Chapter 9

1.7K 64 8
                                    

THE LOUD music of the place made my heart jumped in so much anticipation. Nasa kabilang dako naman ng couch si Paolo na pilit tumatanggi sa mga babae na nag-aaya sa kaniya para sumayaw.

"I'm not available." Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa mga babae na nag-aaya sa kaniya.

Tinignan niya ako at lumapit nang makita niyang nakangisi ako sa kaniya. He looked at my outfit and tsked. "Magagalit si Tita, bahala ka," saad niya sa akin. Pagkatapos ay hinapit niya ako para magdikit ang mga katawan namin. He smirked. "Kiss me?" he chuckled.

Pinaupo niya ako sa kaniyang hita kaya wala sa loob na umupo ako roon. The alcohol was rushing through my system. I was dizzy and anytime this moment, I was sure . . . I would puke.

"Dizzy," mahinang saad ko kay Paolo.

He chuckled. Pinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko at isinandal niya ang ulo ko sa kaniyang balikat. Lumilislis pataas ang laylayan ng fitted dress na suot ko kaya naman tinanggal niya muna ang jacket niya at ipinatong iyon sa hita ko.

I just smiled and closed my eyes.

Nasa ganoong posisyon kami nang maabutan kami nila Nikki at Nelson kasama ng iba pa naming blockmates.

Nagsigawan ang mga ito kaya pinilit kong inayos ang upo ko at tsaka uminom ng tubig na inabot sa akin ni Paolo.

"Gago, ang sweet, kayo na ba?"tanong ni Nikki sa amin.

I pouted and shook my head. They all laughed because of that.

Alam kong may bagong tawag sa akin ang mga hindi gaanong nakakakilala sa akin. They branded me as the new playgirl of the campus, but I didn't correct them. Hinayaan ko silang isipin ang lahat ng iisipin nila.

I was just trying to escape from the pain here. And, yeah. . . nakakalimutan ko ng kaunti ang sakit kapag may mga kasama ako person kapag mag-isa na lang ako sa kwarto ay siya pa rin ang iniisip ko.

Siya pa rin ang gusto ko.

Pero hindi ko ipipilit iyon sa kaniya. Hindi ko siya hahabulin at hindi ko na uulitin ang ginawa ko noong nakaraan.

Ilang araw na rin simula noong nasuspend ako at alam kong disappointed sa akin ang mga magulang ko. Pagkatapos ng linggong ito, babawi ako. Sasabihin ko sa kanila na mag-shi-shift na ako at pagkatapos noon ay sisiguraduhin kong kakalimutan ko na talaga si Theo.

Nakalabas lang ako ng bahay ngayon dahil ipinagpaalam ako ni Paolo. Noong una ay ayaw na akong payagan nila Mommy pero tumawag si Tita Livi. Kinuntsaba lang din ni Paolo ang nanay nito kaya pinayagan nila kami.

I smirked as I tried to open my eyes. Nagtama ang mga mata namin ni Paolo at nakita ko ang pagkindat niya sa akin. I chuckled because of that.

He pouted. Doon ko lang napansin na wala na naman ang mga kasama namin at masaya na naman silang sumasayaw sa dance floor.

"Sayaw tayo," saad ko sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bewang ko. Ngumuso tuloy ako dahil doon. "Come on, huwag na KJ," saad ko sa kaniya.

"You're drunk, baby," he told me. "Isa pa. . .gusto kitang makausap."

Tumaas ang kilay ko dahil doon. Nakaupo pa rin ako sa kaniyang hita. Naktagilid ako kaya naman nakikita ko ang mukha niya. He looked frustrated.

"You. . . you're rebelling?" he asked me. "I heard you got too many violation——"

"Fifteen," agarang sagot ko. "And no, I'm not rebelling against anyone. Nag-e-enjoy lang ako sa buhay ko. I'm just 18, Paolo," saad ko.

Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon