CHAPTER 1

795 31 8
                                    

BIANCA's POV

"B-But Ma'am, I already had lots of revisions there... Dinouble-check ko pa po 'yan bago i-submit sainyo." I said.

I went here at the faculty and passed my papers to Mrs. Ramirez, which is my mother. Yes, she's my mother but I don't call her Mom when we're here, bihira ko lang siya na matawag na Mommy kahit na nasa bahay lang kami sa kadahilanang hindi naman kami gaano nag-uusap dahil hindi kami malapit sa isa't isa.

"Marunong ka pa sa akin? I said revise that." normal naman na matakot ako sakaniya ngayon. Puno ng awtoridad ang boses niya nang sabihin niya iyon. "I'll accept that, but expect too that you'll receive low grades."

I sighed. Ayoko non.

I've got no choice but to nod. Sinabi ko sakaniya na irerevise ko nalang ulit yung ginawa ko.

Tumalikod at lumakad na ako pero nakita ko yung babaeng nakabangga ko kanina. She smiled at me a little, maybe she heared what Mom and I had talked about. I just forced a smile at her too at tuluyan na akong lumabas ng faculty room.

I revised my work when the night comes. Kahit na medyo nahihirapan ako ay ginawa ko nalang. Inabot nanaman ako nang madaling araw habang nirerevise 'yon. Hindi ako inantok dahil kausap ko si Pau. I know he's tired but he still checked on me.

Kinaumagahan ay agad ko na 'yong pinasa kay Mommy sa school.

I just stared at her while she reads some of my papers. Nagdadasal na ako na sana 'wag na niyang ipaulit sakin iyon.

Nakahinga ako nang maluwag nang tumango siya. "Okay. You can go." she said.

I didn't smile but it doesn't mean I'm not happy. I just felt relieved.

I bowed down my head a little and thanked her. "Thank you, M-Ma'am." I said.

Agad kong sinunggaban ng yakap si Paulo nang makalapit ako sakaniya. I hugged him very tight like I don't wanna let him go.

"Anong nangyari?" tanong niya tsaka humawak sa likod ko.

I looked up to him while I'm still hugging him. "Okay na. Mom accepted it!" I said while smiling widely.

Pau just smiled at me too tsaka marahang ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako tsaka humiwalay sa pagkakayakap sakaniya.

"Syempre tatanggapin na ni Tita 'yon. Tinulungan na kita eh. I deserve a treat because I helped you there."

I rolled my eyes at him. Pasalamat siya malakas siya sakin.

I treated Pau on a fast food na malapit lang sa amin. Sinulit ko na rin yung oras na 'yon na magkasama kami dahil hindi ko alam kung kailan ulit siya hindi magiging busy.

"So... Is there anything new? May bago ka bang kanta? Nabanggit mo sakin noon na may sinisimulan ka. Any update?" I asked him while we are eating.

Nagutom din ako at hindi ko na siya nagawa pang tignan habang nagsasalita ako. I dipped the chicken to the sauce tsaka iyon sinubo. Napatigil lang ako nang biglang punasan ni Pau gamit ng tissue yung gilid ng labi ko, pero agad din akong nakabawi at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hindi ko pa natatapos. Inuuna ko muna yung para sa grupo." he said afterwards.

I stopped again for a while. Does he mean, hindi para sa grupo nila yung ginagawa niya noon? Ah, right. Maybe para sa sarili niya. Meron kasi siyang mga kantang ginawa, and he would always tell me he will release it in the future, if he got the chance. Iyon kasi ang pangarap niya eh.

Hindi nalang muna ulit ako nagsalita pa. Besides, sisitahin niya lang ako. Don't talk when your mouth is full daw.

Natapos na kaming kumain ni Pau, sakto rin gabi na, the food we ate already served as our dinner. Saktong paglabas namin ng fast food chain ay may nakabangga akong babaeng naka-cap. I'm about to apologize pero nakilala ko na siya.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon