Kabanata 44
Win-win
And as the jeepney moved when the driver decided to refill the gas, I was patiently yet tired of waiting 'til my ass gets burn because I was sitting for a long period of time already.
But then I realized, I am my own driver. I am the one who would rule my life, whether take over or switch paths of where I'm heading to.
Sa panglimang taon na nakalipas matapos kong mahawakan ang lahat ng mga susi para sa pintuan ng mga katotohanan na may iba't ibang uri ng kasamaan, binubuo ko pa lamang ang sarili kong pangalan.
Magdadalawang taon na rin ang nakalipas magmula nang maging ganap na arkitekto ako. Kumikita na rin ako ng 5-digit na pera kada buwan. At sa isang taon ay lalagpas ito sa 6-digit na sahod. Nakadepende rin kasi ang sasahurin ko lalo na't under ako ng kompanya nina Von. Ni-refer kasi ako ni Jaryllca noon kay Von. At siyempre, may pinagsamahan din naman kami ni Von, kaya pumayag din siya. May advantages kapag may kakilala kang nakatataas, ngunit hindi naman ako matatanggap doon kung hindi ako pasok sa standard nila.
"Architect Ledres!" I called for Von's dad.
Minsan lang daw ito umuwi sa Pilipinas dahil sa Canada sila lumalagi. Kaya naman nang umuwi ito isang beses ay kaagad ko itong nilapitan.
"Architect Quevedo, what's the matter?" he fluently and curiously asked.
Nakatingala ako nang kaunti sa kaniya dahil matangkad ito, kahit pa na nakasuot ako ng takong. Mestizo, hindi tulad ni Von na moreno, na sa tingin ko naman ay sa kaniyang ina ito nagmana. Nakasuot ito ng suit and tie, ang kaniyang hard hat ay iniipit niya sa kaniyang braso.
"I just want to say thank you for increasing my salary!" I smiled genuinely. "Take care on your flight!" I saluted as he tapped my shoulder, bidding a goodbye.
It was actually my rest day but I went to the Ledreses Architectural Firm to thank Mister Ledres.
Bago pa man ako makaalis doon ay nag-book na ako ng Grab dahil sa Taguig pa ang meeting ko, deretso na ako paalis doon matapos noon dahil may kikitain pa akong engineer, may usapan kasi kami.
Nang makita ko ang plate number ng binook kong Grab, 'di kalayuan mula sa kinatatayuan ko, nagmadali ako sa paglalakad at mabilis na pumasok doon.
"Yes, Aya? Okay ka lang? May kailangan ka ba?" sagot ko sa tawag mula kay Aya nang makarating ako sa isang kilalang coffee shop sa Taguig. It was Arabica.
[N-Nothing... Do you have any plans today?] She was probably crying because of her shaking voice.
"Oo, bakit? Hectic ako this week, eh." Bumuntong-hininga ako. "Next week, puwede. Saturday at 3 PM. Available ako that time," dagdag ko pa.
Nagtitingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad papasok sa loob ng coffee shop. Ang takong ko ay maririnig na tumatama sa sahig.
[Can I come over to your apartment once you get home?] I heard her soft sobs.
Bago pa man ako makapagsalita ay may kumaway, hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ko. Nakasuot ito ng brown na dress, nakalugay ang buhok, at ang mga mata nito ay may pagka-singkit.
"Architect Quevedo!" she called.
"Engineer Miranda!" I replied with a big smile forming on my lips. "Wait, Aya, kailangan ko nang ibaba. I love you, okay? Puwede kang pumunta sa bahay kahit kailan... Gabi pa ako makauuwi. 'Wag ka magpalipas! Sige na!" I chuckled a bit, trying to lighten her mood.
[I... love you.] Ibinaba niya na ang tawag.
"Medyo hesitant pa siya, ah..." Mahina ako natawa at tinakbo na ang distansya namin ng ka-meeting ko.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...