Ang ganda ng gising ng umaga ko sa ngayon. Bumangon ako mula sa pagkahiga sa magulo at madaming unan sa kama. Tumayo ako para hawiin ang kurtinang nakaawang sa bintana kung saan sumisulip si haring araw at nakatutok sa aking higaan. Matapos kong gawin iyon, muli akong bumalik sa pagkahiga at kinuha ang cellphone ko. Chenek ko kung my mga ng mensahe sa akin.. Kung my nakaalala >< wala kahit isa. "Uuugghh" ang lungkot. Araw ng sabado ngaun, walang pasok sa eskwela. Nasa first year college na ako ngaun. Bagong lipat lang kami dito sa bagong tirahan namin, ni wala akong kakilala. At onte pa lang ang mga kapitbahay namin. Bagong gawa kasing subdivision ito. Kaya ito , kapag sumilip ka sa labas tirik ang araw at iilan lang ang taong makikita mo. Ang karamihan nga eh, mga manggagawa pa.
Napagdesisyonan kong humiga na lng uli at ibalot ang aking sarili sa kumot. Habang kinakalikot ang pepon ko sa ig at fb.
Hindi ko namalayan na apat na oras na akong nakahiga. Msiyado akong naaliw sa pag iinternet.
"Tok! Tok! Tok! " lakas na pagkakatok sa pintuan ng kwarto ko. "Neyn , gising ka na ba? Bumangon ka na at mangtatanghaling tapat na.." Medyo my kalaksan ang boses na mami ko.
BINABASA MO ANG
Imagination love
RomanceIba iba ang mararamdaman mo kapag nakita mo ang hinahangaang tao o ultimate crush mo. Mayroong masaya ka, mapapangiti ka, kikiligin at mayroong tatahi-tahimik pero nananaginip na yan ng gising. Makakagawa ka na ng karakter sa isipan mo. My bida un...