Ferdinand POV
Isang linggo na din akong hindi makapag ayos ng pag iisip.
Dapat ko bang sabihin sa asawa ko o kikimkimin ko nalang?
"Tinatawag ka Ferdinand" siko ni Paco sa akin. Kung saan nanaman lumilipad isip ko.
Andito pala kami ngayon sa Batac, may kaganapan tungkol sa health sector kaya andito ang iba't ibang mga doctor sa pagpupulong kasama na sina Y/N at ang aking nakakabatang kapatid na si Paco.
Nagbigay na ako ng aking talumpati at muli nang umupo.
Matapos ang lahat ay nilapitan na ako ni Paco
"Di ka titigilan ng konsensya mo kaya sabihin mo na kay Imelda. Umamin ka na" sabi niya sa akin.
"Susubukan ko. Paano kung iiwan niya ako?" tanong ko sa kanya
"Gawa mo yan"
Sa buong pagtitipon ngayong araw, hindi kami nag uusap ni Y/N. Mabuti na rin siguro itong ganito.
Magtitino na ako sa buhay ko. Ipinakilala ako ng Panginoon ng isang maganda, mabait at matalinong babae at ipinakasal sa kanya. Hindi ko ito sasayangin.
Umuwi na ako at bumungad sa akin sina Imee at Bonbong.
"Daddy!!!!"
Nagmano at isa isa ko silang hinalikan
"Saan mommy niyo?"
"Nasa loob po" sagot ni Imee.
Pumasok na ako at hinanap ko si Imelda
"Sweetheart?" tawag ko
"Andito ako sa kwarto sweetheart" sagot niya. Pumasok ako sa aming kwarto.
"Matutulog ka na ba?" tanong ko
"Hindi naman, inaantay ka nalang naming ng mga bata para kumain"
"Tara na sweetheart, kain na tayo"
Kaya bumaba na kami at nag hapunan na.
Matapos ay nagligpit na kami. Tinulungan ko na si Imelda at pinatulog na rin naming ang mga bata pagkatapos.
Papunta na sa aming kwarto, kinuha ko ang braso ni Imelda.
"May gusto akong sabihin sayo, sweetheart"
"Oh? Ano ba iyon? Okay ka lang ba?"
"Umupo muna tayo" at umupo na kami sa gilid ng aming kama.
"Nung handaan kina Y/N, hindi talaga kami nagsabay pauwi ni Paco. Nauna siya at naiwan nako. Pinatulog ko si Y/N bago ako umuwi" simula ko
"Mabuti naman?" sagot niya na parang hindi parin niya alam saan patungo ang pinagsasabi ko.
"Matagal ko nang kilala si Y/N, sweetheart. Siya ang pinakauna kong naging kasintahan. Nung nakaraang linggo may nangyari sa amin" pag aamin ko.
Hindi lang siya umimik. Hindi ko mabasa ang kaniyang mukha.
Galit? Lungkot? Hindi ko malaman
"Sweetheart?" hindi parin siya nagsasalita. Mga mata niya nasa malayo. Parang malalim ang kaniyang iniisip.
"Darling naman..." hindi pa ako natapos at sumulpot na siya
"Matulog na tayo Ferdinand. Pagod ako" sagot niya.
Yun lang? Hindi niya ako sasampalin? Magwawala?
Mas nakakatakot ata itong ganito.
"Sweetheart.."
"Goodnight Ferdinand..." at tinalikuran na niya ako.
--
sana medyo oks na kayo hahahaha
goods na ba?