Naalala ko pa nung una tayong magkita,
Umiiyak ako noon dahil iniwan ako ng taong labis na minahal ko..
Kahit hindi mo ako kilala ay tumabi ka saakin at pinatahan ako...
Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sayo..
Magmula nung araw na yun,
Parang nabuhayan ako at ginanahan akong maging malakas dahil sayo..
Lagi kang nandyan para sakin..at hindi ko inaasahan na sa iisang paaralan lang tayo nag aaral...
Ikaw ang lagi kong kasama...Halos parang kambal nga tayo sa sobrang lapit natin sa isat isa...ni hindi mapaghiwalay...
At isang araw,nahuli mo akong nagsusulat...ayaw ko ipabasa sayo dahil iyon ay isang tula tungkol sayo...
Ngunit pilit mo itong inaagaw saakin hanggang sa nakuha mo.
Bakas ang mga ngiti sa labi mo ng matapos mo itong basahin..
At hindi ko inaasahan ang paglapit mo saakin,
Yinakap mo ako ng mahigpit...at sabay sabi ng mga salitang,
"mahal din kita"..
Dun ko nalaman na mahal na nga kita..
Ayaw tanggapin ng isip ko dahil natatakot ako na baka maulit ang nangyari saakin nung dati..sobra akong nasaktan noon ng iwan ako ng ex ko.
Pero alam kong unti unti nang nawawala iyon at ito'y dahil sayo..
Isang araw,
Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko ng pagkagising ko...
Biglang tumunog ang aking telepono at nakita ko ang iyong mensahe..
*Pare,ngayon ko na tatanungin si Hannah kung maaari bang maging kami*
Labis ang saya ko nung araw na yon..alam ko sa sarili ko na oo ang isasagot ko kapag dumating ang oras na yon..
Hindi ko na pinaalam sakanya na mali ang napadalhan nya ng mensahe dahil ayokong sirain ang plano nya..
Mahal ko sya,mahal na mahal...ayaw ko na syang pakawalan dahil alam ko na sya na ang aking makakatuluyan hanggang sa huling hininga namin...
Ang mamahalin ko ng buong buo..
Kinuha ko pa noon ang litrato nya sa wallet ko..
Hindi nya alam na mayroon syang litrato dito dahil nakakahiya kung malalaman nya pa..
"Mahal na Mahal kita",tanging lumabas sa bibig ko habang tinitingnan ang litrato ng mukha nya..
At dumating ang oras na aking kinatatakutan..
***
tumayo ako sa damuhan kaharap sa puntod nya at pinunas ang aking mga luha..
7 taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit mula nung mawala sya..
Oo tama ka ng narinig..
Nung araw na yon kung kailan nya itatanong saakin kung maaari bang maging kami ay naaksidente ang kanyang sinasakyan na kotse...
Nung una..akala ko isa lang itong panaginip isang nakakatakot na panaginip ngunit unti unti ko nang natatanggap na wala na sya...
Ang sakit sakit..Tinangka ko pang magpakamatay noon dahil wla na din namang silbi ang buhay ko..pero nagpakita sya sa panaginip ko at cnabi na wag na wag ko daw sasayangin ang buhay ko ng dahil lang sakanya.
Nung una iniwan ako ng Ex ko..at ngayon naman..
Iniwan nya din ako...pero ang alam ko...mahal nya ako at mahal ko sya....
Kaya pala takot na akong umibig muli....
Sana pala hindi ko na lang sya pinansin nung una kaming nagkita..para hindi na ako nahulog sakanya...kung alam ko kang sana na ganito ang Mangayayari edi sana
Pinigilan ko na ang aking nararamdaman para sakanya...
Epilogue:
Alam kong masaya na sya sa langit..
At alam kong parati lang syang nandidito para saakin.
"Mahal na mahal kita",
~The End~
BINABASA MO ANG
Afraid to love again
Short StoryThis is just a one shot story...boRed po ako kaya naisipan kong gawin to..