ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Anna mula sa kanyang ina nang makapasok ito sa kanyang k'warto. Hindi nakaimik ang dalaga dahil sa labis niyang pagkabigla.
"Wala kaming ibang gusto sa 'yo ng Dad mo kung 'di ang ikabubuti mo lang tapos ito ang gagawin mo sa amin?" At hinampas sa kanyang mukha ang isang papel.
"Sinabi na namin sa 'yo na hindi ka papakainin ng pagsusulat mong 'yan pero ano ang ginawa mo?" tanong ng kanyang ina na galit na galit at tinuturo ang papel na hinampas sa kanyang mukha. "Wala kang utang na loob! Matapos ka naming bihisan, buhayin at ibigay ang lahat ng kailangan mo ganito ang isusukli mo sa amin ng Dad mo? Nang dahil sa lintik na pagsusulat na 'yan nagawa mo kaming suwayin!"
Napatingin si Anna sa sahig kung saan naroon ang sulat at nakita niya ang selyo ng UP-Diliman, kahit na hindi niya iyon basahin alam niya kung ano ang nilalaman noon. Nang sandaling iyon umalingawngaw sa kanyang alaala ang sinabi ng binata sa kanya noong nasa London ito.
"You should not let anyone dictate your life. The only one responsible for your life is you not anyone nor your family."
Huminga nang malalim si Anna bago hinarap ang nanggagalaiti sa galit niyang ina.
"Mom, alam ko po ginagawa niyo ang lahat para sa akin ni Dad pero sa pagsusulat lang po ako masaya sana naman maunawaan niyo po ako," mahinahong pagsusumamo ni Anna sa kanyang ina.
"Alam mo pala na ginagawa namin ang lahat para sa 'yo kaya bakit mo kami kailangan na suwayin? Bakit kailangan mong ipagpilitan ang pagsusulat na 'yan na wala namang ginagawang mabuti para sa 'yo? Panira lang ang pagsusulat na 'yan sa buhay mo!" saad ng kanyang ina sa mataas na boses.
Hindi matanggap at hindi na kaya ni Anna ang magtimpi. Masyado na siyang nasasaktan sa mga pinagsasabi ng kanyang ina.
"Panira? Talaga ba, Mom?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa kanyang ina.
"Oo! Panira talaga 'yang pagsusulat na 'yan sa buhay mo! Sa buhay nating lahat! Kung hindi dahil sa lintik at basurang pagsusulat na 'yan hindi tayo magkakaganito!"
"Mom, hindi basura ang pagsusulat!" mariing tutol ni Anna at kasabay noon ay ang pagkawala ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. "Ito na nga lang po nagpapasaya sa akin pati ba naman ito gusto niyong alisin sa akin tulad ng ginawa mong pag-alis sa akin ng tatay?" garalgal na tanong niya. "Ano pa ba ang gusto mong alisin sa akin, Mom?"
"Hindi pa ba sapat na nandito na ang Daddy Hugo mo at gusto mo pa rin makasama ang wala mong k'wentang ama? Hindi pa ba sapat ang ibinibigay niya sa 'yo at hindi mo magawang kalimutan ang palamunin mong ama?"
Napakuyom ng kamay si Anna sa masasakit at mapanirang salitang lumalabas sa bibig ng kanyang ina sa sarili at tunay niyang ama.
"Kaya ba nagawa mong iwan si Tatay dahil hindi niya maibigay ang mga bagay na kaya ngayon na ibigay ni Dad sa 'yo?" tiim-bagang tanong ng dalaga na may mga malalalim na paghinga. "Mahal ka ni Tatay pero nagawa mo siyang ipagpalit para sa sarili mong kaginhawaan."
"Bakit sa tingin mo mabubuhay ba ako ng pagmamahal? Mabubusog ba ako ng pagmamahal niya? Hindi 'di ba? Hindi!" mariing sigaw ng kanyang ina. "Kung nagtiyaga tayo sa tatay mong walang k'wenta pare-pareho tayong mamatay sa gutom!"
"Bakit, Mom? Ano ba ang mahalaga sa 'yo? Pera? Puro ka na lang pera pera! Wala kang ibang gusto kung 'di pera!" walang pagtitimping sagot ni Anna sa kanyang ina.
Muli, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Anna dahilan para maibaling ang kanyang mukhang sa kabilang direksyon. "Alam mo ba pinagsasabi mo?" nanggagalaiting tanong ng kanyang ina.
Nabigla man ay mabilis na ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili at hinarap ang kanyang ina nang buo at may lakas ng loob.
"Magmamaang-mangan pa ba tayo, Mom? Hindi ba't inasawa mo lang naman si Dad dahil sa mayaman siya kung hindi siya mayaman tulad ni Tatay sa tingin mo ba aasawahin mo si Dad?" masamang loob na tanong ni Anna sa kanyang ina na siyang ikinabigla nito.
BINABASA MO ANG
My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)
Romance(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Anna Quinn is an adventurer who loves to travel to new places not only for the sake of adventure, but also to gather information for her novel. Her passion for literat...