Chapter 13
True to what Samuel said, wala ngang pasok na one week before finals! I mean, may mga prof na nagsabi agad na walang pasok, pero merong iba na one hour before class pa lang nagsasabi na wala. Either way, naniwala na ako na walang pasok at hindi na ako nag-effort pa na magprepare para sa class.
Buong Monday ay nasa loob lang ako ng condo at naghahabol ng backlogs ko. Gusto ko muna kasi tapusin iyon bago ako magreview. Nung Tuesday naman ay napagod ata iyong utak ko nung Monday kaya late na ako nagising. At dahil late na ako nagising ay parang feeling ko, wala ng nangyari masyado sa araw ko. Kaya naman nung Wednesday ay gumising ako nang maaga, naligo agad, at inilagay sa bag ko lahat ng kailangan ko for review. Sa coffee shop ako mag-aaral para at least konsensyahin naman ako sa mahal ng kape ko at ma-force ako magreview.
Naglakad ako sa medyo malayo na coffee shop kasi feel ko maraming tao agad doon sa mga malapit sa school. Tama nga ako kasi mga tatlo na iyong nadadaanan ko na puno agad—to think na 7:09AM pa lang! Iba talaga level ng grind ng law students kapag exam season, e. Kaya minsan talaga feel ko naliligaw lang ako rito.
Finally, sa fifth coffee shop na napuntahan ko ay wala pang masyadong tao. Agad na hinanap ko kung saan iyong pinaka-comfortable na lugar. Gusto ko iyong walang malapit na socket para kapag na-lowbatt iyong gadgets ko ay iyon na 'yon. Naka-dedicate talaga ang araw ngayon sa pagrereview. Ano ba naman iyong ma-stress ako ng dalawang linggo para pumasa sa sem na ito?
At habang nagsscan ang mga mata ko sa pinaka-magandang pwesto, agad na nakita ko si Samuel na nandoon sa pinaka-dulong pwesto doon sa mahabang parang couch. He looked so serious—may bookstand sa harapan niya at mukhang Sales ang binabasa niya. Iyon ba ang pinaka-nahihirapan siya kasi parang lagi niyang binabasa 'yon?
I waited for him to notice me, but it seemed like sobrang focused siya sa pag-aaral dahil nasa libro lang talaga iyong atensyon niya. May mug sa gilid ng libro niya. Kinuha niya iyon at sumimsim sa kape niya tapos ay inabot iyong tissue at pinunasan iyong gilid ng labi niya. Tapos ay maingat niyang ibinalik iyong tissue doon at nagpatuloy sa pag-aaral.
At bakit ba para akong tanga na nanonood sa kanya? Mag-aaral ako today!
Umorder ako ng kape ko—pina-triple shot espresso ko para matapang dahil kailangan ko maka-kalahati sa crim ngayon.
Dahil ayoko naman abalahin si Samuel at wala naman akong balak lumandi ngayon, doon ako naupo sa kabilang dulo. Hindi niya naman ako napansin dahil busy pa rin siya. Inayos ko iyong gamit ko tapos kinuha ko lang iyong kape ko nung ready na. Mayamaya ay dumami na iyong mga tao at may mga naupo na rin sa vacant seats sa pagitan namin. Dala ko naman iyong earphones ko kaya nakapag-aral ako nang tahimik.
"Kanina ka pa dito?" tanong ni Samuel nung tanggalin ko iyong earphones ko. Napansin ko kasi kanina na may pair ng legs na huminto sa harapan ko tapos pagtingin ko ay siya pala iyon. He was saying something na hindi ko maintindihan dahil sa lakas nung tugtog.
I nodded. "Mga 7:30 siguro," I answered tapos tumingin sa phone ko. "Luh... 12 na pala," I continued. Kaya pala gutom na ako. Kape pa lang ang iniinom ko. Ni hindi ako nakapagbreakfast dahil sa sobrang pressure.
"Naglunch ka na?"
Umiling ako. "Ikaw?"
Umiling din siya. "Sabay na tayo?" he asked. I nodded dahil gutom na rin ako. Wala talaga ako sa mood lumandi ngayon dahil mas worried ako sa dami ng kailangan ko pa palang tapusin. Hayop na 'yan! Akala mo hindi ako nag-aral buong sem sa level nung kailangan kong aralin, e!
NagCR muna si Samuel habang inaayos ko muna iyong gamit ko. Iiwan ko na lang dito iyong mga libro. Wala naman siguro mag-iinteres d'yan. Ayoko rin kasi isama dahil for sure may ibang kukuha ng pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Romance(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...