Chapter 15 Part 2

53 1 0
                                    

Sorry sa super tagal na update. Nagsusulat lamang po ako kapag gusto ko at kailangan mapaglabasan ng stress. Salamat sa mga patuloy na bumabasa. God bless

CHAPTER 15 PART 2

Third Person's POV

Ilang oras ng nawawala sina Daenaryn at Matthew. Nagkakagulo na din ang mga estudyante sa kakahanap sa kanila. Tinawagan agad ni Ella si Derick ng mapag-alamang nawawala ang dalawa. Walang sinayang na oras ang binata at agad itong bumalik sa kanilang camp site.

Mabilis nakarating sa lugar si Derick at nag-umpisang hanapin ang dalawa. Ngunit sa kasamaang palad, maggagai na at malakas pa ang ulan, napilitang bumalik sa camp site ang mga estudyanteng naghahanap sa dalawang nawawala.
*****

Nagising si Matthew na may nakadagan sa kanya. Nakaramdam sya ng matinding kaba at takot ng makita na si Daenaryn ang nakadagan sa kanya at madaming dugo nagkalat sa kania. Pinakiramdaman niya ang pulso nito at nakahinga siya ng malalim ng maramdaman niyang tumitibok pa ang puso nito. Binuhat niya si Daenaryn para makahanap sila ng masisilungan, hindi niya alintana ang lakas ng ulan ang importante sa kanya ngayon ay makahanap sila ng masisilungan at mabigyan ng first aid ang sugat ni Daenaryn.

Hindi nagtagal ay nakakita siya ng maliit na uwng na mari nilang masilungan. Nagmistulang munting kweba ang itsura nito. Agd na nilapag mi Matthew ang walang malay na si Dae at hinubad niya ang kanyang suot na kamiseta. Itinali niya ito sa sugat ng dalaga.
Pagkatapos niyang malinis ang sugat ng babae umupo siya sa tabi nito at doon lamang niya naramdaman ang panghihina mg katawan at ang pagkahilo. Kinapa niya ang kanyang sarili na napagtanto niyang nilalagnat siya. Hinawakan niya ang dalaga at napansing mas mainit ito sa kanya. Labis ang pag-aalala noya na baka king ano ang mangyari sa dalaga ngunit wala na siyang magagawa pa dahil unti unti na din siyang nanghihina at nawalan ng malay.

Nagising ang binata sa malakas na kulog at kidlat. Nakita jiyang sa orasan niya na mag-uumaga niya. Dahil siya ay nakatulog ay nagkaroon muli siya ng lakas. Binuhat niya ang dalaga at nag-umpisang baybayin ang gubat para mahanap ang daan pabalik.
Sobrang lakas ng ulan kung kaya't natagalan si Matthew sa pagbalik sa kanilang tinutuluyan. Nahirapan din siyang hanapin ang daan at buhat pa nito ang dalaga. Ng matanaw niya ang kanilang tinutuluyan ay nakahinga siya ng maluwag. Dahan dahan siyang naglalakad at doon na lamang din niya naramadaman ang kanyang pagod.
*****
DERICK'S POV

"Derick! Sila Matthew at Dae ba yon?"
Agad akong napalingon sa tinuturo ng kaklase ko at hindi nga siya nagkamali. Agad agad akong tumakbo palapit sa kanila. Gustong gusto kong suntukin ay bugnugin ang Matthew na to ang tanging pumipigil lamang sakin ay dahil buhat niya si Dae. Kinuha ko si Daenaryn at napakunot ang noo ko ng maramdaman ko ang sobrang taas ng kanyang lagnat.

Dinala namin agad si Dae at Matthew sa hospital. Kung ako abg masusunod ay hindi ko na isasama yang Matthew na yan dito.

Kinausap ako ng doctor at sinabing maraming nawalang dugo kay Daenaryn. Ngunit ang type ng dugo niya ay napakarare lamang.wala daw sa hospital na to ang maaring masalin na dugo sa kanya.

"Kapag hindi nahanapan ng dugo ang pasyente ay maaring ikapahamak niya ito. Sa ngayon ay unstable pa din ang lagay niya." Yan lamang ang tumatak sa isip ko at natulala na lamang ako. Nakita ko si Ella na may tinatawagan ngunit hindi ko na maintindihan ang mga nasa paligid ko. Para akong nawalan ng lakas ng malaman kong unstable siya. Ganitong ganito ang nangyayari noon. Ayoko na ulit maramdaman ang naramdaman ko noon. sana sa panahon ngayon mabuting balita na ang kalalabasan.

A/N
Sa susunod po ulit. Walang kasiguraduhan kung kailan ang update. Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Friend or Lover? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon