MIKHA'S POV
"Okay ka lang bunso?" Tanong ni Kuya Jl sa akin at inakbayan ako, tumango naman ako bilang sagot.
"Matagal na namin kaibigan si Gwen at Akira, kami na ni Kuya Jl mo na ang bahala kumausap kay Akira" Seryosong usap ni Ate Maloi at tumingin sa akin
"Kahit naman kausapin mo yon, wala pa rin naman magbabago, piloto pa rin ako ate" Nasabi ko na lang kay Ate Maloi, tumaas naman ang isang kilay niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Bukod sa attorney tong babaeng nasa harap ko, ate ko rin to at ayokong nagtataray sa akin to, mas natatakot pa ako rito kaysa sa kuya ni Aiah e.
"Anong kinalaman ng trabaho mo sa nararamdaman mo kay Aiah?" Mataray na tanong pa niya. "Kung mahal mo si Aiah kahit ano pang sabihin o gawin ng pamilya niya, ipaglalaban mo siya" Dagdag pa niya.
"Kaya kong gawin yon pero ayoko pa rin makasira ng pamilya" Nasabi ko na lang
"E bakit tinuloy mo pa?" Iritableng tanong niya pa. Natahimik naman ako at hindi malaman ang isasagot. "Yan ang attorney" Biglang usap ni Stacey kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Wala ka pala Mikha e" Dagdag pa ni Jhoana. Ano pa nga na aasahan ko sa dalawang magjowa na to?. Napangiti naman si Ate Maloi kaya hindi ko na sila pinansin.
"Mikha, ang daming pwedeng mangyari, pero ang gusto lang namin ng ate Maloi mo na lagi mong tatandaan na wala kang sinira at wala kang masisira na pamilya, wala kang kasalanan. Kasama mo kami sa lahat ng pwedeng mangyari" Seryosong usap ni Kuya Jl habang akbay akbay ako. Mabuti na lang din talaga hindi tumandang dalaga tong ate ko, bukod sa pamangkin ko, may bayaw ako na maasahan ko rin kahit minsan parehas silang baliw ni Ate.
"Hmm, salamat. Una na ako, may flight pa ako bukas" Paalam ko sa kanila at naglakad na palabas ng bar ni kuya Jl.
_____________________
Nang makarating sa bahay ang mga Arceta ay agad na nagpunta ang magkapatid sa garden area at doon hinarap ni Akira ang bunsong kapatid.
"Hindi ako makapaniwalang tinago mo sa akin to, Maraiah" Panimula ng kuya niya habang nagpabalik balik sa garden
"Anong pumasok sa isip mo at nakipag relasyon ka sa isang —-
"Babae?" Biglang usap ni Aiah ng harapin niya ang kuya niyang hindi pa rin makapaniwala sa mga nalaman.
"Piloto" Madiin na sagot ni Akira sa kapatid.
"Kuya naman, hindi pa ba talaga tayo tapos diyan?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Aiah sa kuya niya. "Oo, piloto si Mikha pero wala naman kinalaman ang trabaho niya sa nararamdaman namin pareho" Mangiyak ngiyak ng sagot ni Aiah sa kuya Akira niya. Bigla naman nagbago ang ekspresyon ni Akira ng makita ang mangiyak ngiyak na mata ng bunsong kapatid.
"Alam niya ang isyu ng pamilyang to. Parehas kaming nagdalawang isip pero mas nanaig pa rin yung nararamdaman namin. Pwede bang maging ganon na lang din tayo? Pwede bang wag na tayong magpadaig sa mga nakaraan natin? Pwede bang huwag na natin ipilit na dalhin ang mga nangyari kay daddy noon sa ngayon?" Umiiyak ng tanong ni Aiah sa kapatid niya. Tuluyan naman ng lumambot ang kaninang galit na si Akira ng makita ang kapatid na umiiyak.
"Mahal mo ba talaga si Mikha?" Seryosong tanong ni Akira sa bunsong kapatid. Napatango naman si Aiah. "Mahal na mahal, kuya" Sagot niya tsaka ngumiti sa kapatid.
"Paano si Mommy?" Biglang tanong ni Akira sa kapatid, mas lalo naman napaiyak si Aiah ng maisip ang posibleng maramdaman ng kaniyang mommy kapag nalaman na rin niya ang relasyon niya kay Mikha, na nagkataon na isa rin piloto gaya ng yumao nitong asawa.
"Maraiah, tayong dalawa ang iniwan ni Daddy kay Mommy at alam kong alam mo kung ano ang posibleng maramdaman ni Mommy kapag nalaman niya ang relasyon niyo ni Mikha. Hanggang maaari ayokong magpa problema kayo ni mommy dahil hindi ko alam gagawin ko kapag pati kayo magkaproblema" Nangangambang usap ni Akira sa bunsong kapatid.
"Kahit gustuhin natin parehas na huwag na magpadaig sa nakaraan, kahit gustuhin natin kalimutan na lang ang lahat. Babalik at babalik ang lahat ng nangyari noon hanggat kasama mo si Mikha. Hanggat kasama mo si Mikha mas lalo lang lalala ang sitwasyon, sitwasyon na sana hindi na lang sinimulan noon una pa lang" Dagdag pa ni Akira sa kapatid.
"Sinasabi ko to hindi dahil ayoko kay Mikha, ayoko lang na baka pati ikaw magkaroon ng dahilan para magalit kay Mikha" Huling usap pa niya bago tuluyan iwan ang kapatid.
Nagtaka at napaisip naman si Aiah sa huling sinabi ng kuya niya. Saglit pa siyang nanatili sa garden area nila Akira ng bigla siya nakatanggap ng Text galing kay Mikha.
Hi, Love. Nakauwi na ako, sana okay ka lang, sana okay lang kayo ni Kuya Akira.
May flight ako bukas pero don't worry, sayo at sayo pa rin ako uuwi, Love.
Mahal na mahal kita, Queen.
Hmm, Love. Kasama mo ko sa lahat, alam mo naman yon, laban natin parehas to kaya kapit lang
Pahinga ka na, Hintayin ko na lang text at tawag mo
I love you, Good night.
Mas lalo naman naiyak ang dalaga ng mabasa ang mensaheng natanggap mula sa kaniyang nobya. Mas lalo naman siyang naiyak ng makita ang picture nilang dalawa ni Mikha na magkayakap sa kaniyang wallpaper.
"I'm sorry"
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...