Ferdinand POV
Umuwi na ako galing sa mga lakad ko kanina.
"Sweetheart, ang aga mo atang nakauwi ngayon" bati sa akin ni Imelda at hinalikan ako sa pisngi.
"Wala masyadong ganap ngayon. Sa susunod na linggo pa lahat ng mga gawain" sagot ko.
"Daddy!!" bati sa akin ng mga anak ko. Ibinuhat ko na din si baby Irene at idinuyan duyan.
Biglang may narinig kaming pito ng sasakyan sa labas. Mukhang si Paco ata iyon kaya pinuntahan ko sa labas.
Siya nga, mukhang may kukunin.
"Hi babyyyy" sabi niya habang kinikiliti si Irene.
"Andun sa loob yung hinahanap mo. Nilagay ko na sa lamesa" at pumasok na siya. Sinundan ko papasok.
"Oh Paco, ikaw pala iyan. Kamusta lakad ninyo kagabi?" tanong ni Imelda.
"Sayang naman Imelda at wala ka dun pero nauna na nga akong umuwi kasi parang medyo nalasing na ako sa lahat na wine na tinikman ko" sagot niya
"Talaga ba? Eh sabi ni Ferdinand sabay daw kayong umuwi" sagot ni Imelda.
Patay.
"Ay oo nga, sabay kami. Nauna na KAMING umuwi kesa sa bisita kasi mukhang nagkasiyahan talaga doon" sinungaling ni Paco.
"Oh siya. Aalis na ako't babalik na ako sa clinic. Hinihintay na ako nina Y/N doon" paalam ni Paco at lumabas na.
Ibinaba ko si baby Irene at sinundan ko si Paco
"Salamat" pasimula ko
"Anong salamat? Ba't ka nagsinungaling?" tanong niya. Di ako umimik.
Nanlaki mga mata niya
"May nangyari ba?" tanong niya ulit. Di parin ako sumasagot
"Sabi ko na nga ba Ferdinand. Alam mong tinutukso ka lang namin. Nagpapadala ka nanaman sa mga emosyon mo. Matalino kang tao eh. Matino ka, ba't ka nahulog sa tukso?" galit niya sa akin.
"Alam ko, kaya pumunta ako kanina sa clinic para humingi ng paumanhin" sagot ko
"Wala ka bang planong sabihin ito ke Imelda?"
"Wala. Sana ikaw din. Mapagkakatiwalaan kita Paco, alam mo yan. Hindi na ito mauulit. Pangako"
"Talaga lang Ferdinand. Dapat lang. May asawa ka na't mga anak. Alam kong mahal mo parin siya at di yan mawawala hanggang andito siya kaya ikaw nalang umiwas" payo niya.
Tama nga siya. Mabuti na't umiwas pero parang sa susunod na mga linggo ay magkikita nanaman kami dali lahat ng mga focus namin ngayon ay ang healthcare sector dito sa Ilocos. Pero sige lang.
"Sweetheart. Tara na't kumain ng hapunan. Nagluto ako ng dinengdeng" sigaw ni Imelda
"Coming, sweetheart."