22:

17 0 0
                                    

""Wag kang lumayo Senyorita, medyo malalim na ang bahaging kinaroroonan mo," saad ni Manang Ada habang nakaupo ito sa malaking bato na nasa gilid lang ng batis.

Umiling lang si Lexi at pagkuwan lumawak ang kanyang ngiti. "Don't worry Manang, I know how to swim."

"Oo nga, naniniwala ako sa iyo na magaling kang lumangoy. Kaya lang malakas ang hagos ng tubig ngayon baka anurin ka," may pag-alalang sabi pa ni Manang.

Sahalip na makinig ay lalo lang na kumampay ang mga kamay at mga paa ng dalaga sa malinaw na tubig.
Lumalangoy sa kung saan-saan na tila nakikita niya ang paligid.
Hindi halintana ang sakit dahil kung minsan ay nababangga siya sa mga bato.
Parang bata siyang tuwang-tuwa, masaya at malaya habang lumalangoy.

Sumasakit ang ulo na napahawak si Manang Ada sa kanyang batok.
Ilang beses niyang sinasaway ang babaeng Amo pero hindi siya pinapakinggan nito.

"What's the meaning of this?" dumagundong ang boses na tanong ng lalake na nagpamutla sa mukha ni Manang Ada.

"Ay! S-Sir Ian nandito ka na?" nanlalaki ang mga mataa at tila nauutol pa ang boses ni Manang Ada habang nagsasalita.

Seryoso ang mukha ng lalake. Nakatiim ang kanyang mapulang mga labi at bahagyang magkasalubong ang makakapal at itim na itim niyang mga kilay.
Nakatitig ito sa dalaga na ngayo'y huminto sa paglalangoy dahil sa narinig na boses.

"Ah, S-Sir eh," napalingalinga ang matanda hindi alam kung ano  ang sasabihin.

"I want to swim kaya niyaya ko si Manang na samahan ako rito," si Lexi ang sumagot na Kusang tumikwas ang kilay.

Napaismid ang lalake at napabaling ang tingin kay Manang Ada. "Mauna na kayong umuwi sa bahay hacienda Manang, may mga bisita doon na naghihintay. Asikasuhin ninyo muna sila at ako na ang bahala sa Senyorita ninyo."

"Ha, bisita?" Napakunot ang noo ng matanda. "Sino po ang mga bisita ninyo Sir?"

Marahan na napabuntonghininga si Ian. "My friends and Zev

Bumakas ang gulat sa mukha ng dalawa Lexi at Manang Ada.

"Si Zev... bumalik si Zev?" hindi makapaniwalang saad ni Lexi habang si Manang Ada naman ay dali-daling niligpit ang mga  dinala nila kanina.

Umalis sila ni Sanda pero iniwan nila ang bag ng dalaga at ang dalawa sa batis.

"Halika na, lumangoy ka rito sa gilid." Nilahad ni Ian ang kamay sa dalaga. "Uuwi na tayo."

"Ay, a-ayo ko," nakangusong sabi ng babae.

Hindi gumalaw ang babae sa tinatayuan niya habang nakababad ang kanyang katawan sa tubig hanggang balikat.
Ayaw niyang makita muli ni Ian ang kanyang katawan. Hindi niya mapigilan na maalala ang nangyari sa kanila ng nakaraang mga araw.
Halos ilublob niya ang kanyang sarili sa ilalim ng tubig para magtago dahil sa naramdaman na hiya.

Napataas ang kilay ng lalake. "Diyan ka na lang ba tatayo hanggang bukas?
O baka may balak kang manirahan dito kasama ang mga Shokoy?"

Lexi's POV:

Bumangon ang inis sa aking dibdib at iwinasiwas ang kamay sa ere. "Leave me alone! Bastard!"

Naulinigan ko ang pagpapakawala niya ng sunod-sunod na paghinga. "Alright, kung gusto mong mag-stay dito ikaw ang bahala."

Umawang sa pagkabigla ang mga labi ko.
Ang sunod komg narinig ay ang mga yapak na tila  lumayo.

Bumangon ang kaba sa aking dibdib. "Talagang iiwan niya ako rito?"

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon