My Sicked Lover

55 1 2
                                    

"Bes si Jay! Ang gwapo gwapo lalo na sa malapitan."
"Kyaaaa!! tumingin siya sakin."
"No. no. sakin siya tumingin!"

So sino ba si Jay? tanong ko sa sarili ko. Kaya nagtingin tingin ako sa paligid ko kung sino si Jay. Siguro sikat yun dito? Hayst... ang hirap naman pag naging transfere ka.

BLAG!

"Ouch...." habang hinihimas ko ang bahagi ng aking pwet na tumama sa sahig. "Sorry, sor- " napatigil ako ng pagsasalita nang makita ko ang nabangga ko. Ang gwapo na parang anghel na bumaba galing langit.

"Miss, Im sorry. Ayos ka lang ba?" Nasa panaginip ba ako? Nakabangga ako ng isang lalaking may magandang katawan at magandang asal. Bumalik ako sa katinuan nang muli siyang nagsalita. "Miss!? ayos lang ba kayo? kailan ko ba kayo dalhin sa klinik?"

Marahan ko siyang itinulak at humingi uli ako ng pasensiya sa kanya. Narinig ko naman ang bulungan ng mga tao.

"Who's that girl? Bat niya ginawa yun? Baka mabalitaan toh ni Ms. Queen Bee" sabi ng isang babae.

Sino naman si Queen Bee na yun?

"Im sorry uli Sir. Di po ako kase nakatingin sa dinadaanan." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"That's okay." sabi niya. "By the way Im Jay, Jay Monteclaro. " at nilahad niya ang kamay niya sa tapat ko.

So siya pala si Jay..

Napatingin ako sa mata niya at sinabing, "Im Claire Dominguez, nice meeting you."

Nag shake hands kami at lalong lumakas ang tsismisan.

------

"Hey Claire!" Bati ni Joyce sakin. Ngumiti ako sa kanya at bumalik uli ako sa binabasa kong libro.

"Anong binabasa mo?" tanung niya.

" Pinahiram ni Dave yung librong The Giver." ani ko. Di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng classroom ko at nagpaalam na ako kay Joce at ganun rin siya.

Sino ba yang mga babaeng yan? parang na nila akong pinapatay sa utak nila ah! Pero pinabayaan ko na lang. Sabi kase don't judge a book by it's cover, so baka ganyan lang talaga itsura nila.

KRIINNGGG KRINNGGG

Break time na pala... Dumiretso muna  ako sa cafeteria at kumain sa isang bakanteng table.

"Miss, pede paupo?" ahh. Si Jay pala yung nag tanong. Nilibot ko ng tingin ang buong canteen at marami pang bakanteng table.

"Sige." Matipid na sagot ko. Di ako nakikipagkaibigan kahit kanino...

Nakita ko na naman yung mga babaeng tumingin ng masama sakin kanina. At ganun pa rin ang tingin nila sakin. Napansin ata yun ni Jay at nagsalita siya.

"Siya si Xyrille Villanueva. Our Ms. Queen Bee. Siya ang nakikipaglaban to other schools kung kailangan ng contestant na pwedeng isali sa mga beauty contest." Pagbibigay kaalaman niya sakin. Tanging "Ohh.." lang ang nasabi ko.

KRINGGG KRIINGGG

"Shems! malalate na ako sa klase. Bye Jay." Paalam ko sa kanya at ganun na rin siya. Hindi pa ako nakakapunta sa room namin ay may humarang na saking mga babae. Lumabas si Xyrille sa gitna at akmang sasampalin ako.

Claire umilag ka! sasampalin ka niya! Huh? ang tagal ah -_- Wew... Si Jay hawak hawak ang wrisk ni Xyrille at kumindat sakin.

"Dont hurt my girl or you will die. " pagwawarning ni Jay kay Xyrille. Halatang natatakot si Xyrille dahil sa nanginginig na ang kanyang tuhod. Pero nagcling ako kay Jay at kiniss siya sa cheeks para magmukang kami. And Xyrille fainted.

Natuwa ako sa ginawa niya. At bigla na lang siya umalis. May regla ba siya ngayon? o sadyang may moodswing lang talaga yung lalaking yun? kanina lalapit lapit tas ngayon aalis alis, che!

At last! Uwian na. 1:45 pm. pa lang, wala rin akong gagawin sa bahay so diretso sa mall!

"Ouch!" nabunggo uli ako ni Jay ang he grinned. Dahil wala akong kasama sa pagpunta sa mall, isasama ko na lang si Jay.

"Hey Jay! can you come with me?" tinanong ko siya. Pero hindi namansin ang mokong. Pumunta na lang ako sa parking lot ng shool, paalis na ako ng school pero itinigil ko ang kotse nang makitang tumatakbo si Jay.

"Okay, I will go with you. Just give me a ride. Naubusan kase ako ng gas. " I opened my car's door and let Jay entered himself. Nagsalita siya nang makita ang ngiti ko sa labi.

" Bat ka nakangisi?" tanong ni Jay. And I said

" We will make some memories"

-----

Ukay-ukay

"Claire bat tayo nandito?" kanina pa siya tanong ng tanong but I ignored him. Bumili ako ng dalawang daster at ibinigay ko ang isa kay Jay, "Wear it." utos ko.

"And why?" tanong niya na may nakakairitang tono.

"Because I gave you a ride. And because I want you to wear it." Pinagdilatan ko siya ng mata. Finally. Nakasuot na siya ng daster at pumunta kami sa mall. May angal siya pero panalo ako. Pumunta rin kaming bay para mapanood ang sunset. Ang sarap sa pakiramdam ng may taong pinoprotektahan ka. Nagukit pa ako ng puso at may initials naming dalawa. Niyakap niya na lang ako.

____

"Claire.." narinig kong may tumatawag sakin. Pamilyar ang boses pero di ko kakilala.

"Manang! may tao sa labas."

Umiiyak yung tumatawag sakin kanina. But why?

____

Pumasok na ako sa school at nagbasa ng libro. I dont know him pero kinakausap niya ako habang umiiyak siya.

"Hey Claire.. wala ka daw sa inyo kahapon.. nasaan ka ba nun?" tanong niya habang umiiyak.

"Sorry but do I even know you?" I asked.

"Can you come with me?" tanong niya at ang sagot ko ay "no"

___

"Bat wala ka nang gas?..." pano ako uuwi niyan.. nanakawan pa ako kanina. At biglang may kotseng dumaan sa gilid ko, Si Jay! hinabol ko at pinasakay naman niya ako pero may condition.

We went to ukay ukay

"Jay bat tayo andito?" ilang beses ko na tong tinanong but he always ignored me. Binigay niya saken yung isang duster.

Wait... alam ko toh eh. Kailan ba toh nangyare? nangyare na rin yung sa kotse pero di ako yung humahabol kundi isang boy.

"And why?" tanong ko na may nakakairitang tono.

"Because I gave you a ride. And because I want you to wear it." Pinagdilatan niya ako ng mata. Finally. Nakasuot na ako ng daster at pumunta kami sa mall. May angal ako pero panalo pa rin siya. Pumunta rin kaming bay para mapanood ang sunset.

"Claire naaalala mo na ba ako?"

"No Jay.." napayuko ako. Tumayo siya at may pinakita siya ukit na puso sa may puno at may intiala naming dalawa.

I remember everything. I remember Jay. Niyakap ko siya at umiyak ako ng umiyak.

"Baby stop crying. Ginawa ko toh kase sinabi ni manang na may amnesia ka... so I decided to do this. Nagbabasakaling maalala mo ako." Then he pouted. I kissed him under the sunset.

My Sicked LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon