Chapter 14

469 23 47
                                    

Ferdinand POV

Nagising akong wala na si Imelda sa tabi ko.

Bumangon ako't naghilamos at pumunta na rin sa kusina.

Ba't ang tahimik?

Hinahanap ko sa buong bahay saan na si Imelda at yung mga bata

Bigla akong nataranta.

Bumalik ulit ako sa kwarto namin para tingnan kung andiyan pa mga gamit niya nang may narinig ako sa may pintuan

Nang lumabas, andoon din si Imelda kasama ang mga bata

"Sweetheart, tinakot mo naman ako akala ko umalis ka na"

"Sana nga lang. Nagsimba lang kami Ferdinand, hindi ka na namin ginising kasi mukhang pagod na pagod ka kahapon" sagot niya na may halong ibang ibig sabihin

"Mukhang ikaw nga ata kailangan magsimba" dagdag niya

Mas gustuhin ko nalang na sinampal niya talaga ako kagabi.

Pumunta na siya sa loob ng kwarto, pati na rin ang mga bata.

Paano ko ba to susuyuin?

Habang nag bibihis sina Imelda at ang mga bata, nagpasya na akong magluto ng aming tanghalian pero di naman ako marunong magluto.

Kaya sinubukan kong magluto ng itlog, magprito ng isda at nag toast ng tinapay. Alam kong pang almusal pero ito lang ang alam kong lutuin.

Imelda POV

Bago lang natapos ang misa at umuwi na kami.

Pagpasok ko at ng mga bata sa bahay ay nakita ko si Ferdinand na nakahubad sa itaas, naka boxer brief lang at tila hinihingal.

Ano nangyari dito?

"Sweetheart, tinakot mo naman ako akala ko umalis ka na"

Naku, kung wala lang tayong mga anak Marcos kanina pa ako umalis dito at kung di pa matino pag iisip ko sinama ko na mga anak natin.

Pero lahat naman tayo nagkakasala, ika nga ng pari kanina kaya papalampasin ko nalang ito. Mabuti nang magpatawad. Pairalin ang pagmamahal pero papahirapan ko muna to. Di ko iimikan.

"Sana nga lang. Nagsimba lang kami Ferdinand, hindi ka na namin ginising kasi mukhang pagod na pagod ka kahapon" tukoy ko

"Mukhang ikaw nga ata kailangan magsimba" dagdag ko na rin.

Pumasok na ako ng kwarto para magbihis. Pagkatapos ay pumunta na rin ako sa kwarto ng mga bata para tulungan silan magbihis at maghanda na sa aming tanghalian nang may naamoy ako.

Sunog?

Dali dali akong lumabas at tiningnan kung saan nanggaling ang amoy sunog

Sa kusina.

"Ferdinand, anong ginagawa mo?" taranta kong tinanong

"Hehe sweetheart, parang na pagod itong niluto kong isda at toast na tinapay"

Ang sweet naman

"Sino ba kasing nagsabing magluto ka? Di ka naman talaga nagluluto?"

"Nagmamagandang loob lang sweetheart" palusot niya.

Gusto kong tumawa pero galit ako.

"Di bale, makakain parin yan. Halika na kayo't sabay sabay na tayong kumain ng lunch. Inihanda ko na ang lamesa" sabi niya at isa isa narin niyang tinawag ang mga bata.

"Daddy, its burnt" sabi ni Imee. Nakita ko na rin ang mukha ni Bongbong na parang di nasisiyahan sa kinain niya

"It's still edible. Tikman niyo ulit" sabi ni Ferdinand habang tumatawa.

Pasimple na din akong ngumiti

"Ayun ngumiti na aking sweetheart. Mukhang nasasarapan sa aking luto" sabi ni Ferdinand habang pasimpleng hinawakan ang kamay ko sa lamesa. Dali ko din inalis ang kamay ko.

"Hay ambot sa imo Ferdinand"

-- 

Ito na may POV na si mama meldy niyo, sana di na kayo umiyak hahahaha mwa

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon