Y/N POV
Ilang buwan na din nung una naming pagkilala ni Luis at hanggang ngayon ay lumalabas din kami paminsan minsan. Nagkakamabutihan na kami
"Sige na, ihahatid na kita. Anong klaseng manliligaw naman ako kung hindi kita ihahatid pauwi?" anyaya ni Luis sa akin
Galing kami sa labas kumain
Ayoko nang maabala pa siya. Doon nalang sana ako magpapahatid sa bahay nila Paco kasi medyo malapit dito sa aming kinainan at gabing-gabi na din at madilim na ang daan.
"Sige na, I'll drive slowly. I promise" paniguro niya at ako'y tumango nalang at sumakay na
Pagdating namin sa bahay ay bumaba na ako't nagpasalamat
"Gusto mong dito ka nalang maglipas ng gabi? Ako'y nag aalala talaga at kung mapano ka. Ang dilim dilim pa naman" pag-alala ko
"Hindi na Y/N at maaga pa ang aming taping bukas" sabi nito sa akin
"O sige, sabi mo. Basta dahan dahan ka lang sa pag mamaneho ha?" sabi ko't nagpaalam na siya.
Pagpasok ko sa itaas ay naalala kong may naiwan pala ako kina Paco na hindi na mapapabukas. Tumawag muna ako sa telepono at ipinaalam mo sa kanyang pupunta ako
Bumaba ako ulit at ipinaandar ang aking sasakyan at bumyahe na patungo sa bahay ni Paco
Ferdinand POV
Pumunta ako sa hospital na sinabi sa akin ni Paco
Pagdating ko doon ay nakaabang na ito sa harapan.
Nag park muna ako't bumababa. Nilapitan ko siya't pumasok na kami sa loob ng hospital
Sa loob ng emergency room, nakita ko si Y/N nakahiga sa isang higaan. Nanlaki ang mga mata ko
Ano ito? Anong nangyari?
Lumapit ako sa kama pero hinarangan ako ng isang nars
"Sir, di po kayo pwede lumapit dito"
Kaya umatras kami at pinaupo sa upuan
"Nabangga, papunta pa siya sa bahay" panimula ni Paco. Hindi ako makapaniwala, gusto kong umiyak
"Saan na yung nakabangga?" tanong ko
"Andiyan sa tabing higaan. Dead on arrival" turo niya
"Si Y/N?" tanong ko ulit
"Hindi naman daw gaanong nasaktan gaya nung isang driver pero grabe pagka untog sa ulo. Tinitingnan nila kung may haemorrhage ba o wala" paliwanag ni Paco
"Doctor Paco, Doctor Y/N is fine pero we have to confine her to one our private rooms para ma monitor namin siya for a couple of days" sabi ng isang Doctor sa amin
"Senator..." pakilala niya sa akin at tumango lamang ako
Sinundan na namin siya patungo sa isang kwarto kung saan nila dadalhin si Y/N
Inilipat siya sa kabilang kama at lumabas na ang doctor at mga nurse
"Saan si Rosa?" tanong ko kay Paco
"Umuwi sa probinsya nila kasi nagkasakit yung kuya" sagot nito
"Ako ang tinawagan nila dahil ang card ko ang tanging number na nakita nila sa sasakyan ni Y/N" dagdag naman niya
Buong gabi ay doon lang kami't nagpalipas ng gabi
Paggising ko ay tulog parin si Y/N nang may doktor na pumasok sa silid
Nagising na din si Paco
"Anong bagong balita, dok?" tanong ko
"Senator... Doc Paco... I'm so sorry for your loss" panimula nito
Anong loss? Buhay naman si Y/N ah?
"There seems to have been a miscarriage for Doctor Y/N. Now if you'll excuse me... " paliwanag nito't umalis na din
Nagtinginan kami ni Paco
Miscarriage? Buntis si Y/N?