1:30 PM
Mag-isa nang nakatira si Bogart sa isang condo apartment sa Makati.
Ngayon ay 21 anyos siya at nagtatrabaho bilang civil engineer intern.
Day off niya ngayon mula sa trabaho dahil Christmas holidays na. Sa susunod na linggo pa ang uwi nya sa Tarlac kung saan nandoon ang kaniyang pamilya.
Kaya naman ngayon ay papuntang mall si Bogart para pumasyal at kumain sa resto dahil wala siyang magawa sa apartment niya.
Bogart's POV
Papunta akong Ayala malls na simple lang ang suot ko. Naka long sleeve shirt ako na color gray at cargo pants na white with maroon beanie at naka sneakers lang. Bitbit ko ang tote back ko na naglalaman ng lipstick, phone, vaccination card, extra mask, alcohol at iba pang necessities.
Nagsoscroll ako sa tiktok habang kumakain sa food court dahil mas mura dito ang pagkain. Pinasyal ko na ang mall kanina o nag-window shopping bago ako kumain at napansin kong walang pagbabago pagdating sa dami ng tao kumpara sa dati ay pareho lang.
Napailing nalang ako. Hindi talaga natin maiwasan ang mga ganoong bagay dahil sa inip natin na nakakulong lang sa bahay.
Napansin ko rin ang mga taong nakakasalubong ko ay ang gagandang manamit. Amoy mayaman!
Hindi ko maiwasang mainggit dahil maporma sila kumpara sakin na mukang naka pajamas lang lmao fr fr istg ngl tho.
Pero hindi ko masyadong pinatutuunan ng pansin ang mga ganiyang bagay kasi marami pa akong oras para mag-hanap buhay at makabili rin ng mga magagandang damit once na yumaman ako.
Kakatapos ko lang kumain at ngayon ay wala na akong magawa kaya namasyal nalang ulit ako at tumingin tingin ng mga damit.
Habang naglalakad, nadaanan ko ang isang lotto outlet sa gitna.
Hmm...tumaya kaya ako ng lotto. Let's see kung lucky charm ba ako sa pamilya o isang malaking malas lang.
Nagtanong tanong ako kay ateng nagbabantay ng outlet kasi first time ko palang tumaya ng lotto. Ginuide niya ako at sumunod naman ako.
Pumili ako ng limang numero at iyon ang mga birth date ng pamilya ko since anim naman kaming lahat.
Once I finished writing my numbers manually, ibinigay ko na ito sa assistant doon at binayaran ko na ang lotto ticket ko.
Nice! 63M pesos ang jackpot prize.
8:50 PM
Makalipas ang ilang linggo nang tumaya ako ng lotto. Nakaupo ako ngayon sa kama habang nagne-netflix n' chill
Umuwi ako ng Tarlac last week at namasko roon. Marami rin akong napamaskuhan galing sa mga relatives ko kaya may pang-shopping nako.
Charot! Pag-iipunan ko pa yung ireregalo ko sa kanila. O diba, bumalik din sa kanila yung isang libo nila haha lmao.
Ay oo nga pala, maalala ko. Tumaya pala akong lotto last last week and ngayon daw ang draw schedule.
Lumipat na ako sa youtube at sinearch doon ang PCSO live.
9:00 PM
Napaayos ako ng upo dahil nagsisimula na ang live.
Nagsimula nang paikutin ang bilog na stuff na may lottery balls sa loob nito.
Nag-cross fingers ako at nagbabakasakaling swertehin sa unang numero ko.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makapaniwala! Nakuha ko yung unang numero aaaaaaaaaaa! */screams
Kailangan ko nang mag-focus sa next number. Inayos ko ang upo ko at kumuha ng isang dangkal na popcorn.
Napasubo ako sa buong popcorn na iyon nang i-draw nanaman ang next number. Nakuha ko nanaman! Napasigaw ako at napaupo sa floor. Sinuntok ko ito sa sobrang excited.
Makalipas ang ilang draw, same numbers parin ang lumalabas sa screen. Omg! Hindi ko madescribe ang state ko ngayon. Nahila lang naman mga curtains namin. Gulo-gulo lang naman ang sapin ng kama at nasa floor na ang mga unan.
Ito na yung last draw! Napaayos ako ng upo sa floor.
Nag-cross fingers ulit ako, sana swertehin.
Hindi ako makapaniwala, nananaginip ba ko? Totoo ba tong nasa harap ko? Sobra ang pagkagulat ko sa nakikita ko ngayon.
"17"
Lucky number! Nanalo ako ng lotto!
01/01/2022
Nasa family gathering kami ngayon sa Pangasinan. Tuwing new year kami nandito and every year may theme. Ang theme namin ngayon ay squid game. <3
Malaki ang family namin sa father side kaya marami rami din kami.
Nagbibigayan na sila ng gifts. Kaya heto ako ngayon, may nakahandang paper bags sa tabi ko.
Katas ito ng 63M na natanggap ko sa jackpot prize kaya binili ko ito sa pinakamahal na gifts na matatanggap nila.
May mga bagay na alam kong gustong gusto nila kaya kahit pati cellphone bibilin ko para sa kanila.
Mahilig mangolekta si papa ng mga johnnie walker liquors kaya kinumpleto ko na. Pero sabi niya di naman ganoon nasusukat ang pagmamahalan naming magpapamilya. Totoo naman pero gusto ko parin i-share ang nakuha kong blessings.
Mahilig si mama sa mga plants kaya bumili rin ako ng mga mamahalin na worth it din. Si ate naman ay iphone. Sila kuya, gaming set up.
Ako, syempre ang gusto ay magagandang damit para makapag-porma sa mga babae. All I want is to show other people what my fashion style and how good my fashion sense is.
Yung natitira ay gagamitin namin for future purposes. For example ay payment for someone's health issues' treatment, electric bills namin sa bahay, and etc.
Pero ang sabi nga ni papa, hindi sa pera nasusukat ang pagmamahal, sa ugali iyan. Magandang pag-uugali at pagtutulungan ng magkakapatid ay mas ikasasaya nila at wala nang makakatalo doon.
I am very thankful to God that blessings came after me. Thank you so much!
YOU ARE READING
Bogart The Millionaire
Short StoryA story wherein Bogart can pay your bills ps: I don't know anything about lottery and I have no idea how does it work so please bear with my clueless self. All I know is that may roletang iniikot then may lalabas na numbers.