Hindi tukoy nina Kiyota at Seki kung ilan segundo, minuto o oras na panay kabog ng kanilang mga dibdib dulot ng kaba na nararamdaman. Hindi rin nawala ang tingin nila sa isa't isa
"May narinig ka ba?"
"Oo meron... doon ata?"
"Baka ibon yon sa puno... ako don ang narinig kong kaluskos"
"Ganito na lang icheck ko yung puno, icheck mo yung sa may damuhan don"
Patuloy pa rin ang kaba na naramdaman ng magkasintahan, dumungaw sila sa bintana sa likod ng kanilang kinauupuan na coach, nang hindi pa rin inaalis ni Kiyota ang kamay nya na nakatakip sa bibig ni Seki. Apat na hakbang na lang mararating na ng isang pulis kung nasaan sila patingala na ito nang magsalita ang isang kasama nila "Oi... sabi ko sayo dito eh... ito pala sila".
"Boys, ano may pasaway na mga dalaga at binata ba dito?"
"Wala naman po Sarge"
"Ganon naman pala. Tara na sa festival""Pero Sarge paano po duty natin dito?"
"Wala naman magtatangka dito... may karatula na nakakabit don sa entrance"
"Sumama na kayo sa amin, manlibre si Sagre..."
"Marami pa chibog sa baba.... Tara na!!"
"Sabagay, baka multo lang bantayan namin dito..."
"Hahaha pulis tayo tapos naniwala ka pa pala sa multo"
"Tigilan nyo na yan...""Salamat sa libre Sarge"
Nawalan ng lakas sa kanilang mga binti sina Kiyota at Seki napaupo sila sa sahig "Hays muntik na tayo don" telepathy nilang dalawa. Minuto na ang lumipas nang tumahimik ang paligid ng magkasintahan. Ramdam ni Kiyota na naiilang si Seki sa kanya kaya may naisip sya paraan para maalis ang ilangan nila"Kung palagi ako ang nasa isip mo.... Hindi na ako magtataka kung mapanaginipan mo ako ... Baby"
Mahina lang ang boses ng binata ngunit rinig na rinig ito ni Seki dahil magkatabi naman sila. May kung ano sa tono ng boses ng nobyo na kinainis nya, hindi nya mawarian kung may kaunting yabang o pang aasar sa pagsasalita nito. Internally, umiling si Seki "Hay nako.... Aminado naman ako may taglay na kayabangan talaga si Kiyota-kun" naalala nya bigla ang isa sa kinaiinisan ng mga kaibigan nito sa kanyang nobyo "Pero kahit na may konting yabang si Kiyota.... Tanggap ko pa rin sya". Sa lalim ng iniisip ng dalaga, hindi nya namalayan na kanina pa sya pinagmamasdan ni Kiyota na pinikit ang kanang mata, sinuri rin nito ang itsura ngayon ng kanyang nobya na mahinang huma hagikgik "Hmmm.... Himala wala effect pang aasar ko...." sa tagal nang pagkakakilala nya kay Seki kabisado nya na ito; ang inaasahan nyang flustered expression ay hindi nya nasilayan bigla nanlaki ang kanyang mata may isa na naman sya ideya na naisip
"Seki-chan.... Don't tell me you're thinking about my hot body.... Tsk Tsk...."
Tinagilid ni Seki ang kanyang ulo, sa isip ni Kiyota mabuti hindi nabalian ng leeg ang nobya nya sa bilis ng kilos nito. Ginalaw ng binata ang kanyang kilay habang hinihintay ang tugon ng kasintahan "Kiyota-kun!!! Pervert ka!!! Hentai... Hentai" pinaghahampas ni Seki ang braso ng nobyo na ngayon ay tawa ng tawa dahil hindi sya nabigo sa kanyang gustong mangyari
"Hahahaha.... Sorry na Baby.... Aray.... Hahaha...."
"Mou..... Meanie!! Hmpp"(Tinalikuran muli ni Seki si Kiyota habang naka krus ang mga braso sa dibdib)
"Inis na yarn??"
"Che!! Huwag mo ako kausapin""Hala.... Uy baby nag joke lang naman ako... kasi ang awkward ng atmosphere natin kanina...."
(Bumalik ang tingin ni Seki kay Kiyota, na sinuri maigi ang pustura ng binata)
"Alam mo pala ang gamit ng salitang 'atmosphere' "
"BABY!!!"
Si Kiyota naman ngayon ang humaba ang nguso sa pang aasar ng nobya, kung nakaharap lang si Kiyota kay Seki mapapansin nya na may amusement ang mga mata nito sa antics na ginawa nya "So, ikaw naman ngayon nagtatampo?", nag nod ang binata na may kasabay pang grunt "Hmmm....". Gusto makaganti ng dalaga sa pang aasar sa kanya kanina "Kiyota-kun..." kinalabit ni Seki ang binata ngunit hindi ito nagsalita kita lang nya na tinignan sya sa gilid ng mga mata nito, indikasyon na nakikinig ito "Alam mo naalala ko tuloy ang sabi ng boys...." nilagay ang index finger sa ilalim ng baba, nagpanggap sya na hindi nakita ang muling pagharap sa kanya ni Kiyota "Ano nga ba yun sabi nila...." nag nod si Seki "Tama...." binigyan nya ng nakakalokong ngiti si Kiyota "Baka kayo nga ni Sakuragi-kun ang may relasyon...." nagtakip sya ng bibig para pigilan ang tuluyang paghagikgik.