Chapter 8

1.6K 60 10
                                    

NAKANGITI PA akong kumakaway sa mga kaklase ko nang marinig ko ang pangalan kong tinatawag sa guidance office.

"Tarantado ka, Alex, kung may award lang para sa may pinakamaraming record sa guidance office, panalo ka na." Binatukan ako ni Nikki nang samahan niya ako sa paglalakad papunta sa guidance office.

Tumawa ako ng malakas doon. "Atleast may award, tsaka ang OA mo, ha. Wala lang 'yan, bukas tignan mo ipapatawag ulit ako," kinindatan ko siya.

Napatanga siya dahil sa sinabi ko. "Are you even serious?" she asked me. I just nodded my head at her. "Jusko, hindi ba natutuyuan ng dugo sila tita sa'yo? Dalawang linggo ka nang pabalik-balik sa guidance office."

I flipped my hair at her. I knew that I shouldn't be proud of my childish attitudes, but I ended up laughing with them.

Tama si Nikki. Dalawang linggo na akong pabalik-balik sa guidance office. Minsan naman ay napaka-minor lang ng violation ko. Gaya ng pasusuot ng shorts, spaghetti strap tops, pakikipagsagutan sa mga kaklase ko.

Ginagawa lang nilang dahilan ang mga records ko sa guidance office para pababain ang repustasyon ko rito sa school pero wala akong pakielam.

Ayoko rin naman sa course ko. Hindi ko gusto ang Business Management. Gusto ko magkaroon din ng pastry shop gaya ni mommy.

I loved baking, designing cakes and desserts. I liked experimening with sweets. Kaya nga palagi ako sa pastry shop ni mommy dahil gustong-gusto ko ng matatamis na pagkain.

Isa pa sa mga dahilan ng mga kalokohan ko ay ang katotohanang gusto kong libangin ang sarili ko. My heart was aching everytime I remember Theo.

Pakiramdam ko ay walang-wala ako. Pakiramdam ko ay nawawala ako. Hindi ko alam ang tahanan ko, hindi ko alam kung nasaan ako. It was like I was lost without him.

Pero hindi ko magawang lumapit sa kaniya. Hindi ko magawang  habulin siya dahil alam kong kahit anong habol ang gawin ko . . . hindi ko siya mahahabol.

He was running away from me and no matter how eager I was to chase him. . . I couldn't chase him because he was more eager to escape from me.

My heart, my body and my whole soul. . . they were aching for him, craving for him, begging for him to be taken. They were pleading to be with him, but. . . I couldn't.

He pushed me. He said she wanted Tita Rory.

Sino ba naman ako para pigilan siya sa mga gusto niya, hindi ba? Sino ba naman ako para ipagsiksikan ang sarili ko.

Natigilan ako sa pag-iisip tungkol sa kaniya nang nasa tapat kami ng guidance office ni Nikki.

"Hintayin na kita," saad sa akin ni Nikki kaya naman tumango ako.

Pagpasok ko sa guidance office ay binigyan lang ako ng note tungkol sa suot ko. Umirap na lang ako at nangako na magbibihis. Pero mautak ang guidance counselor, binigyan niya ako ng isang pares ng PE uniform.

Nang makapasok ako sa room ay hagalpakan ang mga kaklase ko sa itsura ko. I looked like a fucking high schooler. Nakipagtawanan na rin ako sa kanila. Sa ganitong bagay lang nawawala ang sakit na ibinigay ni Theo sa akin. I didn't care how many notes I would get, as long as the pain would go away temporarily.

Nang lunch na ay may lumapit sa akin na team mates ni Nelson sa basketball. I raised an eyebrow when one man sat down beside me.

"Excuse me?" I asked in annoyed tone. "Can you please move a little bit? Masikip kasi," inirapan ko siya.

The man chuckled and nodded his head at me. "Hi, I'm Jules," lahad niya ng kaniyang kamay.

"Alex," maiksing saad ko.

Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon