Chapter 6: Confirm.
Cedies POV"Hindi naman kailangang minu-minuto eh nag-uusap kayo. When you love someone You always have this certain connection that you feel, parang yung magkakambal, kapag nararamdaman nung isa ay malungkot siya ganun din ang nararamdaman ng isa. Hindi man buong-buo pero meron padin itong konting paramdam." Payo ko kay Chloe. Magkausap kami ngayon sa cellphone.
Hindi ba tama naman ako? Eh ganun naman talaga sa mga teleserye. Kapag naaksidente o nabaril ang leading man ng protagonist eh biglang may mababasag na bagay ang bida, it's either baso or picture frame.
"Ang OA mo kapatid. Ang sabi ko lang namimiss ko si Nico. Masyado mong nilalaliman ang hindi naman masyadong malalim. Ikaw ha, parang may pinaghuhugutan ka. Meron na bang nagpapatibok sa iyong natutulog na puso?"
"Sino kaya OA satin niyan? Masyado mong nilalagyan ng kulay ang wala namang kulay. Siguro mataas grade mo sa Arts nung kinder, ang galling mo magbigay kulay sa mga sinasabi ko eh."
"Asus. Ikaw sa Gardening, mahilig kang maghukay eh." Sagot naman ni Chloe.
"Gusto mo ipaghukay na kita?"
"Ito namang si kuya di mabiro. Ay may good news ako! Baka pumunta kami Bukas ni Nico diyan sa Baguio!" bipolar talaga to.
"Talaga? Hindi ko alam kung excited ako o malulungkot." Pang-aasar ko sakanya.
"Lintik na. Di mo ba ako namimiss?!"
"Hahahaha! Joke lang ito namang si Ate di mabiro."
Matapos ang mahabang pag-uusap naming magkaibigan ay tinapos na naming ito at nagkasundo na magkikita nalang sa Burnham Park, doon din daw kasi sila makikipagkita sa kaibigan ni Nico na kanila namang tutuluyan.
Ipakikilala ko na din si luke kay Chloe. Dahil ayoko namang magmukhang walang manners, sakanya ako nakikitira tapos hindi ko siya ipakikilala kahit kaibigan man lang? hindi ba't sobrang kabastusan naman yun at walang utang na loob. Next time ipakikilala ko na siya as my Boyfriend okaya lawfully wedded husband, assuming here.
At dahil wala ako alam gawin sa na productive at makakapagpawala sa boredom ko napagpasyahan kong manood na lamang ng telebisyon. Kasalanan ito ng klima, masyadong malamig para maging masipag.
Nine na pala ng umaga. Kanina pang Six ng umaga umalis ng bahay si Luke para mag-gym ah? Hindi pa kaya sumasakit katawan nun. Baka maging anorexic na siya kapag di pa umuwi yun.
Yaman din lamang at napag-uusapan na si Luke, hindi ko parin lubos maisip na ganoon kabilis ang mga pangyayari. Sinabi niya nung isang gabi na liligawan 'daw' niya ako. The malandi inside me ay biglang kinilig ng sobra. Hindi naman talaga ako yung tipo na pa-girl, I mean yung pakipot. Mas lalong Hindi rin naman ako yung tipo na kaladkarin. Naniniwala kasi ako na kapag mahal ko na yung tao bakit ko pa patatagalina ang proseso, hindi naman ako Government Office para gawin yun. Tsaka madaming panahon at oras ang mawawaldas dahil lang sa pinapatagal ko pa ito. Hindi ko naman sinasabi na ang panliligaw ay isang kaartehan lamang. Sariling pananaw ko lamang sa buhay ang nilalathala ko ditto.
Madami ding nagsasabi na kaya daw nila pinapatagal ang panliligaw ay dahil masarap ito sa pakiramdam lalo na kapag gumagawa ng effort ang manliligaw nila. Sabi ko naman, pwede namang maranasan ang masarap sa pakiramdam na iyon kapag kayo, ang ibig kong sabihin ay effort. Kung tunay niyong mahal ang isa't-isa, sigurado pareho kayong gagawa ng effort upang lagging makulay ang relasyon ninyo.
Yung iba kasi kapag nagging sila na eh mga simpleng bagay na lamang ang ginagawa. Wala na masyadong effort kasi alam nila sila na.
Confirm, tama nga si chloe na gardening ang paborito kong subject. Lumalim nanaman ang mga lumalabas sa isip ko. Masyadong malawig ang mga ito. mlakas maka-Papa Jack
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Подростковая литератураThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...