KATH POV
Alas 8 na nang makauwi kami ni padills, pagdating namin sa resort naabutan ko si mang berting ang maintainance nang resort na to na nag.aayos nang floating cottage.
Kath: mang berting ! Para san po yan ??
Berting: ikaw pala yan mam, kath, pinaayos po ito sakin ni sir patrick, dito daw kayo mamaya manananghalian.
Kath: hmmm, ganun ba ?!! Nga pala mang berting si daniel kaibigan ko.
Kanina pa kasi nakatingin si mang berting kay daniel baka mamaya kong anu nang iniisip nang matandang to.
Daniel: hello ho mang berting, ako nga ho pala si daniel.
Sabay lahad nang kamay niya. Tinugon naman ito ni mang berting.
Mang berting : magandang araw ho sir daniel.
Kath: sigr na mang berting, pasok na kami.
m.berting: sige po mam kath tapusin ko na po ito.
Tumango nalang ako. Saka nagpaalam na kami ni daniel. Pagpasok namin sa bahay may mabango agad akong naaamoy. Alam ko na , si kuya pat na naman to.
Nagtungo kami sa kusina ni padills. Tama nga, nandun ang mag.asawang abala sa pagluluto.
Kath: ang bango naman niyan.
Agad naman silang napalingon sa amin.
Pat : uyy kath , daniel andiyan na pala kayo. Kumain naba kayo??
Daniel : tapos na bro, sa bundok kami nag.almusal.
Si padills na ang sumagot, busy ako sa pagtikim ee. Haha
Arrisse : kamusta naman ang experience daniel ?!! Masaya ba ?
Daniel: hindi niyo naman sinabi sakin na ganun pala kataas ang aakyatin namin. Nabigla ako dun. Hahaha
Kath : tss , exercise mo narin yun no. Nagrereklamo kapa diyan ee enjoy na enjoy ka naman.
Daniel : alam mo ikaw ?? Napakapikon mo talaga lagi no ?? Lagi kang HB.
Kath: hindi ako pikon, tska anong HB HB yang sinasabi mo ??
Daniel : high blood ! Kong ako ikaw tigilan mo na yang pagkain mo nang karne para hindi kana ma.high blood. Hahahaha
Tumawa siya nang malakas kaya pati si kuya pat at arrisse tumawa nadin.
Kath: ahhh ganun ...
Lumapit ako sa kanya nang dahan dahan.
Daniel : hoyy, anong gagawin mo ??
Pat : daniel, tumakbo kana , parang alam ko na gagawin niya sayo.
Bwisit talaga tong si kuya pat.
Hinabol ko si padills hanggang sala. Nagpaikot ikot kami sa may living room. Takte hindi ko mahabol, ang bilis. At dahil matalino ako, nakaisip ako nang bright idea.Huminto na ako at hinawakan ko ang dibdib ko. Nagkukunwaring sumasakit na ito. Umupo ako nang dahan dahan sa mahabang sofa.
Daniel : anu bernardz pag------ - kath ?? Anong nangyayari sayo ??
Hindi ko siya sinagot. Nagpapangap parin ako.
Mabilis naman siyang lumapit sakin.Daniel : hoyy, kath anong nangyayari sayo?? Hindi kaba makahinga ?? May asthma kaba ?? Anuu??? Asan yong gamot mo???
Alalang alala siya sa bawat tanong niya.
Kath: yong gamot ko ??? . . . . . . . . . . . . . . . . . ito ohhh !!!!!