko pa den kung kanino nga sya kumindat at tumingin. Tinignan ko ang phone ko kung anong oras na.
"12:20 na! Hindi na ako nakakain ng lunch. Tapos na pala ang orientation. Haay. Bayaan mo na nga sya." Tapos may bumato ng Sandwich sa ulo ko habang nakatingin ako sa phone ko.
BINABASA MO ANG
Field Trip (One Shot) (Short Story)
Short Story"Di naman ako gusto nyan eh.. Si carmen gusto nya." Tapos nagkatabi kami nung field trip. ---------------------- Sana basahin nyo! Pleaseeee!!