ikwento mo ang kwento ko CODE: CDM10049394 ni Bibingka :)

90 1 1
                                    

I don't remeber the time na tumigil akong magmahal sa kanya. I don't even remeber the time na nawala siya sa isip ko at kung tatanungin kung ilang beses siyang pumasok sa puso't isip ko? Isang beses lang.. eh kasi, never na siyang umalis dun! ;) Yun eh, banat lang. Siya lang siguro yung taong tipong YOU'LL DO ANYTHING FOR HIM, just to make him happy ang to make him feel na mahal na mahal mo siya. As far as I can remeber, I was at 5th grade nung una akong nagka crush sa kanya. Yung pagpasok mo sa school, una mong iniisip yung bahay nila na nasa tapat lang ng paaralan niyo na kung saan sa terrace siya madalas tumambay. Iniisip mo kung sa pag daan mo nandun na siya hoping na nakatingin siya sayo, iniisip mo rin na sana napapansin karin niya. Madalas sa mga nababasa kong mga love story (at iba gawa ko pa) ang kwento, bestfriend na nag ka inlaban, popular popular sa school. at kung ano ano pang madalas mo ring nakikita sa mga palabas. Ako, love story ko. Simple, pero nakakakilig. Mejo nakakairita pero maappreciate mo rin pag natapos na. Ang gagawin ko, hindi katulad sa ibang mga love story na gawa gawa lang, oh di ka inspired by other people. Ito, sarili kong LOVE STORY WITH MY FIRST TRUE LOVE.

Grade 5 nga ako nun, pero nakuur! Alam ko na yan, pero CRUSH lang naman yun. Walang ibang nasa isip mo kundi anong gagawin mo mamaya sa pag uwi mo, kasi tuwing uwian mo lang naman siya nakikita. Sa private school kasi siya nag aaral habanag ako sa public school lang, nasa tapat lang ng school namim ang bahay nila, kaya madalas ko siyang makita sa terrace na naka tambay mag isa. Madalas ko din siyang inaabangan sa sinasakyan nilang service na cab kung saan kasabay niya yung nakatira sa tapat ng bahay namin na si Angelica, mag kapareho kasi sila nga school at nung sinasakyan nilang service. Alam ko pa kung siya palaging nakaupo at yun naman hanggang ngayon ang favorite kung upuan pag nakasakay ako sa cab(yung last part). Para akong hunghang kakadungaw sa bintana namin makita ko lang siya! At kahit TENGA niya lang ang nakikita ko, yun yung kumukumpleto sa araw ko! :) Ang babaw no? Pero talaga. Panay takas pa ako sa pag swesweep sa room namin makita ko lang siya sa nahay nila. Ganun ako sa kaniya, pero iba siya sakin.

Isang araw nakatambay kami nung mga kaibigan ko at ibang mga grade 6 pupils na kaibigan ko din dun sa kinosonctruct na Makabayan Park. Saktong Saktong kuha! Nandun siya sa terrace nila, pero kasama niya mga pinsan at kapatid niya. ANG GWAPO NIYA TALAGA! :)))) Biglang nagtext sakin yung babae niyang pinsan na friend simula pa nung mga bata pa kami (di ko pa siya kilala) ang sabi..

"Napaka Landi mo naman. From BERDUGO"  tapos isang message pa. "Di ako yun si Kuya Didi Yun" Biglang nag lagablab ang mga apoy. Sobrang nagalit ako sa kanya! Crush nga kita pero hindi ako gumawa ng kahit na anong bagay para mapansin mong may gusto ako sayo. Kung sa inaakala mo na nag papapansin ako sayo hindi. (Pakepot ako e) Sa sobrang galit ko, dun ako sa tapat ng bahay nila dumaan at pinag sisigawan ko siya (alam ko ang OA OA ko pero nagalit talaga ako). 

"Wala kang karapatan tawagin akong malandi kasi never kitang nilandi! Ang kapal naman ng balunbalunan mo para pag sabihan ako ng ganyan! Crush lang kita! Wag kang feeling!" at simula nung araw na yan.. nag simula na akong magalit sa kanya! Syempre, masakit sakin, kasi sa dinami dami pa ng pwede mag salita sayo nun, bakita siya pa? Siya pa na gustong gusto mo? Napag isip isip ako. Baka naging sobrang obvious naman ako sa kanya kaya nasabi niya yun. Pero, a basta! ayaw ko na sa kanya! Ayaw ko na! 

Tapos.. 

Lumipas na ang ilang mga taon, naging schoolmate na kami nung highschool. Syempre hindi ko na ikwekwento yung mga nangyari sakin pagkatapos nung araw na yun kasi nagalit nga ako sa kanya, at saka iba yung buhay ko nung grade 6 kasi waley na siya dun! He's not a part of it enimors! :/ 

Pagpasok ko nung highschool. Di ko naman maiwasang magka gusto nanaman sa kanya, syempre! nung grade 5 nga na inaabangan ko lang siya sobra sobrang pag ka gusto ko sa kanya ano pa kaya ngayong nasa isang paaralan nalang kami. Pero, those years hindi naman masyado di tulad nung una kasi, hanggang ngayon nandun parin yung clash namin. Madalas niya akong tawaging NEGRA at kung ano ano pa tungkol sa kulay ko (aminado ako maitim ako). At ako naman, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para apiapihin lang ng ibang tao, kahit ano pa ka charming ang mukha niya may pangit din sa kanya na pinakamamahal ko, ang tenga niya (weird?naaah, yung pinaka gusto ko talaga sa kanya). Madalas ko namang pambara sa kanya yung salitang DWENDE at BAKLA na madalas pumipikon sa kanya.. 

ikwento mo ang kwento ko CODE: CDM10049394 ni Bibingka :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon