Chapter 16

498 27 17
                                    


Ferdinand POV

Kaarawan ngayon ng aking inay na si Donya Josefa. May konting handaan ngayon sa Sarrat kay bumyahe kami ng ilang oras para makaabot sa tanghaliang paghahanda.

Minsan lang naman dumalaw ang aking inay sa bahay kaya kinuha ko na lang din ang oportunidad para makita niya nag kaniyang mga apo kaya't dinala ko na silang tatlo.

Lalong lalo na si baby Irene, ang aking bunso, na ang huling kita ni inay ay nung nagbubuntis pa si Imelda.

Pag- abot namin doon ay nakaabang na si inay sa may labas. Paglabas ni Imelda ay nakasugat na ang mga kamay nito kay Irene.

"Apooooo" sabi niya habang karga karga si Irene at isa isang hinalikan sina Irene at Bongbong

"Lola!!!" sigaw ng mga bata.

"Halika na kayo. Kayo nalang ang hinihintay at kakain na tayo. Nasa loob na din ang mga bisita"

At kami'y pumasok na.

Pagpasok ay parang bumalik ako sa pagkabata dahil ito ang bahay namin noon at matagal tagal na din bago ako nakabalik. Sila kasi palagi ang pumupunta sa San Juan.

"Alam mo ba dito ako pinalo nung isang beses kasi na late akong umuwi galing school?" bulong ko kay Imelda at tumango lang siya. Galit pa ata.

"Huwag mo akong kausapin Ferdinand. Andito si Y/N, baka magselos kasi kinakausap mo ko" at umalis na siya.

Andito nga siya. Kasama niya ang kaniyang mama, si Donya Vicenta.

"Donya..." at ako'y nagmano na

"Oh? Congressman, kamusta naman? Balita ko'y tatakbo ka sa senado sa susunod na taon" sabi niya

"Ay opo hehe, boto niyo ako ha?" pabiro kong sinabi at ako'y umalis na.

Napadaan ako kay Y/N at kami'y nagkangitian lamang.

"Tayo na't magdasal na" lambot na pagsigaw ng aking nakababatang kapatid na babae na si Fortuna.

Kami'y nagdasal na at kumain na rin. Ang sarap talaga ng luto ni Inay.

"Eat this Ferdinand. I cooked this especially for you" habang hukad hukad ni Ina yang dinengdeng sa plato ko.

Tinikman ko. Ang sarap talaga.

"You should learn to cook this Imelda. Si Y/N tinuruan ko nito, siya nalang ang magturo saiyo nito" dagdag ni mama.

Nagkatinginan kaming lahat. Ako, si Paco, Y/N at Imelda.

Tumingin sa sahig sa Imelda at ngumiti na lamang.

"Hindi na kailangan mama, tinuruan na ako ni Pacifico" sabi ni Imelda.

Patuloy na kami lahat ng pag kain. Nang matapos ay nagpaalam na rin kami at umuwi

-

"Tulog na ang mga bata sa likod, isa isahin na natin silang ilagay sa kwarto" sabi ko habang kinakarga ko sa Imee at karga karga ni Imelda si Irene at ang hinuling ipinasok ay si Bongbong.

"Ang bigat na nila sweetheart. Lumalaki na yung mga bata" sabi ko

"Halika sweetheart, ikaw nanaman bubuhatin ko" dagdag ko habang papahalik sa kanyang pisngi. Bigla nalang siyang lumiko.

"What's wrong sweetheart?" tanong ko sa kaniya

Imelda POV

"What's wrong sweetheart?" tanong niya sa akin

Anong what's wrong? Galit ako. That's what's wrong

"Wala. Matulog na tayo" sabi ko at bigla niyang hinablot ang braso ko

"Teka, may nagawa nanaman ba akong mali?"

"Wala, except nung tinititigan mo kanina si Y/N"

"Anong tinitigan? Malamang nasa harap ko siya. Pupunta talaga mga mata ko doon sweetheart pero hindi ako nakatititg. Hindi nga kami nag-usap eh"

Ito na. Nag-aaway na kami, mahinahon para hindi magising ang mga bata.

"Alam mo, ayoko na" sabi ko

"Tama ka, wag ka nang magtampo" sagot ni Ferdinand.

"Ayoko na Ferdinand. Aalis na ako" at pumunta na sa aming kwarto

"Anong aalis? Saan ka pupunta?" sabi ni Ferdinand habang sumunod sa akin

"Lalayas na ako at isasama ko ang mga bata" sabi ko nang nakaharap sa kanya.

Huminto siya sa may pintuan

"Sige. Umalis ka" nabigla ako sa sagot niya

"Pwede ka umalis basta akin ang nanay ng mga bata" dagdag niya, nilapitan ako at hinalikan.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon