Stella's POV.
"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay!" We are currently drinking at the terrace, and as usual, huling el bimbo ang kinakanta nila. Lahat sila ay umiinom maliban sa akin. I don't know why pero hindi ako komportableng uminom sa resort na 'to.
"Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay! Lalalalaaaaaa!" Patuloy pa rin sila sa pagkanta nila. Ako, nandito lang din sa lamesa kung saan sila nag-iinom. Namumulutan lang.
Tumingin ako sa kanan at muling in-admire ang paligid. Dinama ko ang simoy ng hangin ng gabi at hinayaang hampasan nito ang naka-lugay kong buhok.
Napadako ang tingin ko sa infinity pool na ngayon ay may ilaw na dahil madilim na. Muli kong naalala ang nakita ko kanina sa wave pool kaya napaiwas ang aking tingin at muling dumapo sa lamesang nasa harap ko.
Huwag kang kabahan, Stella. Ang dami mo nang nakitang ganyan tapos ngayon ka pa matatakot? Baka naman dating babae lang 'yon na nalunod dito sa resort noon. Ang dami mong kasama oh, wag kang matakot.
Nasa gitna ako ng pagpapakalma ko sa aking sarili nang maramdaman ko na may dumampot sa hawak kong Bread Pan.
"Absent minded na naman po si Stella." Sabi ni Kuya Vince na siyang katabi ko at kumuha din ng Bread Pan.
"Baka naman antok na. Alas-diyes na." Sabi naman ni Mae na tinuro pa ang wall clock dito sa may terrace.
Doon ko lang din napansin ang oras. No wonder why naghihikab ako kanina. Inaantok na ako.
"Antok ka na?" Tanong ni Ann na nasa kabilang gilid ko. Tumango ako sa kaniya at tumayo.
"Sibat na ako. Antok na din eh." Sabi ko sa kanila at tumayo na para pumasok sa loob.
Pagpasok ko sa kwarto namin ni Ann ay pumunta na ako sa kama ko. Umupo ako doon at kinuha ang cellphone ko sa sling bag ko. Nang makuha ko ito ay humiga na ako sa kama. Antok na daw pero nagcecellphone? Ironic.
Binuksan ko ang Instagram ko at at una kong napansin ang story ni Aira. Pinicturan niya yung red na gate sa labas. Tapos ang caption ay 'Thanatos Resort.' Gano'n din ang iba. Karamihan ay yung infinity pool ang nasa story nila. Ang hindi lang nag-post ay kami ni Jhon. Nakalimutan kong mag-picture kanina.
Ibinaba ko ang aking cellphone para ipahinga ang aking mata. Naririnig ko ang pagkanta nila at ang kanilang paagsisigawan. Sa dami nang nangyari sa araw na ito, hindi ko sila ma-absorb lahat.
Minulat ko ang aking mata at hinanap ang kumot. Nakita ko ang mga kumot sa kabilang kama at tumayo ako para kunin ito.
Nang makuha ko ito ay bumalik ako sa kama at humiga para tuluyan ng matulog. Chinat ko si Papa at Mama na payapa kaming nakadating dito sa resort at sinabing matutulog na ako.
Tumayo akong muli para patayin ang ilaw at humiga na para matulog. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.
NAGISING ako dahil sa hindi malamang dahilan. Tumingin ako sa bintana at nakitang madilim pa. Tumingin naman ako sa kabilang kama at nakitang natutulog na din si Ann. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at tiningnan kung ano na ang oras. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitaang alas-tres na ng umaga.
Bumaba ako sa kama at kinuha ang water bottle ko. Nang maka-inom ako ay lumabas ako ng kwarto para umihi.
Pagkalabas ko ng kwarto ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Tiningnan ko ang terrace pero hindi ko na ito makita dahil sarado na ang pinto. Gano'n din ang mga kurtina ng bintana na nakababa na.
YOU ARE READING
The Vacation
Mystery / ThrillerSince it's summer and everyone's work is over, the squad thought of having a vacation at a resort in Batangas. But the supposedly happy vacation of the De Guzman cousins turned into a hell nightmare due to the death of one of them. Was it just an...