Y/N POV
Nagising ako dahil umiiba pakiramdam ko.
Pumasok ako ng banyo at biglang sumuka
Ano ba nakain ko?
Paglabas ko ng banyo ay tumingin ako ng orasan. Alas-5 pa ng umaga
Hindi na rin ako makabalik ng tulog kaya bumaba nalang ako at naghanda ng aking almusal
Nagluto ako ng itlog, nagsaing ng kanin at nagtimpla na rin ng kape
Parang tulog pa ata si Rosa
"Good morning" pagtalikod ko, gising na pala siya
"Handa na almusal, magtimpla ka nalang ng kape mo" sabi ko sa kanya
"Ang aga mo naman ata?" tanong niya sa akin
"Umiba pakiramdam ko eh, di kaya to sa kinain natin kagabi?"
"Bakit? Na ano ka ba?"
"Nagsusuka ako kanina pag gising ko"
"Hala ka baka buntis ka"
"Baliw, anong buntis? Pero di nga, saan mo ba kasi binili yung burger kagabi?" tanong ko ulit
"Hindi ko rin alam. Binigay lang yun ni Paco sa akin kagabi eh pero baka nga dahil sa burger kasi grabe yung pagtatae ko kagabi. Basa siya"
"Hahaha ano ba yan, Rosa? Kumakain ako" sabi ko at tinawanan niya lang ako
"Ay sorry."
Pagkatapos ay sinamahan na niya rin akong mag almusal.
-
Binuksan na namin ang clinic at kakaabot palang ni Paco
"Good morning everybody!" bati niya sa amin
"Ganda ata ng gising mo ah?" tanong ni Rosa
"Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako ngayon?"
"Ito na naman, nag aaway nanaman tong mga to" sabi ko
"Alam mo Y/N, may good news ako sa iyo" sabi ni Paco
"Oh ano?"
"Alam mo bang may nagpapa hi sa iyo?"
"Oh? Sino ba yan?"
"Yung artista ba yun?" sumbat ni Rosa
"Ano? Sinong artista?" tanong ko ulit
"Luis pangalan niya" banggit ni Paco
"Gonzales?" tanong ko at tumango sila
"Yung katambalan ni Gloria Romero?" tumango ulit sila
"Eh di ba sila?" tanong ko nanaman
"Magpapa hi ba yun sa iyo kung may kasintahan na? Gusto ngang magpakilala eh" sabi ni Rosa
"Ewan ko sa inyo" at nag-ayos na ako sa aking lamesa
Ito talagang dalawa, puro mga biro
"Nakita ka kasi raw sa isang dyaryo. Siyempre, sa sobrang ganda mo eh nahumaling yung artista" paliwanag naman ni Paco
"Alam mo Paco, maya na tayo mag usap niyan at marami pang pasyenteng nakaabang sa labas" sabi ko naman
Bago pa man niya papapasukin yung iba, sumama nanaman ang aking pakiramdam.
Tumakbo ako sa banyo at nagsuka
Nako naman kasi kung saan saan pa napulot ni Paco iyong burger kagabi
Bumalik na ako sa loob
"Oh, ano yun?" tanong ni Paco
"Nagsuka nanaman" sagot ni Rosa
"Hala? Buntis?" taka ni Paco at nagtinginan silang dalawa.
"Alam niyo kung ano ano nanaman iyang iniisip niyo" sabi ko sa kanila.
Hindi naman siguro