Chapter 19

407 19 19
                                    


Imelda POV

Unti unti ko nang nakikita si Ferdinand na nangangampanya para sa pagtakbo niya sa susunod na halalan bilang isang senador. Balak ko sanang mangampanya kasama niya pero wala matitira dito na kasama ng mga bata

May nakuha na sana kaming katulong pero umuwi sa kanila't di na bumalik kaya balik nanaman ako sa pag-iisa

"Are you sure, sweetheart? Okay lang sa iyo?" tanong sa akin ni Ferdinand

"Okay lang sweetheart, ito naman din ginagawa ko dati. Mas mabuti nga ngayon kasi malalaki na yung mga bata. Si Irene nalang yung kailangan bantayan masyado" sabi ko sa kaniya.

"Sige, sabi mo. Mauuna na ako sweetheart. Idadaan ko na rin itong dalawa sa school" paalam ni Ferdinand at nauna na silang tatlo

Kami nalang naiwan ni baby Irene

Pumasok na kami sa loob at ako'y naglinis na lang rin sa bahay habang inilagay ko si Irene sa kaniyang crib

Maya maya ay narinig kong umiiyak ito

Nilapitan at kinarga

Pag karga ko ay naramadaman kong ang init init. Parang may lagnat ata

Medyo nataranta ako kasi wala akong gamot pambata dito kaya tumawag ako sa aming telepono

"Hello?" sagot ng kabilang linya

"Hello Paco, pwede mo ba kaming sunduin dito ni Irene? Mukhang mataas ata ang lagnat" sabi ko sa kanya

"Ay oo sige, papunta na" at ibinaba ang telepono

--

Mga ilang minuto ay dumating na rin si Paco at bumyahe kami ulit patungong San Fernando. Mga 15 minutes lang galing San Juan.

Pag- abot namin doon at pumasok na, naka abang si Y/N

"Anong nangyari kay baby Celestine?" sabi niya

"Naku ang init init. Mataas ata ang lagnat" sagot ko

"Ngayon lang ba to? Sige teka lang ha" sabi niya, umalis nang may kukunin

"Ito gamot at resetea. Iinoman niya to every four hours para mawala yung init at lagnat ng katawan tapos..." bago pa lang niya matapos ang kaniyang sinasabi ay tumakbo palabas.

Tumingin ako kay Paco

"Pasensiya ka na, iba pakiramdam nun" sagot niya

"So yun nga ito every four hours tapos dapat bago ito iinomin, dapat may may laman ang tiyan ni baby" dagdag ni Paco

"Anong nangyari?" pagtalikod ko ay si Ferdinand at ikinarga si Irene

"Lagnat lang sweetheart"

"Pasensiya ka na Imelda, tinawagan ko na siya para ipaalam" sabi ni Paco

"Okay lang, nagpaaalam rin naman ako dun. Yun lang ba sweetheart? Lagnat lang?" tanong ni Ferdinand ulit

Pumasok na ulit si Y/N

"Congressman..." nabigla siya

"Doktora..." sabi ni Ferdinand

"Magkano ba lahat?" dagdag niya

"Di, okay lang. Libre na iyan" sabi ni Y/N

"Salamat. Siya mauna na kami, salamat ulit" nagpaalam si Ferdinand at umuwi na kami

Tahimik ang byahe namin pag- uwi

-

"Sana ako yung una mong tinawagan sweetheart" sabi ni Ferdinand nang pag baba namin sa sasakyan

"Ayokong madistorbo ka sweetheart. At saka, mas madali naman ding si Paco yung tinawagan ko" sagot ko

"Kahit na, dali naman akong pupunta"

Bakit ba to namimilit? O gusto niya lang talagang makita si Y/N?

Hay nako Imelda, okay ka na. Nagseselos ka nanaman

"Sige, sa susunod" sabi ko sa kaniya

"Sige sweetheart, babalik na ako sa trabaho. Okay na ba kayo dito?" tanong niya

"Oo, ako na bahala dito"

At tuluyan na siyang umalis

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon