REIN POV•
Halos limang oras na kaming nasa karwahe.
Marami kaming nadadaanang bahay.
May nakikita narin akong mga tao at wow
Ang daming street foods dito
Mabuti nalang nakapunta ako rito sa capital
Kaya lang si mama.
"Ehem..gusto mo bang lumabas? ngunit babalik ka rin isama mo narin yung aide ko nasa harapan" ngiting saad nito
"Talaga po?"masiglang saad ko
May ginto naman ako
"Ngunit wala ka palang pera"saad n'ya na animo'y may kukunin ngunit
"Wag na po mayroon po akong pera" ngiting saad ko
Hinalungkat ko ang maliit kong bag at nilabas ang supot
Kinuha ko rin ang espada na nasa tabi nang duke.
"Pasensya na po kung makakaistorbo ako"malungkot kong saad
Hindi ko alam naguguilty ako sa hindi malamang dahilan
"Hindi ayos lang may pupuntahan rin ako"saad n'ya
"Teka lang po duke bakit po kayo nasa gubat?"inosenteng tanong ko
"Maghahanap sana kami nang mga halamang gamot para sa aking sugat"saad n'ya at pinakita ang nangingitim nitong braso
Hindi ko sya pwedeng gamutin dahil wala na kami sa gubat.
Aha!
May mga herbs akong dala
Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang mga halamang gamot at iniwan ang may lason.
"Eto po oh"saad ko at inabot ang mga ito
Napatingin dito ang duke at halatang gulat ngunit ngumiti ito
"Maraming salamat"saad n'ya
Napahagikhik ako dahil doon
"Maglilibot po muna ako"ngiting saad ko
Lumabas ako at hinahanap yung shin
"Kuyaa shin nasan ka?"masiglang tawag ko
Hindi ko naman s'ya kilala eh
"Ako ba ang tinatawag mo munting binibini?"tanong nang isang gwapong lalaki
"Kayo po ba yung shin?sabi po ni duke samahan n'yo raw po ako sa paglilibot"nakanguso kong saad dahil nahihiya ako
AUTHOR POV•
Kinakausap ni shin ang kutsero dahil titigil muna sila nang may marinig silang cute na boses
"Kuyaa shin nasan kA?"rinig n'yang tawag sa kanya at makikita mong excited na ito
"Ako ba ang tinatawag mo munting binibini?"tanong ni shin at napansin n'yang ito yung batang buhat buhat nang duke
Ngayon lang rin n'ya napansin na sobrang cute nito at itim ang mata at buhok.
"Kayo po ba yung shin?sabi po ni duke samahan n'yo raw po ako sa paglilibot"nakita n'yang napanguso ito na halatang nahihiya
Gusto n'yang pisilin ang mga pisngi nito.
"Saglit kakausapin ko lang si duke"ngiting saad ni shin
Naglakad papasok nang karwahe
"Duke sigurado kabang hindi mo iyon anak?"tanong ni shin
Ngunit ang kanyang kausap na duke ay tinitingnan ang mga halamang gamot
Napatingin rin si shin doon
"Saan yan nanggaling hindi bat hindi kayo naka abot sa gitna wag mo sabihing....."nanlalaking matang saad ni shin
Tumango lang duke
"Sinabi mo bang sasamahan ko yung bata?"Tanong uli ni shin
"May sarili s'yang pera at alam n'ya kung saan babalik"saad na lamang nang duke
Napatango tango nalang si shin
At nag paalam na sa dukeIniisip n'yang baka anak nang duke ang bata ngunit masungit yun at masiyahin ang bata.
"Munting binibini ano ang iyong pangalan?at san ka nanggaling?"tanong ni shin kay rien
Naglalakad sila ngayon at magkahawak kamay.
"Rien po kuya shin at nakatira po ako sa gitna nang gubat ngunit pumanaw po ang aking nanay kanina hindi ko naman po kilala ang tatay ko" saad ni rien
Nalungkot si shin sa narinig
Ngunit naisip nya hindi kaya anak talaga ito ni duke?
"Andito lang si kuya shin"ngiting saad ni shin at dinala si rien sa isang stall
Napatango tango lamang si rien
Nilibot n'ya ang kanyang paningin at hindi maiwasang mapangiti.
Dahil na kahit nasa mababang antas ang mga ito ay nakakapagsaya sila na parang walang problema.
Ang mga paslit na katulad nya ay naglalaro nang taya-tayaan.
Napapansin ni shin ang mga ngiti ni rien habang nagmamasid sa mga tao sa bayan nila.
Hindi mapapagkailang naaawa si shin sa munting binibini dahil halatang ngayon lang nakalabas nang gubat.
"Kuya bibili po ako nito"saad ni rien nakatingin sa parang isaw isaw.
"Ilan gusto mo?"saad ng tindero
"Sampu po kuya"ngiting saad ni shin at pinakita ang dalawang kamay.
Napangiti naman ang tindero dahil sa kakyutan nang bata.
Halatang may kaya ang kasama nito ngunit ang damit nang bata ay parang sa katulad lamang nila.
Makalipas ang ilang saglit ay luto na.
"Magkano po?"Tanong ni rien
Nakatingin lamang si shin hindi n'ya gustong makisingit dahil halatang excited si rein.
"Isang pilak lamang munting binibini"ngiting saad nang tindero
Napaisip naman si rien kinuha ang supot n'ya at kumuha nang dalwang ginto
Inabot n'ya ito sa tindero
"Na'ko binibini sobra ito"gulat na saad nang tindero
"Hindi po ayos lamang po iyan kung may dumaan pong mga bata na katulad ko na kailangan nang makakain bigyan nyo na lamang po sila"ngiting saad ni rien
Parang kung anong tumunaw sa puso nang tindero dahil sa narinig.
Ang isang ginto ay halos pang isang buwan na nilang pagkain.
"Sige makakaasa ka"ngiting saad nang tindero.
Si shin ay napangiti dahil sa bait nang munting binibini ngunit nawala ito na baka dahil sa kabaitan ng kanyang munting binibini ay maisahan s'ya.
YOU ARE READING
REINCARNATION :REIN FRIXA SARIEL
RandomAno nalang ang gagawin mo kung mapunta ka sa kakaibang mundo? REIN FRIXA SARIEL isang babaeng maraming sikreto ngunit bigla na lamang namatay. ¹² ¹⁵ ²¹