DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM is the "wrongful appropriation" and "purloining and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions," and the representation of them as one's own original work. The idea remains problematic with unclear definitions and unclear rules. Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics. It is subject to sanctions like expulsion.
Plagiarism is not a crime per se but in academia and industry, it is a serious ethical offense, and cases of plagiarism can constitute copyright infringement.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BLAKE'S POV
Napabalikwas ako nang makarinig ako ng tawag mula sa isa kong kaibigan noon na si Vonne.
Tsh. Nakita niya na siguro 'yong tweet ko
"Welcome back, dre!"
I knew it!
"Nakabalik ka na pala." masiglang bungad ng nasa kabilang linya.
"Yes, I've been home for three days na." sagot ko.
"Wow! Conyo ka na ha. Pa-shot ka naman." pabirong sabi niya.
"Sige, my treat soon." Natatawang sabi ko.
Namiss ko sila, lalo na 'tong bugok na 'to. Lalo akong natawa sa naisip ko.
"Abangan ko 'yan ha. By the way, nabalitaan mo ba na may reunion 'yong batch natin?" tanong niya.
"Oo," I sighed, "But I'm not sure pa kung makakapunta ako." I added.
"Nakakatampo ka naman, pare. 3 years na no'ng last time na nakasama ka namin." nalulungkot na sabi niya.
"I'll see, namiss ko rin hangouts natin e." sambit ko.
"Bakit ka pa ba nagdadalawang isip? Dahil ba 'to kay she-who-must-not-be-named." pangtutukso niya.
Natigilan ako at napasinghap.
Ha!? Hindi ah! Hindi ako apektado ro'n matagal na kaya 'yon! Wait, sino ba ang tinutukoy niya?
"Hello? Nandiyan ka pa ba? Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakaka-move on?" bumalik ako sa katinuan sa sunod-sunod na tanong niya. I breathed out a laugh.
"Loko! Basta I'll check my schedule na lang. See you when I see you." pagpapaalam ko.
"Sige, pare. Clear your schedule na. Lilibre mo pa kami. See you, dre." pagtapos niya sa usapan.
Matapos kong ibaba ang tawag ay tiningnan ko ang orasan na nasa side table, 7:30 am, it reads. I decided to get up and to start my day. After taking a bath, napagdesisyunan kong gumala at maghanap ng makakainan na malapit na mall sa condo ko. Nagbihis na 'ko, I'm wearing a white plain casual shirt pairing with Adidas short and white Nike shoes.
Naks, Ang gwapo ko! Natatawa kong inayos ang buhok ko.
Matapos kong ilock ang aking condo ay bumaba na 'ko at sumakay na sa 'king kotse. Pumunta ako sa pinakamalapit na mall at napagdesisyunan ko na lang na kumain sa paboritong kong Cafè. I ordered pancake and a cup of Americano for my breakfast. Bakas sa labi ko ang tuwa nang malasahan ko ang pagkain dahil hindi pa rin talaga nagbabago ang lasa nito, masarap at babalik-balikan pa rin dahil hindi nakakasawa. After eating my breakfast, naisipan kong mag-ikot-ikot muna at puntahan ang paboritong naming pasyalan. Ilang taon na rin ang nakalipas simula no'ng huling punta ko rito, at aaminin kong sobra ko 'tong na-miss, and at the same time ay namangha dahil bagaman maraming nagdagdag na mga tindahan ay wala namang gaanong nagbago.
BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Short StoryLove can be acquired not just with your partner, best friend, family, and peers. It isn't as simple as you think it is. It is as vast as the universe. Everyone can love whoever they want to love. And with what we've learned. Let us take you to a di...