NAKANGITI akong nagtitipa ng message kay Theo nang mapansin ako ni Nikki.
"Gago, may jowa ka na?" tanong niya sa akin.
Kinakabahan na tinignan ko siya dahil napansin niya pala ako. Nakapasok na ulit ako at normal naman ang lahat kaninang pagpasok ko. Hindi ko nga akalain na wala man lang issue sa akin. Tinawanan lang ako ng mga blockmates ko at sinasabing gusto rin nila ng one week vacation.
"H-Ha?" tanong ko. Nagpakawala pa ako ng isang mahinang tawa para hindi niya mapansin na nagsisinungaling ako sa kaniya. "Nananaginip ka pa ba? Gusto mo kape?"
Umiling siya at binigyan ako ng isang makahulugang ngiti. "'Yang ganyan na klase ng ngiti kapag nag-ce-cellphone, alam ko na ang mga iyan. Kinikilig ka," saad niya sa akin.
Akmang aalma sana ako nang tumunog ang cellphone ko. I smiled while reading Theo's message.
Messages
From: ❤️
Hey, good morning, baby.
Ingat ka diyan. Eat your lunch, okay? I'll pick you up later, let's date. :*I chuckled when I saw his kiss emoji. Gago, kinikilig ako. Gusto kong pigilan ang ngiti ko pero hindi ko mapigilan iyon.
Napansin kong nakangisi na ngayon si Nikki at tsaka namewang sa harapan ko. "See? May jowa ka na!" natatawang saad niya. "Sana all after suspension nakakahanap ng jowa."
Mas lalo akong natawa sa kaniya at kinindaran siya. "Kinikilig ako," saad ko sa kaniya. Tutal ay hindi naman na Theo ang pangalan ni Theo sa contacts ko ay ipinakita ko sa kaniya ang cellphone ko. I bit my lips while showing her my phone.
"Gago ang sweet naman," natatawang binalingan niya ako ng tingin. " Maraming puso na naman ang wasak niyan."
Natatawang pinalo ko siya sa braso. Bumalik na siya sa upuan niya. I smiled and started typing my reply to Theo.
Messages
To: ❤️
Hi, good morning din!
Oo naman, anong akala mo sa akin, diet? Ikaw rin, kain ka rin diyan mamaya.Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay nag-reply na siya sa akin. Napangiti ako lalo dahil doon. Hindi ko alam kung halatang kinikilig na ako rito. My heart was beating fast while opening his messages.
Messages
From: ❤️
Change of plans, baby. Sabay na tayong mag-lunch.To: ❤️
Ha? Diba may lunch meeting kayo nila Daddy?From: ❤️
Mas gusto kitang kasama. Tatakas ako.To:❤️
Hoy! HAHAHAHA
Bakit ka ganiyan?From: ❤️
Ayaw mo? Okay lang naman. Pwedeng sunduin na lang kita niyan mamaya pag-uwi.To: ❤️
Gusto.From:❤️
Good answer, my love.
May meeting na ako. See you later, enjoy your day.Ngumiti ako at hindi na nagreply dahil pumasok na prof namin. My heart was jumping nonstop. Gago, ang lakas kasi magpakilig ni Theo. Dinaig niya mga ex kong teenagers noon.
***
Nakita ko ang sasakyan niya sa parking lot ng eskwelahan namin kaya naman napangiti ako. Pumasok ako sa sasakyan niya at tsaka siya hinalikan ng mabilis sa kaniyang pisngi.
"Hello," masayang saad ko sa kaniya at tsaka umayos ng upo. Napanguso ako dahil ang gwapo niya sa suot ng business suit. Nakatie pa siya kaya naman mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Lost Without You
RomanceAlessandra Xander Sebastian's heart has been beating for Theodore Caleb Zaguirre since she was a child. He was her savior, her light, and she spent her whole life with him by her side. Without him, life isn't complete. So she showed him love and did...