Prologue

7 1 0
                                    

In life, money is what you need. Kung wala kang pera, wala ka ding kakayahan para protektahan ang dignidad mo.

Kilalanin si Ren John Destinio. The guy who thought that life would be always easy and goes with the flow he wanted. But never did he think about the things that he would go through just to be successful.

Wala siyang pake kung matawag s'yang desperado. Basta ang alam n'ya, masaya siya dahil napapakain n'ya ng tatlong beses sa isang araw ang pamilya n'ya.

‘Yon ang paniniwala n'ya. Alam n'yang mahirap maging mahirap, pero dahil nga wala s'yang hindi gagawin para hindi maibigay ang pangangailangan ng mga Kapatid at Magulang n'ya, lahat ng trabaho ay papasukin n'ya.

Nariyan ang pagiging bartender, daycare teacher, at tindero. Hindi n'ya kahit kailanman dinaing ang pananakit ng kalamnan n'ya. Basta magkapera s'ya kada uuwi s'ya sa bahay nila.

"Anak, hindi ka na kumakain ng maayos, puro ka na lang trabaho, kaya naman ng mga Kapatid mo tiisin na wala silang baon ng isang araw eh." Wika ng Nanay ko.

"Ma, I need to. Kailangan ko gawin. Babayaran ko pa ang renta dito sa bahay."

"Eh bakit ba naman kasi dito pa tayo sa Taguig tumira, eh sanay naman tayong sa kubo tumira. 'Yan tuloy, ang mahal ng babayaran na'tin na sana para sa Tatay mo."

"Ayos lang Ma. Pogi pa din naman anak n'yo." Sabi ko ng nakangisi.

"Naku eto talagang anak ko. Ang hilig magbiro." Sabi n'ya habang pinapakita ang bungisngis n'ya.

"Ma. Gusto ko lang ng magandang kinabukasan para kay Steven at Stephen. Kaya ko naman ho. Sige na ho. Papasok na ako ng trabaho." Tugon ko habang lumabas ng pinto.

Mukhang magiging mahabang araw 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forbidden JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon