MIW [22]

2.8K 50 0
                                    

"Napapansin mo bang iniiwasan ako ni Pete?" Binaling ko yung tingin ko kay Jane na kasalukuyang nakasalampak sa kama ko. Dala na nito yung mga gamit nya, outing kasi ng department namin at samin sya nakatokang sumama.

"Malay ko. Hindi ko masyadong pansin" Nalagay ko na lahat ng gamit na kakailanganin ko sa isang maliit na maleta.

"Ay bwisit na bakla yun! Nakakajirits sya. Akala mo famous kung isnobin ako! Che mas maganda pa rin ako sa kanya" Natawa na lang ako sa reaksyon nya.

Napabaling yung tingin naming dalawa sa pinto ng may nagdoorbell doon.

"May inaantay ka ba Eri?" suhestiyon ni Jane. Agad ko naman yung tinungo at napangiti na lang ako ng makita si bakla na busangot ang mukha.

"Jane yung karibal mo nandito na!" Sigaw ko ng malakas kaya sumulpot agad si Jane sa harapan naming dalawa ni Pete. Busangot ang mukha nito ng batukan nya ng di kalakasan si Pete.

"Gago ka Pete! Iniisnob mo na ko ngayon ang lakas ng loob mo!" At nagcrossarms pa ito.

"Wow 'te makabatok at mura sakin parang hindi sya yung unang di namansin" May pagkairita din sa boses ni Pete. Nakasalubong lang ang kilay ko na tiningnan yung dalawa. May mga tama ata ito.

"Oh tama na kayong dalawa. Lumarga na tayo at baka maiwan tayo ng bus natin. " Iniwan ko silang dalawa at kinuha yung gamit ko sa loob.

Buong byahe hindi nagpansinan yung dalawa. Ako pa ang napagbubuntungan dahil tuwing maguusap sila saakin pinapadaan. Lenshek pass the message ba ito? Kaya nung nainis ako ay lumipat ako ng upuan at hinayaan silang dalawa na magtabi.

Nakita ko namang nagtext si Rhigz sa phone ko.

**RhigzKo** Baka dumating ako ng late doon. I'll be working on something. Love you

Agad naman akong nagreply *Be safe. Love you too*

Nakarating naman kami sa lugar. I'm not exactly sure kung saang banda kami ngayon basta isa itong resort sa Cavite. Almost 2 hours yung byahe namin but worth it naman dahil nakakaamaze yung lugar.

"We'll sure be having fun" saad ni Jane.

"Baka kamo ikaw lang Jannetta dahil nandyan yung panot mong lovelife!" Nakakahalata na ko sa dalawang ito. Napairap naman si Jane at nagmartsa palayo para puntahan si Sir Adrian na kabababa lang ng kanyang Itim na sports car.

"Kumikintab yung ulo sa sobrang kakinisan" At umismid pa talaga ito.

"Ang bitter mo Pete! Nakakahalata na ko. May gusto ka ba kay Sir Adrian?" Umakto naman itong nasusuka sa harap ko.

"Me? Ako? Yuck! Akala mo sakin walang taste?" At nagmartsa na rin ito paalis para mauna sa cottage na nandoon.

Inupahan yung buong resort para iaccomodate kaming lahat. Hindi lang kasi department namin yung may outing dito ngayon maging yung mga kapitbahay naming dep't.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon