Ewan Basta

0 0 0
                                    

Tanghaling tapat nag puputak na naman ang magaling niyong tindera.

Wala ng iba edi si kulot.

"Kumakain ng matiwasay yang mga kostumer ko tapos manggugulo ka" aniya sa lasing na nag wala sa kanilang karinderya.

"Kulot naman kase, iniwan ako ng asawa ko. Sabi niya'y nahuhuli niya daw akong nakatingin sayo" puno ng hinagpis na sabi naman ni berto.

Ang lasingerong nagwala sa karinderya ni kulot.

"Oh. Ano namang kasalanan ng karinderya namen at dito ka pa talaga nagwala. Wala rin naman akong kasalanan sayo" gigil na sabi ni kulot kay berto.

"Kung iyun lang rin pala ang problema mo bakit hindi kapa umalis dito. Nakakaistorbo ka ng mga kumakain"

"Alis na dito. Shooo. Alis" pasigaw na ani niya

Parang asong masunurin naman na sumunod si berto.

Dahil sa pag sigaw ni kulot na intriga ang mga chismosa sa katabi nilang puwesto.

"Eto na naman si kulot nag iingay na naman. May apog na ata yan" ani naman ni aling jo

Si aling jo ang pinaka chismosa sa kanilang lugar. Lahat ng mga problema ng mga pamilya sa kanilang lugar ay alam niya.

Kaya wag ka ng magtaka kung isang araw ay isa ka na sa pinag titinginan ng mga tao sa kanilang lugar.

Dahil baka isa kana sa mga taong ginawan nito ng issue.

PASADO alas otso na rin ng gabi sila nag sara dahil dinagsa ang kanilang puwesto. Akinse kase kaya marami talagang kumakain sa kanila.

"Ma, ako na diyan" ani ni kulot sa kaniyang nanay na nag huhugas ng pinggan.

"Nako, ako na dito konti nalang rin naman ang huhugasan." naka ngiti pang ani nito sa kanya.

Dahil sa ngiti nito ay napawi ang kanyang pagod na nararamdaman.

Ito nalang rin kase ang kasama niya sa buhay. Ang kanyang ama ay pumanaw na sa niyang pitong taong gulang.

Kaya bata pa lang siya ay hasa na siya sa gawaing bahay. Maaasahan rin naman ito sa mabibigat na gawain dahil siya lang rin naman ang nag iisang anak.

"Tapusin mo na lang muna ang iyong ginagawa para na rin tayo'y maka uwe" may bahid na ngiti parin na sabi ng kaniyang nanay.

"O sige po"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang palingkerang si kulotWhere stories live. Discover now