Chapter 1 - New student

112 1 1
                                    

𝐍𝐨𝐭𝐞𝐬
- Taglish au
- All events in this story are purely fictional and has nothing to do with the characters in real life.
- Do not take ships seriously.
- This is my first story so expect typos and grammatical errors.
- Lastly.. enjoy reading ^^

𝐒𝐮𝐧𝐨𝐨'𝐬 𝐏𝐨𝐯

"Jungwon!" sigaw ko ng makita ko ang   aking kaibigan na si Jungwon sa harap ng gate ng school namin.

Kakarating ko lang sa school at medyo  napa-aga pa nga ako. Pero okay na din yon kaysa naman ma-late ako at mapagsabihan nanaman ng prof.

"O, ang aga mo ata" sabi nya pagkaupo ko sa tabi nya.

"Baket masama ba?" inis na tanong ko sakanya.

"May sinabi ba ko?" tanong nya din.

Bata pa lang kami ay magkaibigan na kami dahil ang nanay nya at ang nanay ko ay magkaibigan. Sanay na kami at ang iba pa naming kaibigan na lagi kaming nag-aasaran.

"Ay! eto pala oh.. nagluto si mama ng paborito mo" kinuha ko na sa bag ko ung tupperware na pinaglagyan ni mama ng sisig.

"Sabihin mo kay tita salamat, nag-abala pa sya" masayang sabi nya pagkabigay ko ng tupperware sakanya.

"Ano ka'ba! parang anak ka na nga nun e"

"Ikaw lang naman di anak ni tita e" pang-aasar nya nanaman sa'akin.

"epal" bulong ko pero sapat na ito para marinig nya.

"𝑇𝑖𝑛𝑔𝑔𝑔! 𝑇𝑖𝑛𝑔𝑔𝑔! 𝑇𝑖𝑛𝑔𝑔𝑔!"

Dali dali kaming pumasok sa aming silid-aralan at muntik pa nga ako madapa dahil tinulak ako ni Jungwon. Ang epal talaga!

𝐓𝐢𝐦𝐞 𝐬𝐤𝐢𝐩..

Nandito kami ngayon ni Riki sa canteen dahil recess na. Madalas.. kami nila Jungwon ang magkakasama na pumunta sa canteen kaso hindi namin sya ngayon kasama dahil nag-overtime ung prof nila.  

"Uyy! alam mo ba.." eto nanaman sya may chismis nanaman!

"Ano nanaman un! ang chismoso mo!"

"Luhh! Di naman sakin galing to! sinabi lang sakin!" defensive na sabi nya.

"Ano ba kasi yon!"

"Eto na nga.. may bago daw na student sa section A! ang pogi daw!"

"Nakita mo na?"

"Hindi pa.. pero pinakita sakin ni Cortez ung insta!"

"Ano?"

"Beh! ang pogi nga! pati ung mga kaibigan!"

"Patingin nga!" hinablot ko sa kanya ung cellphone nya at tinignan ung sinasabi nya.

Hala! ang pogi nga!!

"Ay! Friend ni Jungwon oh" sigaw ko kay Ni-ki.

"Ayy! Oo nga! Baka kilala ni Jungwon yan!"

"Ewan ko.. tanong na lang natin kay Jungwon mamaya" sabi ko sakanya.

"Oh sige! Hintayin nyo nalang ako mamaya, cleaners kasi ako e at may bibigay ako sainyo"

"Sige! Balik na ko sa room ah!" sabi ko sakanya. Naglalakad na ako papunta sa room nang biglang..

"Aray!" bigla ko na lang naramdaman ang pwet ko sa sahig. Ang sakit!

"I'm so sorry! Are you okay?" inilahad nya ang kamay nya at tinulungan akong tumayo.

"Okay lang, di mo naman sadya!" ngumiti na lang ako at nagmadaling lumakad papuntang room.

Hindi talaga okay! Ang sakit ng pwet ko hanggang ngayon, kaso pag sinabi ko naman yun mapagsabihan pa ako ng "maldita"!

Pero... Parang ang familiar ng mukha nya! Ay! Oo! Sya pala un! Ung sinasabi ni Riki kanina! Ung bagong student sa section A!

Nakapasok na ko sa classroom at buti naman wala pa ung prof!

---

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Give me a ChanceWhere stories live. Discover now