Chapter 6 : Partner

28 1 0
                                    

Misty POV

Ilang araw na mula nung gabing dumalaw si Terrence kay Ate Meisha pero di pa rin ako maka get over..

Lunes na naman. Meaning, may pasok na naman :( huhuhuh.. Bakit ba kasi ang lapit ng Sunday sa Monday, pero ang layo naman ng Monday sa Sunday.. Tsk tsk..

I'm here na sa school on my way na ko papunta sa room...

'Why you gotta be so rude?
Don't you know I'm human too?
Why you gotta be so rude?
I'm gonna marry her anyway

Marry that girl
Marry her anyway
Marry that girl
Yeah, no matter what you say '

**Clap, clap. Clap**

"Ai kabayong buntis!!!" Gulat Kong tili. Juice colored ikaw ba naman kumanta sa hallway ng school tapos biglang may papalakpak.

"Nice:) ang ganda pala ng boses mo Misty:)" sabi ng lalakeng pumalakpak

"My gosh! Kuya Bryle ! Ikaw pala yan! Ginulat mo naman ako!" Gulat na pahayag ko

"Haha sorry to interrupt your mini concert in the hallway, di ko lang matiis na palakpakan ang malaanghel mong pag awit:)"

"Sus. Nambola pa, kung mag papa-autograph ka lang Kuya Bryle, wag muna ngayon busy pa ko. Hahaha" Biro ko sa kanya. Hahah naka naman ng bebe, my fan na agad ako

"Ikaw talaga hahah. Papasok ka na ba? Kain muna tayo ng breakfast sa cafeteria "

"Naku, kumain na ko sa bahay eh. At I need to go na sa room inaantay na ko ni bheszt:)" tanggi ko.

"Ah ganun ba:) sige okay lang. Gusto mo ba hatid na kita sa room mo?"

"Wag na :) keribels ko na , Bye Kuya bryle:))!! " Paalam ko bago nag lakad palayo

"Bye princess! Ingat ka:)!" Sigaw nya.

Kuya Bryle calls me Misty, but most of the time Princess. Ewan ko ba, maybe he treat me as a sister kasi only child sya.

By the way, He is Bryle Joseph Mendoza. He is the best friend of Ate Meisha. Mabait sya, gwapo, matalino, at magaling kumanta. Kaya nga I like him eh! Pero as a brother lang:) haha he is so sweet and thoughtful kasi.

--------------

Andito pa rin ako sa school, at Math subject na!! Wooh!! Pinaka ayaw ko pa namang subject ang math..

"Okay Class, today we have a group activity. You need to answer this 10 pages problem that I will give to you. Don't worry because you have 3 days to do this. And this activity is by pair. So, you can choose you're partner". My math teacher said.

"Ui partner tayo Mae!"
"Pre, tayo partner ah"
"Hey nerd, you're my pair"

Ilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ko sa classroom.

"Bheszt!" Tawag ni Nikka.
Yes! Mukhang yayayain akong maging partner ayus!

"Oh? Sige okay lang na partner tayo, magtitiis ako:)" mayabang ko pang sabi hahaha

"Eh! Bheszt ahmm kasi sasabihin ko sana na may partner na ko, niyaya kasi ako ni Kyle my loves , di ko naman matanggihan. Sorry:( " ouch! Hirap talaga mag expect. Tss saklap. Pahiya ako dun ah!

"Okay lang, naiintindihan ko. Alam ko naman na mas mahalaga yang kyle na yan kesa sakin. Crush mo eh! Okay lang talaga sino ba naman ako tsk.." Pangongonsenya ko.. Huhuhu-.- magaling pa naman si bhest sa math sayang:(

"Bheszt naman , sorry na! "

"Bumalik ka na dun sa upuan mo, okay lang ako, mag hahanap nalang ako ng partner. Madami pa naman dyang iba na di ako pag papalit" madramang sabi ko

"Sorry na bheszt , gusto mo sabihin ko Kay kyle na di na kami partner! Wag ka lang magalit:("

"Sus wag na , okay lang" sabi ko. Binibiro ko lang naman kasi sya. Pero nakakainis naman slight nga lang.

"Ahmm, Misty may partner ka na ba?" Napatingin naman ako sa nag salita.

"Terrence, ah wala pa nga eh. Yung inaasahan ko kasing partner ko sana eh nag hanap ng iba" sabi ko kay Terrence

"Oh! Good. Parehas pala tayo. Si kyle kasi may partner na din. So, pwede ba tayo nalang?" Nakangiting sabi ni Terrence

Oh-my-Gosh.. Totoo ba ito???
Tinatanong nya ko kung pwedeng kami nalang??? As in KAMI NA LANG???
Footspa naman!!!! Hihimatayin ata ako sa kilig:)) haha sorry na Assumera eh:)

"Huh? Oo naman! Tama yan! Tama yan! Tayo nalang!:) TAYO NA huh?:)" kinikilig kong sabi. Naisigaw ko pa, kaya pag lingon ko sa mga classmate ko nakatingin na pala sila samin. At inaasar na kami!! Wahhhh!!! Nakakahiya -.-

"Thanks:). Super saya mo ata?" Takang tanong nya.

"Ahh eh syempre tayo na eh:)" masayang sabi ko

"Huh?" Takang tanong nya

"Ahmm I mean, tayo na mag ka partner eh:) he-he. Syempre masaya ko, kasi magaling ka sa math! Haha" wooh! Paliwanag ko, sana bumenta

"Ahh okay:) , sa inyo nalang tayo gumawa ng activity para di hassle sayo." Sabi nya

"Okie dokie:)) " masayang sabi ko

*RING BELL*

Uwian na pala!

"Sige Misty , see you later in your house :)" sabi ni Terrence bago umalis sa harap ko..

Yieee!! Kinikilig ako. Ang sarap pakinggan yung 'TAYO NALANG' pag sya nag sabi:) hahah . oo na , ako na Assumera. Ano magagawa ko? Crush ko eh..

"Bheszt!!!!" Sigaw ni Nikka. Binatukan ko nga, panira ng pag de-daydream eh

"Ang layo ko ah??!! Makasigaw ka naman teh!! Nasa bundok lang?" Inis na sabi ko

"Hello!!! Kanina pa kaya kita tinatawag! Busy ka kasi masyado sa kilig na naramdaman mo kaya di mo kp napansin. Tingnan mo nga tayo nalang nandito sa room!!" inis din na sabi ni Nikka.

Napatingin naman ako sa room. Oo nga, bat di ko napansin na kami nalang ang tao!!!

"Tara na nga! Uwi na tayo bago masira ang good mood ko:)" masayang sabi ko

"Di ka na ba galit bheszt!"

"Sus Hindi noh! Bat naman ako magagalit:) you made a good decision in pairing Kyle!" Masayang sabi ko

"Talaga nga naman oo, kanina galit na galit. Naka partner lang si Terrence nawala na sa katinuan! Tsk tsk" pang asar na sabi nya habang nag lalakad na kami papuntang parking lot ng school

"Tsk. Bye na nga:) see you tomorrow bheszt:)" masayang paalam ko sa kanya bago pumasok sa sasakyan namin.

Waaah!! Today is one of the happiest day in my life.. Yiee. Paborito ko na tuloy bigla ang Math subject:)

Just an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon