Pagmamahal sa Pananaw ng Agham

318 1 0
                                    

Hindi maipagkakailang ang damdamin ay isang makapangyarihang impluwensya sa ating pagkatao. Damdaming maaring magpasaya o ikalungkot ng isang indibidwal, madalas ay nakadepende sa sidhi ng emosyon. Ang pagmamahal ay isa sa mga damdaming ito, ang kawilihan ng ating puso't kaluluwa. Ito ang madalas na magbigay-ngiti sa ating mga labi at luha sa ating mga mata. Nagbibigay rin ito ng tagumpay sa naniniwala at nakakaramdam nito ngunit sakit at pighati ang mga natatanggap ng mga binigo nito. Sa kasalukuyang henerasyon, ang pagmamahal ay isa na sa batayan nila sa paggawa ng desisyon. Ibang klaseng emosyon na kakaiba ang epekto sa tao. Ibang klaseng emosyon na kakaiba ang epekto sa tao, iyan ang pag-ibig. Ang pagmamahal ay hindi lamang basta isang masidhing damdamin o isang kabaliwang di nagmimintis sa biktima nito, kundi isang makulay at mapaglarong karanasan na tila di maipaliwanag ninoman. Saan ba nagmumula ang napakaalab na pwersang ito? Ang emosyon na mula sa kabog ng dibdib, bakit kay sidhi?

Hindi madaling lumilipas ang isang damdaming na kadalasa'y nababansagang wagas. Ipinadarama sa pamamagitan ng mga pangakong kay tamisa at mga ngiting walang pagtatambis. Kabilang ito sa mga alalaang tila kailanma'y di maalis. Inspirasyon sa lahat ng ginagawa, kung kaya't tagumpay ay kay bilis nakakamit. Pag-ibig ang salarin at tinuturo kung bakit.

Sa kabilang banda, marami ang nasaktan at umasa sa larong di kinawilihan ng ilan. Maraming pusong nasira, naiwang luhaan. Ganito kadalasan ang ekspresyon ng mga taong nabibiktima nito. Kahit walang sugat sa panlabas, puso'y tila nagdurugo mu-la kalooban. Sakit at pighati na tila tagos hanggang sa ating mga kaluluwa, di malaman kung bakit nadarama.

Kalakip ng pagtanda ang pagkatutong umibig at magmahal, di lamang para sa salungat na kasarian, ngunit pati rin sa ating mga magulang, kamag-anak, maging sa ating mga kaibigan at kamag-aral. Hindi mawaring damdamin rin ang nadarama. Pagmamahal rin kaya ito? Sa tuwing nakakasama sila, o anong kasabikan at saya rin naman ang nadarama! Iba nga ba ito sa pag-ibig na pumukaw sa ating puso't isipan? O kay gulo ng emosyon ng tao!

Ang agham ang magpapaliwanag ang kakaibang damdaming ito. Unawain at tuklasin ang mga pangyayari sa likod ng emosyon ng tao. Siyensya ang hahagilap sa maiilap na tanong ng puso. Mga tanong na nagkatha ng napakaraming paraan upang maipaunawa ang nadarama ng kalooban. Maalis na nga ba ang tanong ng ating nagugulumihanang sarili? Ang pagmamahal, isa nga bang kapangyarihang taglay o isa lamang reaksyon na dumadaloy sa ating katawan?

Sa perspektibo ng agham, ang emosyon ay ipinaliliwanag bilang isang karanasang nahahati sa tatlong aspeto, ang pisyolohikal, kognitibo at personal na ugali. Ang bawat aspeto ng emosyon ay may kanya-kanyang paliwanag sa damdamin ng isang indibidwal, bilang isa ito sa mga pangangailangan na hindi maaring magkulang. Kabilang rin ito sa mga pamantayan ng pagiging malusog ng isang tao. Sa bawat paliwanag, binibigyang-diin ang mga karanasang nadarama sa tuwing ang emosyon ay umiimpluwensya sa pagkatao ng isang indibidwal.

Isa sa mga pangunahing aspeto sa emosyon ay ang pisyolohikal na paliwanag. Ito ang mga pangyayaring naoobserbahansa ating pisikal na katawan. Ayon sa neurology, isang disiplinang nananaliksik at nag-nag-aaral sa utak at mga ugat, ang damdamin ay nakakaapekto sa isang bahagi ng ating nervous system. Ang nervous system ay ang sistemang responsable sa ating mga reaksyon sa stimuli, tulad ng gutom, pagod, antok, at hapdi. Ito ang tuwirang gumagawa ng mga desisyon, kabilang ang lahat ng kognitibong proseso sa ating katawan. Ayon sa mga pananaliksik ng mga siyentipiko, kabilang ang emosyon sa dahilan ng pagiging aktibo nito,kaalinsabay ng takot, gutom, antok at uhaw. Datapwat iba ang epekto ng damdamin sa ating sarili, iisa ang sistemang umiira lupang umaksyon sa ating mga pangangailangan.

Pagbilis ng tibok ng puso, pagpula ng pisngi at labi, at pagpungay ng mata, mga karaniwang karanasang kinabibilangan ng pag-ibig. Ngunit ang paliwanag ng agham, ang dagliang reaksyon ng ANS. Ang pagmamahal sa agham ay inuugnay rin sa mas malalim na koneksyon na nadiskubre ng mga doktorsa ating mga katawan. Di tulad ng pangkaraniwang emosyon, ang pagmamahal ay dahilan rin ng pagkabuhay ng ilang sistemang di aktibo sa isang normal na sitwasyon. Ang sympathetic at parasympathetic nervous system, ang mga bahagi at sangay ng ANS na umiiral lamang sa kaganapang nangangailangan ng kritikal na pag-aanalisa at agresibong paggalaw. Ito ay maaring nagmula sa ating mga ninino na nangangaso ng mga hayop upang kanin. Dahil sa ANS at mga sangay nito, nakagagalaw at nakakadiskararte sila laban sa kanilang mga kakumpetisyon sa paligid. Ang dalawang sangay ng ANS rin ang nagbibigay ng tensyon, kaba, pagkabahala at taranta sa mga sitwasyong mayroong takot, galit o banta sa ating mga buhay. Kapansin-pansing epekto, gaya ng pagpapawis, kilig at gigil ay sinasabi rin na may kaugnayan rito. Sa dami ng mga sistemang ito, paano nagtatagni-nagtatagni-tagni ang mga reaksyon na ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pagmamahal sa Pananaw ng AghamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon