1.

570 0 2
                                    

(t's pov)

nagising ako ng biglang may tumawag sa akin, asa tabi ko pa din si sun na mahimbing pa din ang tulog habang nakayakap sa akin, sinubukan kong gumalaw ng konti para kuhanin ang cellphone ko pero mahigpit masyado ang yakap niya sa akin kaya hindi ko maabot ang cellphone ko

sinubukan kong gumalaw ulit para makuha ko ang cellphone ko na kanina pa nag ri-ring "sagutin ko muna luvie" bulong ko kay sun sa tenga niya, dahan -dahan niyang inalis ang yakap sa akin para makagalaw na ako "dalian mo" sabi niya sa akin.

tumayo na ako sa kama para kunin ang cellphone ko nakita ko ang oras at masyado pang maaga para may tumawag sa akin, si lana lang pala ang tumatawag sa akin ano naman kaya kailangan ng babaeng 'to sa oras na 'to? umagang-umaga tumatawag na agad, sinagot ko ang tawag niya kalabas ko ng kwarto, lumabas ako para hindi ko magising si sun

"bakit ka tumawag?" bungad ko sa kaniya habang kumukuha ng pwede mainom sa ref ko "girl tapos na ba kayo ni sun?" gaga talaga 'to, good morning lana ha haynako

"tanga bakit ka ba tumawag?" sagot ko sa tanong niya, narinig ko siyang tumawa ng malakas sa call, tawang-tawa ka ba ha , "girl nag aaya kasi ng gala sila kel" si kel? bakit naman mag aaya ng gala 'yon e hindi nga umaalis masyado 'yon dahil tamad din lumabas sa kanila, bihira mo lang siya makikita gumala, minsan isasama nalang namin siya ni sun sa mga alis namin, siya lang ang kaibigan namin na extrovert na tamad umalis

"si kel? bakit daw" tanong ko kay lana "gusto daw niya mag unwind, may pinagdadaanan ata bestfriend mo teh" sagot ni lana sa akin, sabagay, baka meron nga dahil sabi ko nga, bihira lang din umalis sa condo niya 'yon kung hindi ako ang kasama okaya si sun

"saan naman daw tayo pupunta?" tanong ko kay lana ng biglang may kumatok sa pintuan ko, sinasabi ko na nga ba sila yung maingay kanina pa eh buti hindi ko narinig si lana sa labas? mga taong 'to talaga

"mga bwisit kayo" bungad ko sa kanila pag bukas ko ng pintuan para sa kanila, nakita kong may dalang malaking bag si uno at isang plastic ng chips si nuri, ngayon na ba kami aalis?

nag punta ako sandali sa kitchen para bigyan sila ng maiinom, nasa sala sila ngayon tinitignan ang mga pictures na naka frame namin ni sun at mga polaroid na nakadikit sa wall, naririnig ko silang nag tatawanan sa sala kaya binilisan ko na lang dahil baka magising pa si sun sa ingay nila

"suot mo pa pala" banggit sakin ni kel, nakalimutan ko mag bihis kanina, suot ko pa yung silk dress na bigay niya. nakakahiya. "wala kana 'don, gisingin ko lang si sun" sabay talikod sa kanila dahil namumula na ako at baka ano pa ang tanungin nila sakin

"luvie? andito sila kel" bulong ko sa kaniya habang hinahaplos ang ulo niya para magising siya, hindi ko pa binuksan ang mga kurtina dahil baka gusto nito matulog, "bakit daw?" tanong niya "higa ka pa" sabi niya sa akin, niyakap ko siya habang nakaupo ako sa tabi niya kahit gusto ko pa mahiga sa tabi niya baka pasukan naman kami dito sa kwarto "gusto daw nila umalis" banggit ko sa kaniya habang nakayakap pa din

"saan daw ang punta natin?" tanong niya sa akin habang inayos niya ang upo niya, pinaupo niya ako sa tabi niya habang inaayos ang buhok ko "hindi ko pa alam eh, andito sila para pag usapan siguro" sabi ko sa kaniya kaya tumango nalang siya, tumayo na din kami sa kama para mag ligpit, masyadong nagulo ang kwarto ko mula sa kalat kagabi, kaya inayos namin ng mabuti ang kwarto dahil panigurado gusto nila makita ang kwarto ko

"luvie, punta muna akong condo mag papalit ako, mag palit ka din muna ng damit" sabi niya sakin sabay halik sa noo ko, lumabas na siya ng kwarto at narinig ko ang sigawan nila kel at uno sa sala, panigurado akong pinag tripan nanaman nila si sun

"mga tanga, pupunta muna ako sa condo" narinig kong sabi ni sun sa kanila sabay bukas ng pintuan para lumabas, pumasok naman sa kwarto ko si nuri at lana para tignan ang kwarto "aba malinis" ang unang banggit ni lana sa akin, "mukhang walang-" dagdag pa ni nuri sabay takip ng bunganga niya "mga sira, dyan na muna kayo mag bibihis na muna ako" sabi ko sabay talikod papuntang cr para mag bihis, nag hilamos na din ako ng mukha bago lumabas sa cr

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon