Monica's POV
Kinakabahan ako para sa date namin ni Matt maya maya lang although this is not my first time . Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko . I have mixed emotions inside me .
Gusto kong matuwa pero kinakabahan ako . Kahit na ilang beses kong kinakalma ang sarili ko. Pero sa tuwing maalala ko yung mga ngiti ni Matt para akong tuluyang nahuhulog sa kanya
I feel insects in my stomach everytime our skin touched . Hindi ko alam kung anong ginawa sakin ni Matt pero isa lang ang alam ko . Mahal ko siya .
Salitang panghahawakan ko . He come early in the morning. Pagkabukas ko pa lang ng pinto isang boquet ng pulang rosas ang ibinigay niya sakin sabay halik sa pisngi . He's just wearing a short and a blue polo shirt . Kahit na plain lang yung suot niya napakagwapo niya pa din tingnan . Just by looking at him I can tell that he's perfect and Im madly deeply inlove at him
While we were taking the road to somewhere he said "I don't prefer giving materials as a memories , I prefer giving unforgettable moments as memories"
I asked him kung anong gusto niyang sabihin but he just smiled back . Ugh . The way his lips bend makes me melt . Ibang klase ang epekto niya sa akin . Hindi lang basta mahal ang nararamdaman ko . Mahal na mahal ko siya .
When we reached our Destination I figured out what he want to say . Gusto niyang ang araw na to ang maalala ko . Hindi ang mga bagay na ibibigay niya sakin . Tho Im not materialistic but Im appreciate how he prepare for this day . Dinala niya ko sa isang Amusement park . Hindi naman ako laging nandito pero sa araw na kasama ko siya . Alam ko na magiging masaya ang araw na ito .
Bumili na kami ng ticket para sa Ride all you can . At ang pasaway ipinagpaalam pa pala ako sa mga magulang ko para hindi mag alala . So kilala niya na din pala magulang ko eventhough di ko pa sila pinagpapakilala sa isa't isa .
Nililigawan niya pala ang mga magulang ko behind my back . He's dead serious about making a new story . I really loved this guy holding my right hand .
We're on our way now to the Space shuttle . Buti maaga pa at wala pang masyadong tao kaya malapit na kami sa bandang unahan . After that we ride into the Anchors away . Nakakatawa nga si Matt kase nagsuka. Ang lakas ng loob mag aya sa mga rides na nakakatakot hindi naman makaya .
We're taking a rest for now I asked him to ride more but he said na hindi dapat ako malipasan ng gutom . Dun ko napansin na tanghali na din pala . Hindi mo talaga napapansim ang oras kapag masaya ka no ? Parang umiikli ang oras kapag masaya ka.
Im carrying a two burger in a plastic bag and a slurpee in the other hand . Mag-cr lang daw siya at sinabing bumili na ako ng pagkain para hindi daw ako magutom. Di na ko nakatanggi nagugutom na din naman na ako eh.
I was heading back to the bench when Im suddenly bump into someone
***
Matt's POV
Im still looking at this piece of paper im holding on my right hand.
Galing to sa isa sa inupuan ni Monica noong sumakay kami sa isa sa mga rides . Mas nauna siyang nakababa kaya ako ang nakakita ng pulang envelope na may nakalagay na itim na papel"Endulge each moment . Are you really going to love her even though you will know the truth? Matthew Everdeen"
-A
Aakalain ko na sanang namisplaced lang pero buong pangalan ko ang nakalagay sa loob ng enveloped na yun. Tama nga ko . Hindi ako nagkakamaling may nagmamasid sa'min ni Monica .
Nagpaalam ako sa kanya para magbanyo pero gusto ko lang makasigurado kaya tumawag ako sa surveillance company ng Amusement park na ito . Pero kahit sila hindi nakapagbigay ng kahit deskripsyon sa naglagay ng papel sa inuupuan ni Monica . Ang naibigay lang nila ay isang babaeng nakahoody ng black,ripped jeans na kulay asul at black na converse . Bukod dun wala na . I was hopeless pero isa lang ang sisiguraduhin ko, Kung sino man ang taong nagbigay nito ay hindi ko pagkakatiwalaan .
BINABASA MO ANG
There's no turning back (Editing)
Teen FictionThis is the art of sacrificing things for someone you protect to . Do you think They should continue this story or They should walk in their separate ways ? Judging without Knowing is the biggest mistake we will make . Find your answers in There'...