" It was just a simple task, Allegra! What happened to you? Balita lang naman ang hinihingi ko sa'yo.. Can't you stalk that model for a while and supply me the news that I need? Napakadali lang. Mas mahihirap pa nga ang mga pinapagawa ko noon, pero natatapos mo naman. What's wrong with you? "
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang nakikinig kay Sir Clark. Halos ilayo ko na nga ang phone ko sa tainga dahil sa lakas ng boses niya.
" I'm sorry Sir. It's just that-"
" I don't care about your reason, Ignacio. Do your job! " he shouted before hanging up the phone
I heaved a deep sigh. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
I can't spend my whole day guarding and following that model just to give them that news... It isn't even that essential. They just want to hear about that issue but they don't need it.
Kailangan ko pang bantayan si Aldrin dito. It has been two days since the operation went successful. Dalawang araw na rin ako sa ospital na ito. Umuwi naman ako kanina para magpahinga dahil dumating si Anne para palitan ako.
I went out of the taxi and made my way inside. Puno pa rin ang lugar ng mga pasyente dahil sa nangyaring aksidente.
Si Aldrin nasa ICU pa rin, at hindi ko alam kung kailan siya makakalabas doon. Hindi pa nga siya nagkakamalay pagkatapos ng operasyon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng ICU. Nakasilip lang ako sa bintana para makita si Aldrin dahil hindi pa raw kami pwedeng pumasok sa loob.
His sight made my knees wobble. I immediately sat on the nearest bench in front of the room. Hindi ko pa rin kayang makita yung kapatid ko sa ganoong kalagayan.
The smell of mocha latte filled my nostrils.
He lent me the cup. " There's no hot chocolate in the machine.. so I hope a chocolate with coffee will do."
I accepted it and smiled. "Thank you."
Napatingin ako sa kaniya na nakatayo pa rin sa tabi ko.
" Wala ka bang balak umupo?"Nagulat pa yata siya sa sinabi ko dahil nakaawang ang bibig na napatingin siya sa 'kin, pero naupo pa rin siya sa tabi ko.
I was looking straight to Aldrin when he cleared his throat. I glanced to him. He's wearing a grey shirt and black pants under his coat. Hindi rin maayos ang buhok niya... yet he still managed to slay. Parang kahit anong isuot niya ay gwapo pa rin.
Naputol ang pagtitig ko sa kaniya nang magsalita siya.
" A-about last night... ""Hmm?" I asked " Ano iyon?"
I continue with my drink, still not looking at him. I acted like I don't remember that night. Hindi ko nga alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari.
He was about to speak when a nurse came out of the ICU.
" Doc, he's awake. "
Two days of unconsciousness was enough. Finally, Aldrin is now recovering. Nailipat na siya sa regular room, pero dahil hindi gano'n kalaki ang ospital, may mga kasama pa siyang ibang pasyente sa kwarto.
" Kakain ka o masasapak ka? " I threatened him
Para kasing bata, ayaw kumain.
Ngumiti pa siya nang pilit bago kinuha sa akin ang pagkain. " Kakain na po, nurse."
Nakasimangot ako habang inaayos ang gamot niya. Kailangan talaga tinatakot para kumain?
Nang matapos ay pinainom ko na siya ng gamot.
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habang Buhay
Fiksi UmumGavin a doctor with strong and cool personality, used to abhor life, until she met loud and cheerful Ally who is grieving inside. This is not just a story, it's a window through the heavenly life of hell with regrets, bad decisions and secrets.