Kabanata 39

452 18 1
                                    

Kabanata 39 

Regrets

I did my morning routine after reading his text. 

Wala akong ibang nagawa kundi ang gawin ang nakasanayang takbo ng araw ko kahit pa na ang daming bumabagabag sa aking isipan. Matapos kong maghilamos at mag-toothbrush ay nagpainit lang ako ng tubig para magkape't isawsaw sa tinapay.

Sabi ko noon, hindi ako mahihilig sa kape. Gatas pa nga ang iniinom ko noong baguhan pa lang ako rito. Ngayon, hindi ko na nairaraos ang araw nang hindi nakaiinom ng kape.

Closed muna ang commissions ko dahil may apat pa akong pending. Iyong isang natapos ko kahapon, ngayon ko pa lang ipa-pack. Sa LBC, sagot na rin naman nila ang box kaya hindi ko na ito iisipin pa. Idagdag mo pa iyong bubble wrap, may additional fee.

9 PM pa naman kami magkikita ni Chester, iyon ang sabi niya. Hindi pa ako nakapagre-reply sa kaniya dahil abala pa ako sa mga bagay na dapat kong unahin. Saka alam niya rin naman niya 'yong daloy ng araw ko.

Mabilis na sumapit ang gabi. Buong maghapon ay gumuhit lang ako, para sa kinabukasan ko at ni Nadia. Nakamamanhid ng kamay, siyempre, pero walang katumbas na kapaguran kapag nasa harap ko na iyong katas—iyong pera. Portrait charcoal. Iyon ang ginagawa ko.

Naihatid ko na rin sa pinakamalapit na LBC iyong ipadadala ko sa aking kliyente. Nag-send muna ako ng proof at labis naman itong nagpasalamat. Taga Canada siya.

Nang makauwi ako ay agad-agad naman akong naligo. Unlike my usual bath, it lasted longer. I just let my body drench the water and so as my thoughts. It was... exhausting without doing a thing.

I sighed loudly as I put my towel around my body and hair. I just chose to wear a white spaghetti strap, and it was a cropped top. Looking comfortable with my light grey sweatpants, I partnered them with a pair of flip flops.

Wala pa man akong natatanggap na mensahe mula kay Chester ay nangangatal na ang mga kamay ko habang naghihintay sa kaniya. Kumain na ako kahit papaano, nakapag-ayos na ako ng sarili ko, pero wala pa rin siya. Hindi ko binusog ang sarili ko dahil alam ko, aayain niya akong kumain.

To: Love

Saan ka na? Kanina pa ako tapos. 9:30 PM na, hehe. Hintayin na lang kita rito sa amin ha!! :))

But I broke what I had said.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa harap ng kanilang mansyon. Tiningala ko ito at sa sandaling iyon, ramdam ko ang pamamawis ng mga palad ko. Huminga ako nang malalim at pilit hinakbang ang mga paa para makapag-doorbell.

Hindi ko naman mawari kung bakit ako nakararamdam ng kaba. Para kasing... may mali. Parang may kulang. Ngunit ang nakaiinis ay hindi ko mapagtanto kung ano iyon.

"Ma'am?"

Saka lang ako napabalik sa ulirat nang tawagin ako ng kasambahay. Napaayos ako ng tayo at ngumiti nang tipid.

"Si Chester?"

Kumunot ang noo nito. 

Hindi yata siya pamilyar sa akin. Ganoon din naman ako sa kaniya. Mukha kasing bago lang siya rito.

"Girlfriend niya ako."

Namilog ang labi nito at napatango-tango. "Opo, Ma'am. Pasok po kayo. Nakalimutan kong inihabilin ka sa amin ni Sir Chester kung sakaling pupunta ka rito." Niluwagan niya ang pagkakabukas sa gate.

Nagpasalamat ako rito at malalaki ang mga hakbang papasok. 

Ilang buwan na ring wala ang mga tauhan nila rito. Wala na sa pakiramdam ko ang mga matang lihim na nakamasid sa akin. Iyong mga katulong naman, wala na iyong mga narito last year. Lahat sila, bago. Hindi ko alam kung bakit parang papalit-palit sila? Hindi ko naman na iyon dapat itanong pa.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon