Jasmine's POV
Sobrang pagod ko galing sa trabaho at ang dami rin nagagalit sa akin na sobrang bagal ko daw gawin ang trabaho ko pero nawawala ang galit nila kapag nalalaman nilang buntis ako. Ganoon na ba halata ang umbok ko at marami na nakakapansin? Maglilimang buwan pa lang naman akong buntis ah.
Tinitingnan ko ang reflection sa salamin. "Oo nga. Halata na ngang buntis ako."
Abala ako sa pagtingin ng reflection ko sa salamin ng may narinig akong kumakanta sa labas. Hala, ano iyon?
Evan:
Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Di tulad sayo, imposible
Prinsesa ka, ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayariAt kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kitaParang familiar sa akin ang boses na iyon ah. Lumapit na ako sa may bintana para alamin kung sino ang kumakanta at hindi nga ako nagkamali ng dinig. Hindi lang iyon kasama pa niya ang mga kapatid niya.
Thea:
Ang hirap maging babae
Kung torpe iyong lalaki
Kahit may gusto ka, di mo masabi
Hindi ako iyong tipong, nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaariAt kahit mahal kita
wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kitaEvan and Thea:
At kahit mahal kita (minamahal kita)
Wala akong magagawa (walang magagawa)
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kitaThea:
Suīrán wǒ hěn ài nǐ
Wǒ méi fēnfā gàosu nǐ
Wǒ xīnzhōng yǐ yǒu oh qíng'ài
Dànshì shì wǒ de àiEvan and Thea:
At kahit mahal kita (dà ài nǐ)
Wala akong magagawa (wǒ zhēn dì měi fēn fǎ)
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita
Pangarap lang kita
Pangarap langLumabas na ako ng bahay nang matapos na silang kumanta at lumapit sa kanila.
"Ano 'to, Evan?"
"I told you I'm going to court you but I don't know how to court."
"I also told you that I appreciate everything as long as it's from you."
Sa tagal ko ng kilala si Evan at ang mga kapatid niya ay wala akong ideya na talented pala sila sa pagkanta at instruments.
Ngumiti siya. "Jas, will you be my girlfriend?"
"Agad-agad? Hindi mo lang papatagalin ang pangliligaw mo?" Natawa ako sa sinabi ni Travis.
"Shut up, Travis."
"Pasok na muna kayo." Alok ko sa kanila.
"Thank you but no thanks. Kailangan ko na kasi ang umuwi dahil maaga pa ang pasok ko bukas." Sabi ni Travis.
"Me too. Ayaw kong pagalitan ni dad kapag hindi ako maaga pumunta sa CAS bukas."
"How about you, Thea?"
"Wala naman akong pasok bukas pero 'di ko sinabing gusto kong magstay dito. Ayaw ko maging third wheel kaya sasama ako sayo pauwi, kuya Travis."
"Okay, hatid ko na muna kayo." Binaling niya ang tingin kay Evan. "Anong oras mo susunduin si Eve sa bahay?"
"Hindi ko pa alam kung anong oras ko susunduin si Eve sa inyo. O doon na muna siya sa inyo at ikaw na muna bahala sa kanya."
"Ginawa mong daycare ang bahay ko ah. Oh siya! Alis na kami."
"Sorry, pero babawi ako sayo!"
Pagkaalis ng mga kapatid ni Evan ay sabay na kami pumasok sa loob ng bahay.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
"Yup. How about you?"
"Tapos na rin ako kumain."
"That's good. Um, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko bago umepal si Travis kanina."
Ngumiti ako. "Ano sa tingin mo ang magiging sagot ko?"
"No?"
"Silly. Why would I say no?"
Ngumiti siya ng isang malawak. "Ibig sabihin tayo na? Yes!"
Sinunggaban niya ako ng halik kaya tumugon ako kaagad. Bakit pa ba ako tatanggi, 'di ba?
"Hindi ko alam magaling pala kayo sa pagkanta at pagtugtog ng gitara."
"Hindi sa pagyayabang pero isang musikero ang pamilya namin. Kaso hindi kami sa ganito nakilala."
"Kung isang musikero ang pamilya mo... Ang ibig sabihin magaling rin ang lolo't lola mo?"
"Hindi ako sigurado kay lola kasi hindi ko na siya nakilala pero siguradong sigurado ako kay lolo dahil palagi niya ako kinakantahan bago ako matulog noong maliit pa lang. At saka noong mga bata pa lang kaming apat ay bumuo kami ng isang banda. The Chase Brothers."
"Ang cute. Ano nangyari?"
"Wala lang iyon. Katuwaan lang namin magkakapatid. At saka may gusto rin ako sasabihin sayo."
"Ano 'yon?"
"Noong isang kasi tumawag yung dati kong kasamahan sa trabaho at tinatanong ako kung gusto ko pa bang bumalik sa pagiging seaman. What do you think?"
"Ikaw, kung ano ang desisyon mo. Alam ko naman gusto mo talaga ang bumalik sa pagiging seaman kung 'di lang ganito nangyari sa atin."
"Hindi kaya. Desisyon ko rin ito kaya hindi na ako bumalik sa pagiging seaman."
"Ano pala ang sagot mo sa kanya?"
"Hindi ko pa siya sinasagot."
"Ano pala ang balak mo ngayon? Gusto pa bang bumalik o ayaw na?"
"Gusto kong bumalik dahil iniisip ko para sa future ng mga bata pero wala ako sa tabi nila habang lumalaki sila. Ayaw ko pa naman mangyari iyon."
"Hindi pa naman siguro ako ilalagay sa international pagkapanganak ko. So, bale hindi iisipin ang mga bata kasi kasama nila ako."
"Hindi iyan ang iniisip ko. Kinausap ko na rin si mom na kukuha ng maid para may kasama si Eve kapag wala tayo sa bahay. Pinagkakatiwalaan naman namin 'yon kaya huwag ka magaalala. At saka kapag nanganak ka na pwede ka rin niya tulungan sa pagalaga sa baby natin."
Ngumiti ako. Ang sweet talaga ni Evan. "Paano kung umamin ako sayo, 'no?"
"Baka iyon ang pinakamasayang nangyari sa high school life ko. Ang maging girlfriend ka."
"Hindi mo ba ako yayain magpakasal kung mangyari iyon?"
"Siyempre, yayain kita ng kasal pero kailangan ko rin ang magipon para kasal natin. Gusto ko kasi memorable sa atin ang kasal. Minsan lang mangyari iyon sa buhay natin."
Siguro kung umamin nga talaga ako hindi ko makilala si Brent, hindi magiging miserable ang buhay ko at mas lalong hindi ko itatago sa ibang tao ang relasyon namin ni Evan. Ang hirap ng ginagawa ko dati para hindi makahalata si Brent na umaalis ako ng bahay at limited lang ang pagsasama namin ni Evan para hindi mahuli. Pero ngayon masaya na ako dahil makakasama ko ng matagal ang mag-ama ko.
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...